NAPABUNTONG-HININGA na lamang si Arwin pagkatapos nilang makausap ang secretary ng bilyonaryo. “Hindi ko alam kung paano tayo magsisimula. Kung saan natin hahanapin ang nawawalang anak ng bilyonaryo na 'yon. May chance pa tayong manalo sa lotto kaysa maghanap ng pangalan na hindi naman natin alam kung saan hahanapin," napapabuntong hiningang wika Arwin kay Hendrix. Pauwi na sila papunta sa bahay ni Hendrix. "Pag-aralan na lang natin ang mga ibinigay niyang papel. Malay natin makabingo tayo rito," umaasang wika ni Hendrix sa kanya. Ito ang nagmamaneho ng mga oras na iyon. "Sana hindi tayo nagtatapon ng oras dito." "Hindi pa naman ay sumusuko ka'na. Tandaan mo ang nakasalalay dito ay dalawang bilyon. Kailangan natin makuha 'yon." "Napakaswerte ng anak ng bilyonaryo na ‘yan. Instant bil