CHAPTER ONE

1162 Words
Dyna’s pov   SINO ba naman ang hindi makakakilala kay Dyna Dela Cruz?   Siya lang naman ang babaeng kinababaliwan ng mga kalalakihan sa kanilang bayan sa San Nicolas, Ilocos Norte at pinagmumulan ng away ng mga mag-asawa. Karamihan sa mga kalalakihan ay nabibihagni sa kanyang ganda. Anak siya ng kanyang Nanay Dahlia sa isang italyano kung kaya ay namana niya sa ama ang pagiging mestisa niya.   She has long brown hair and green eyes, have also an eye shape which looks pretty and sexy. Has light skin, but not as light as northern Europeans. Matangos ang kanyang ilong na bumagay sa makipot niyang labi na may natural na pula. Kahit hindi mo lagyan ng make-up ang kanyang mukha ay namumula-mula iyon. Matangkad rin siya sa height niyang 5’8, sa tingin niya ay namana niya iyon sa ama. Italian women love to emphasize their figure. She likes to show her curves. Iyon ang gusto niya, ang napapansin siya dahil iyon ang kanyang pinagkukunan ng pera. Hindi niya ikinakahiya kung nagtratrabaho siya sa club bilang isang dancer. Besides kilala niya naman ang kanyang sarili.   Sa kabila ng kanyang trabaho ay proud siya na isa siyang Virgo Intacta. Alam niyang walang maniniwala sa kanya kahit pa ipagsigawan niya iyon. Magsasayang lamang siya ng laway. Hindi naman siya mapapakain ng mga Maritess sa bayan nila. Ang kailangan niya ay pera. Hindi ng panghuhusga.   Hindi niya trabaho na ipagtanggol ang sarili sa mga malilinis na tao. Wala siyang pakialam na nakikita ng mga tao sa kanilang bayan kung sino ang kanyang kasama gabi-gabi. Hindi niya kailangan magmalinis dahil tama rin naman ang mga ito.   Marumi siyang babae.   Naging OFW ang kanyang nanay Dahlia sa Florence Italy.   Hindi niya alam ang buong kwento ng kanyang pagkatao dahil nang mamatay ang kanyang Nanay Dahlia sa panganganak sa kanya ay naiwan siya sa kanyang Lola Mila na ngayon ay nakikipaglaban sa sakit na alzhemier. Ang Lola Mila niya ay naging ama’t ina niya. Dahil sa kahirapan ay hindi na siya nagpatuloy pa sa koloheyo. Kailangan niyang suportahan ang pangangailan ng kanyang Lola Mila.    Hindi siya dapat sumuko dahil may buhay na umaasa sa kanya. Mabuti na lamang at nabiyayaan siya ng ganda. Alam niyang mali ang kanyang pamamaraan upang kumita pero ang pagtratrabaho niya lang sa club ang kayang magbigay sa kanya ng dalawang libo sa isang araw.   Hindi pa rin iyon sapat sa mga utang nila nang minsang ma-stroke ang kanyang Lola Mila. Nakasangla ang titulo ng kanilang bahay. Isinangla niya iyon upang may ipangbayad siya sa ospital. Laking pasasalamat niya na nakaligtas ang kanyang Lola sa stroke pero agad din naman itong na-diagnos na mayroong alzhemeir. Lahat ay gagawin niya madugtungan lamang niya ang buhay ng kanyang abuela. Noon, ay hindi rin siya nito sinukuan. Iginapang siya nito sa kabila ng kahirapan kaya dapat lang na ibigay niya dito ang nararapat na tulong.   Kung nakilala niya lang sana ang kanyang ama, sana ay hindi ganito ang buhay niya. Sana naibibigay niya ang magandang buhay na pangarap niya sa kanya abuela.   Abala siya sa pagluluto nang biglang may tumatawag sa kanilang bakuran. Gawa sa plywood lamang ang kanilang bahay. Ang bubong naman ay kakapagawa niya pa lang. Yari iyon sa yero. May kalakihan ang kanilang bahay kumpara sa mga kabitbahay nila pero wala iyong itaas. Lahat ng materyales ay gawa sa kahoy. Ang bakod naman nila ay gawa sa katawan.   