AN: Dahil umuulan at malamig nakapag-update ako ulit Hindi kasi mainit kaya ginanahan ako hindi katulad no'ng nakaraan sobrang init hindi ako makapag-focus magsulat. ----------- "Bwesit!" Palatak ko habang nakaupo at napapahilamos sa mukha ko, dahil nangigil talaga ako sa Margareta na 'yon. Humanda ka talaga sa akin, si Shiela lang ang problema ko ngayon dumagdag ka pa? Kailangan ko mag-isip para mapaalis silang dalawa. Tama! Pag-aawayin ko sila at kailangan makita 'yon ni Anthony, sigurado ako na paalasin ang sino man sa kanila, syempre gagatungan ko ng mas matindi para talagang maniwala at gawin niya 'yon. Napangiti ako sa naisip ko, ngayon tingnan natin sino ang mas matapang sa inyong dalawa. Lumabas muli ako ng kuwarto at tahimik sa labas, bumaba ako sa hagdan at tinanaw ko sa l