Misyon: Dapat Maging Lalaki ka, Agent Cm

1508 Words
Lalong lumakas ang kabog nang aking dibdib nang marinig kong humakbang ito papalapit sa aking pwesto mula sa likuran ko. “Senator, nagkaroon po kasi ng problema sa kotse mo at hindi sinasadyang mahagip ng sasakyan ni Ms, pretty,” biglang anas ng driver ni Dash. Lumunok muna ako ng ilang beses. Kailangan kong harapan ang lalaking ito. Kaya ko ito. Ilang beses din akong nagbuntonghininga. Hanggang sa magdesisyon na akong humarap sa lalaking crush ko. “Mr, I apologize to you, dahil nangyari sa kotse mo, kung magkano man ang babayaran ko’y handa akong magbayad,” paghingi ko ng paumanhin sa lalaki at medyo tumungo pa nga ako. Laking pasasalamat ko dahil hindi sumabit ng boses ko, kahit mautal-utal ay hindi rin nangyari sa akin. Kaya lang, malakas pa rin ang kabog ng aking dibdib. Hanggang sa bigla akong mag-angat ng tingin, lalo at wala pa akong naririnig na salita mula sa lalaking kaharap ko. Ngunit gusto kong mapa-urong dahil seryoso lamang itong nakatingin sa akin. At para bang hinahalukay nito ang buong pagkatao ko. Pinagpapawisan tuloy ako ng malapot. “Mag-iwan ka na lang ng calling card mo, tatawagan na lang kita kapag kailangan mo nang magbayad,” seryosong sabi ng lalaki sa akin. “Okay,” maikling sagot, humakbang ako at nilampasan ko ito para lumapit sa aking kotse upang kumuha ng calling card, naiwan ko kasi ang aking bag sa loob ng sasakyan ko. Agad kong binuksan ang pinto at kinuha ko ang aking bag upang kumuha ng calling card. Pagkatapos ay muli akong bumalik sa lalaking crush ko. Nakita ko itong lumapit sa kotse niya upang tingnan ang nayuping kotse. Nahihiya tuloy akong lumapit dito. Ngunit kailangan kong makipag-usap ng maayos sa lalaking crush ko. Bigla naman itong lumingon sa aking nang maramdaman niyang papalapit na ako. Agad ko namang ibinigay rito ang calling card, hanggang sa abutin din nito mula sa aking kamay at binasa ang nakasulat doon. “Attorney Cristine May Dua!” malakas na pagkakabasa nito sa aking pangalan. Sabay tingin sa akin. Hanggang sa walang salita na itong tumalikod at pumasok sa loob ng kotse niya. Masasabi kong may pagkasuplado nga ang aking crush. Iiling-iling na lamang ako na muling bumalik sa aking kotse para tuluyan na akong umalis. Hindi naglaon ay tuluyan na akong umalis sa lugar na pinangyarihan ng aksidente. Hanggang sa makarating ako sa aking bahay. Tuloy-tuloy na lamang akong pumanhik sa kwarto ko. Sabay higa sa aking kama. “Ahhhhhh!” tila ko nang pagkalakas-lakas, dahil kinilig ako nang sobra nang tingnan ako ni Senator kahit sandali lamang, My Gosh! Bakit ang gwapo niya? Parang naiihi ako sa kilig. Nagpagulong-gulong din ako sa kama, siguro kong makikita ako ng mga kasambahay ko ay iisipin nila na baliw ako. Peste! Ano bang nangyayari sa akin? Parang hindi ko na siya crush! Tila mahal ko na si Mr. Senator. At muli na naman akong tumili ng malakas, hanggang sa bigla akong napahinto sa pagtili nang mag-ring ang aking cellphone. Hindi tuloy maipinta ang mukh ko. Kahit tinatamad tumayo ay napilitan ako upang kuhanin ang aking cellphone sa aking bag, hindi ko na rin tiningnan kung sino ba ang tumatawag sa akin at basta ko na lang sinagot. “Sino ba ito?” tanong kong medyo naiinis pa. “Attorney Cristine May.” Nanlalaki ang mga ko nang marinig ko ang boses ng lalaking crush ko. s**t! Totoo bang tinawag ako ni Mr. Senator? Ilang beses muna akong napalunok, bago magsalita. Kailangang maging relax lang ako kapag kausap ko ito. Baka isipin nito na maharot akong babae. “Yes, who is this?” tanong ko at nagkunwaring hindi ko ito kilala. Ramdam kong mas kinabahan yata ako, eh, kausap ko lang naman ito sa cellphone at malayo siya sa akin. “Dash Max,” maikling sagot nito sa akin. “Mr. Max, kailangan ko na bang magbayad sa kotseng nabangga ko?” “Alas-diyes ng umaga, magkita tayo bukas, i-tetext ko sa ‘yo ang address ng bahay ko, Attorney Cm,” seryosong sabi ng lalaki sa akin. “Sige po, Senator,” magalang na sagot ko sa lalaking crush ko. Wala naman akong narinig na salita mula sa lalaki. Hanggang sa mawala ito sa kabilang linya. At hindi man lang nagpa-alam ng maayos. Kahit ganoon pa man ay kinilig pa rin ako, dahil tinawagan ako nito. Kaya naman muli na naman akong tumili nang malakas. Hanggang sa