Lorenzo Simon Elizardes, ang nag-iisang tagapagmana ng pinakamayang pamilya sa Probinsiya Lazaro. Kilala siya dahil sa kanyang pagiging isang 'perpektong' lalake; mula sa mukha, tindig, talino, at asal, wala itong kapantay at talaga nga namang hinahangaan ng lahat.
At bilang isang perpektong lalake, kailangan niya rin ng isang perperktong babae na pakakasalan. Ngunit sa kasagsagan ng kanyang paghahanda para sa nalalapit niyang kasal, isang simpleng pangyayari ang tuluyang nagpabago ng takbo ng kanyang perpektong buhay.
At sa unang pagkakataon, nakaramdam ito ng matinding pagbugso ng damdamin sa isang simpleng estrangherang babae ng Probinsiya Lazaro. Ano na ang gagawin niya ngayong sa unang pagkakataon, hindi niya nakuha ang kanyang gusto?
Hanggang saan ang kayang gawin ng isang Lorenzo Simon Elizardes upang mapasakanya lamang ang babaeng dahilan ng kanyang mga pantasya?