Dyna’s pov ANG MAKULONG o ang pumayag na lamang sa gusto ni Arwin para matapos na ang lahat ng gulong ito? Ayaw niyang makulong. Hinding-hindi na siya babalik sa kulungan lalo na at iba ang tingin sa kanya ng mga lalaking nakakakulong doon. Baka kapag tumagal pa siya do’n ay kung ano ang mangyari sa kanya. Tiyak na pagpipiyestahan siya sa lugar na yun kapag tumagal pa siya doon. Alam niyang gusto siyang pasakitan ni Arwin at kung ‘yun ang gusto nito ay ibibigay niya. Wala na rin naman siyang magagawa at wala siyang choice. Hawak ni Arwin ang kanyang buhay. Ang kanyang kaligtasan. “Ate Dyna nasa labas na po si Kuya Arwin,” wika sa kanya ni Dino. Nakatitig pa rin siya sa kanyang sarili sa salamin habang nag-aayos. Araw ng kasal nila ni Arwin. Simpleng bestidang puti lamang ang kanyang s