Umikot ang mga mata ko sa buong paligid upang maghanap ng lugar na ligtas para sa batang hawak-hawak ko. Ngunit wala akong makita dahil lahat ng lugar rito ay delikado at puwedeng mabagsakan ng matitigas na bagay ang sangol. Mas lalong hindi ko ‘yon matatanggap kapag tuluyang mapahamak ang bata. Bigla namang huminto ang malakas na lindol, na labis kong pinagpapasalamat sa panginoon. Pagkatapos ay muli akong sumilip sa ibaba at nakita ko ang Ina ng sanggol na umiiyak. Tumingala rin ito sa akin. “Please! Kung hindi ako makaligtas dito. Alagaan mo ang aking anak dahil wala na siyang Ama!” sigaw ng babae habang may luha sa mga mata nito. “Kailangan mong makaligtas diyan. Ang dahil aalagaan mo pa ang anak mo at huwag kang mawalan ng pag-asa!” sigaw ko at muling ibinaba ang lubid. Bahala na!