Lalo naman akong nainis dahil sa malakas na sigaw at pagmumura nito sa akin. Kaya naman walang habas kong inangat ang paa ko upang sipain ang mukha ng lalaki, na siyang kinagulong nito. Agad din akong tumingin sa dalawang kasama nito at nakita kong balak na lumapit sa akin. Ngunit agad kong inumang ang aking hawak na tubo. Kaya ayon, nagmamadali silang tumakbo papalayo sa akin dahil sa takot. Basta na lang iniwan ang kasama nilang hindi pa kakatayo. Hanggang sa matanaw kong may nakasalubong na tatlong pulis ang mga lalaking nagtakbuhan. Mukha balak nilang magsumbong sa mga pulis, ah! Iiling-iling na lamang ako na humarap sa dalawang mag-asawa. Agad akong humakbang upang kausapin sila. “Umalis na po kayo rito,” pagtataboy ko sa dalawang matanda. “Hindi ka namin iiwan dito, ineng. Baka