marinig kong nag-ingay ang aking cellphone na ginagamit ko sa trabaho. Dali-dali ko tuloy itong kinuha, hanggang makita kong si boss Zach ang tumatawag sa akin. “Boss,” bungad ko ka agad. “Kailangan mong pumunta rito sa bahay ngayon, Agent Cm. Upang pag-usapan ang kaso ng Black Fox Syndicate.” “Sige boss,” anas ko. Nagmamadali naman akong lumabas ang kwarto, pagdating sa kabahayan ay tuloy-tuloy akong lumapit sa aking motor at matulin ko itong pinatakbo papalayo. Hindi nagtagal ay tuluyan na akong nakarating sa bahay ng boss ko. Tuloy-tuloy akong pumasok sa loob ng gate at pumunta sa bahay ng aking boss. “Sumunod ka sa akin, Agent Cm,” pagyaya sa akin ni boss Zach, nang makita ako na papasok sa bahay nila. Napansin kong papunta kami sa private room na kung saan nag-uusap-usap ang lahat ng agent nito kapag pinatatawag kami, nasa loob din ng private room ang mga kagamitan na ginagamit namin sa mga misyon namin. Pagpasok sa loob ng private room ay agad akong naupo sa couch. Nakita kong may kinuha pang folder si boss Zach sa ibabaw ng table nito. Hanggang sa ibaba na nito sa aking harapan. Agad ko namang kinuha ang folder at nakita ko ka agad ang Isla Barcelona, mukhang dito ang misyon ko. Hindi muna ako nagsalita at hinintay ko ang sasabihin sa akin ni boss Zach. Hanggang sa umupo na rin ito sa katapatang sofa. “Ang Black Fox Syndicate na ang misyon mo, Agent Cm. Alam mo bang si Mr. Ron ay kanang kamay lamang ng mga leader ng Black Fox. At ito si Mr. B, ang unang misyon mo.” Sabay lagay nito sa aking harapan ng picture ng isang lalaki. Agad ko namang kinuha ang picture upang tingnan. At Mr. B. Pa rin ang tawag sa lalaki, kahit isang sikat na negosyante na ito. So, kasapi pala siya ng Black Fox Syndicate. Hanggang sa marinig ko ulit na magsalita si boss Zach. “Ang Black Fox Syndicate ay isang sindikatong kaaway ng batas. At ang mga kalokohan nila ay ginagawa nila sa Isla Barcelona. May isang tao na lumapit sa atin upang sugpuin ang Black Fox Syndicate, ngunit kailangan din nating pag-ingatan ang tao na ito dahil may banta sa buhay niya. Lalo na ngayon at tatakbo siya sa pinakamataas ng katungkulan ng bansa.” Kumunot ang aking noo. “Kilala ko ba ang taong ito, boss Zach?” tanong ko rito. “Hindi ko alam kung kilala mo, ngunit sikat ang tao ito, walang iba kundi si Senator. Dash Max. At ngayon naman ay tatakbo bilang presidente ng bansa. Halos maglaglag ako sa sofa ng marinig ko ang binanggit nitong pangalan. “Boss, si Mr. Senator ay babantayan ko rin ba? Pero marami niyang tauhan kaya alam kong kaya siyang bantayan!” reklamo ko sa lalaki. “Mas maganda pa rin kung may isang secret weapon ang palaging nakamasid kay Mr. Senator,” anas ng boss ko, sabay lagay ulit ng folder sa aking harap. Dali-dali ko naman itong kinuha upang buklatin. Hanggang sa manlalaki ang mga mata ko dahil sa edit na aking picture at ginawa akong lalaki ni boss Zach. “Boss, bakit naging lalaki na ako rito?” reklamo ko sa aking boss. “Kailangan mong mag-apply bilang tauhan ni Mr. Senator, habang binabantayan mo siya ay puwede ka naman maghanap ng mga ebidensiya para sa grupong Black Fox Syndicate, dahil taga Isla Barcelona rin si Mr. Senator kaya madili lang sa ‘yo ang lahat. Ang nilalaman ng folder na ‘yan ay ang katauhan mo bilang isang lalaki. Kayang-kaya mo naman na baguhin ang boses mo dahil isa iyan sa mga pinag-aralan ninyo, bago kayo pumasok sa secret weapon ng bansa,” tuloy-tuloy na litanya ni boss. “Boss, paano kung mahuli ako? Saka, magkano pala ang ibabayad sa akin dito?” tanong ko ka agad sa boss ko. “Maglalabas si Mr. Senator ng amin na milyong piso, basta maguspo ng grupong Black Fox Syndicate. Lalo at next week ay halalan na kaya dapat lagi kang nakabantay sa kaniya. At alam kong kayang-kaya mo siyang lusutan. At kung sakaling manalo siya bilang presidente, puwede ka nang umalis bilang tauhan niya upang mapagtuunan mo ang Black Fox Syndicate,” paliwanag sa akin ni boss Zach. Nahilot ko tuloy ang aking noo. Ano kayang mangyari sa akin kapag na kasama ko na ang aking crush? Tapos ang tingin nito sa akin ay isang lalaki? Lintek! Baka ang labas ay mahalikan ko na naman ito! At Siguradong ibubugsok na ako noon sa lupa lalo at isang lalaki ako! Gosh
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD