Nanlilisik ang mga ni Senator Dash, habang nakatitig sa akin. Ako naman ay nagtataka kung bakit naglit na naman ito? Eh, wala naman akong ginagawang masama sa lalaki, ah? Saka, ano'ng masama sa sinabi kong cute pie? Hanggang sa magulat pa nga ako nang sigawan nito ang lalaking staff para lang paalisin sa harap ng pinato. Nakita ko namang tila natakot ang lalaking staff, ako tuloy ang naawa rito. Hanggang sa ipasok na ni Senator Dash ang mga pagkain, ngunit malakas namang sinipa ng binata ang pinto. Nang maibaba ang mga pagkain sa ibabaw ng center table ay bigla akong hinirap ni Senator Dash. Halos magbuga ito ng apoy dahil sa tindi ng pagtitig nito sa akin. Kulang na lang ay ma-letchon ako nito. “Bakit mo siya tinawag ng ganoon, Cm? Boyfriend mo ba ang lalaking ‘yun, ha? Sagot!” buly