ASAR NA ASAR na kinuha ko ulit ang aking cellphone upang buksan ulit. Saktong pagbukas ko ng cellphone ay muli na namang nag-ingay ito. At nakita kong si Mr. President na naman ang tumatawag sa akin. Mukhang hindi ako titigilan ng lalaking ‘yon, ah? Bago ko sagutin ang call ng lalaking Gurang ay ilang beses muna akong nagbuntonghininga. Liguan ko kaya ang lalaking ‘yun ng tubig na nag-yeyelo? Para naman maalis ang init ng ulo. Parang lalging may regla, nakakaloka talaga! Nang pindutin ko ang button ay boses ka agad ni Mr. President ang aking mabungaran. “Na saan ka ngayon, Cristine May?!” pasinghal na tanong sa akin ng lalaki mula sa kabilang linya. “May date nga ako, Mr. President. Kaya puwede ba, huwag kang istorbo,” anas ko sa lalaki. Ngunit rinig na rinig ko ang naghihimutok na g