Boses ng lalaki ang kanyang narinig.   Kaagad siyang tumayo upang tingnan ang kanyang sarili sa salamin. Hindi siya humaharap sa tao na hindi siya nakaayos. Palaging nakapustura siya kapag humaharap siya sa tao. Hinahayaan niya lamang na nakalugay ang kanyang mahabang buhok. Korean tube crop top ang kanyang suot na pang-itaas na kulay itim. Nakalabas ang kanyang pusod at bahagyang nakaluwa ang kanyang dibdib. Ang kanyang cleavage ay nakalabas na tila puputok na sa laki. Ang kanyang pang-ibaba naman ay maong na short na maiksi.   “Dyna!” narinig niya ulit na tawag.   “Nandiyan na!” sigaw niya rin.   Dali-dali siyang lumabas ng bahay. Nakita siya Kuya Danilo. Kapitbahay niya ito. Napangiti siya nang makitang may dala ito.   “Ano po ang atin?” tanong niyang ngumiti ng ubod na tamis. Napansin niya ang tingin ni Kuya Danilo sa kanya. Ang mata nito ay kulang na lamang ay lumuwa sa pagkakatitig sa kanyang dibdib.   “Marami kasing huli ngayon na isda at naisipan kitang dalhan,” wika sa kanya ni Kuya Danilo. Ngumiti ito ng ubod nang tamis. As if naman na kikiligin siya sa ngiti nito. Nasilayan niya ang one set apart nitong ngipin. Sa tantinya niya ay mahigit forty years old na ito. Kung hindi siya nagkakamali ay tatlo na ang anak nito.   Inabot sa kanya ni Kuya Danilo ang isda.   “Naku tamang-tama hindi ko na kailangan pang pumunta sa palengke. Ang dami naman yata nito. Hindi ka ba nito lugi?” nakangiti niyang tanong.   “Naku makita lang kita, panalo na ako,” biro pa sa kanya ni Kuya Danilo.   “Palabiro po talaga kayo,” sagot niya.   “Nakakailang naman yang po at opo mo. Sa tingin ko naman hindi nagkakalayo ang edad natin,” wika pa ni Kuya Danilo sa kanya. Napangiti siya sa sinabi nito. Gusto niyang mandiri pero hindi pwede. Konting ngiti niya lang ay may ulam na sila hanggang bukas.   “Mukha nga,” pagsakay niya sa sinabi nito kaya napasigaw ito sa kilig. Hindi niya mapigilan ang matawa. Ang babaw ng kaligayahan nito.   “Danilo!” sigaw ng asawa nito. Isa sa mga mosa sa lugar nila. Napansin niyang nataranta si Mang Danilo sa sigaw ng asawa. “Anong ginagawa mo sa bahay ng babaeng ito ha?” sigaw pa nito sa asawa.   “Bumibili siya ng isda,” dahilan ni Kuya Danilo sa asawa.   “Maiwan ko na ka’yo,” paalam niya sa mga ito.   Tatalikod na sana siya nang tawagin siya ng asawa ni Kuya Danilo na mukha handang sumugod sa giyera.   “Wala ka ba bang delikadesa? Inaakit mo ba ang asawa ko?” sigaw na tanong sa kanya nito.   “Sa ating dalawa ay mukhang ako ang may delikadesa. Kung ano man po ang problema ninyong mag-asawa ay labas na ako dun,” mahinahon niyang sagot nito. Tatalikod na sana siya nang may nakalimutan siya. “Hindi ko rin po pala kasalanan na maakit ang asawa mo sa akin,” dagdag niya pang wika sabay talikod.   “Hu’wag kang masyadong magmalaki dahil bayaran ka lang! Kilala ka ng mga tao dito! Salot ang tulad mo sa bayang ito!” sigaw pa ng asawa ni Kuya Danilo sa kanya. Nakita niyang hinihila ito ng asawa palayo sa kanilang bahay. Napapailing na lamang siya.   Sanay na siya sa ganoon. Ang ipamukha ng kanyang mga kapitbahay kung anong klaseng babae siya. Babaeng mababa ang lipad. Isa lang si Kuya Danilo sa mga naaakit sa kanya. Kahit paulit-ulit itong inaaway ng asawa ay hindi pa rin ito tumitigil na magdala ng kung ano sa kanilang bahay makita lamang siya.        
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD