ZYDUS POV Alam kong nagulat ang tatlong nakatatandang bampirang ito pagkakita sa mga anak ko na halatang ayaw paistorbo sa kung ano mang ginagawa nila, lalo na si Ilac na sa lahat ng ayaw niya ay yung guguluhin or iistorbohin mo siya sa kung ano man ang ginagawa niya. Matutuwa ka lang sa kanila kase kahit ayaw nilang paistorbo sayo ay susunod at susunod pa din sila lalo na kapag sinabi mong pinapatawag sila ni Zia. Diko alam kung ano ang kinakatakot nila sa ina nila. Kunsabagay sa pinakita lamang ni Zia kanina, kahit ako namangha dahil hindi ko akalain na may tinatago pala siyang pambihirang kapangyarihan. Inakala ko pa nga na isa sa kambal ko ang may kagagawan nagulat na lamang ako ng makita kong si Zia ang gumawa nun. " what is it mom?...wika ng anak kong si Ilac habang nakasimangot