Nagising akong ‘di ko maigalaw ang mga kamay ko. Tila ngalay na ngalay ako. Kaya naman dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata upang alamin kung na saan ako. Nakita kong nandito ako sa isang silid, habang nakaupo sa isang upuan at may tali ang aking katawan at mga kamay. Kaya pala hindi ako makagalaw dahil nakatali ako. Peste! Ano'ng balak sa akin ng lalaking ‘yun? Gosh! Kailangan kong makawala mula sa pagkakatali ko. Upang makaslis ako sa lugar na ito. Lalo at may misyon ako. Balak ko na sanang itaas ang aking paa dahil may mga patalim ang suot kong sapatos upang maputol ang tali sa pulsuhan ko. Ngunit biglang bumukas ang pinto ng silid na kung saan ako naroroon, tumingin ako sa taong pumasok dito walang iba kundi si Senator Dash. Asar na tumingin ako sa lalaki. Ngunit ngumisi l