Natauhan lamang ako nang marinig ko ang malakas na kulog na nagmumula sa kalangitan. Dali-dali kong inalis ang labi kong nakalapit sa labi rin ni Senator Dash. Maliksi rin akong umalis mula sa ibabaw ng lalaki. Hindi ko tuloy alam kung tatakbo ba ako papalayo para makatakas sa lalaki o kakausapin ko na lamang ang lalaki na tila walang nangyari. Peste naman, oh! Agad ding tumayo si Dash, ngunit sobrang dilim ng mukha nito at alam kong galit na gal ito sa akin. Kinuha rin ng lalaki ang panyo mula sa bulsa ng suot nitong pants at panay ang punas sa labi nitong hinalikan ko. “Patawad po, Mr. Senator, h-hindi ko po kita nakita…” anas ko sa lalaki habang nakangiwi ang labi. Lalo namang nanlilisik ang mga mata nito sa akin. Ngunit wala naman akong narinig na ano mang salita mula rito, hanggan