“Ahhh! Huwag!” Sabay bangon ko mula sa papag na kinahihigaan ko. Hingal na hingal din ako nang magising. Kasabay ng paghingal ko'y tagaktak din ang pawis ko sa aking noo. “Peste! Ano bang nangyayari sa akin? Madalang naman akong magkape, ah?!” palatak na tanong ko sa aking sarili, hanggang sa tuluyan na akong umalis ng papag. Upang pumunta sa loob ng banyo. Para maligo na lamang. Parang ayaw ko na tuloy matulog, kaysa naman, palagi kong napapanaginipan ang pesteng Upo na ‘yon ni Mr. President. May Gosh! Tuloy-tuloy na lamang akong naligo upang mawala ang pagkasabog ng utak ko. Parang nahimas-masan naman ako ng matapos akong mag-shower. Agad naman akong nagbihis. Isang pantalon maong at t-shirt na kulay black ang sinuot ko. Kinuha ko ang sombrero ay shades. Kailangan ko munang maglakad