SAM POVS
Ma'aga pa lang gising na ako dahil ngayon ako pupunta sa amin. Medyo may kalayuan din ito kaya kailangan ma'aga ako umalis upang hindi ako gabihin sa daan.
Hindi ko, sinabi kay Carl na uuwi ako ngayon sa amin. Isang gabi lang naman ako doon.
"Sam, ayaw mo, ba' magpahatid?" tanong ni Ma'am, Grace sa akin.
" Hindi na po, Ma'am, " tipid na sabi ko. Lumabas na ako ng bahay wala tanging bag na maliit lang ang dala ko.
May mga damit naman ako sa bahay kaya ayos lang na hindi ko na dalhin ang damit ko dito.
Sakto paglabas ko ng kalsada may jeep dumaan. Agad ako sumakay ng jeep patungo sa town.
Doon kasi boh sakayaan ng bus papunta sa akin.
Bale dalawang sakayan pa ng bus bago ako makarating sa amin.
Pasado alas 7: 00am na ako nakarating sa terminal ng bus.
Akmang sasakay na ako biglang may humawak sa kamay ko. Napalingon naman ako kung sino gumawa nito.
"Carl, anong ginawa mo, dito?" tanong ko sa lalaki.
"Sinundan kita, hindi ka man lang nag paalam sa akin."
"Para ano pa?, pwede ba, bumalik ka na sa bahay," tungon ko.
"Nandito ako para ihatid ka sa inyo, " anya nito sa akin.
" Ha? Bakit mo, ako ihatid aber? Kaya ko naman umalis mag-isa, na walang kahit sinong kasama?" pinandilatan ko ito ng mata."
"Kayong dalawa kung mag-away lang ako doon na lang kayo sa bahay nyo. Tingnan nyo, maraming nakapila dahil sa inyo?" untag ng drive.
"Kasalanan mo, ito?" inis na sabi ko.
"Ako na nga kusang maghatid sa' yo, ayaw mo pa. Libre na ngayon hindi ka na magpasahe pa?" untag nito sa akin.
Tama naman sya kay sa naman magbayad pa ako.
"Oh? Akala ko, ba? Ihahatid mo, ako. Bakit? Nakatayo ka, pa dyan?" untag ko sa lalaki.
Ngumiti ito sa akin sabay hawak sa kamay ko.
"Gusto mo, rin pala," ngiting sabi nito.
"No choice na kasi?" taas kilay na sabi ko.
"Teka saglit lang ,may nakalimutan pala ako bilhin. Punta muna ako sa Mall saglit lang?" saad ko kay Carl.
"Samahan na kita sa Mall."
"Sure ka?" tanong ko sa lalaki.
Tumango ito sa akin.
"Bakit? Hindi mo, man lang ako sinabihan na uuwi ka ngayon sa inyo. Mabuti na lang nahabol pa kita dito," pahayag nito sa akin.
"Tulog ka pa kasi, kaya hindi na kita ginising. Isang gabi lang naman ako doon. Gusto ko lang kamustahin ang Nanay at kapatid ko?" anya ko kay Carl.
Nakasunod lang ito sa likod ko.
Minsan nahiya na ako dahil panay ang hawak nito sa kamay ko. Akala mo naman magnobya kaming dalawa. Loko kasi itong lalaking kasama ko. Kaya hindi ko rin masisi si Jane, kung bakit galit na galit sa' akin. Ako na nga umiwas pero lapit pa rin sya ng lapit s sa akin.
Nang matapos kong bilhin ang pasalubong ko kay Nanay at Bunso umalis na kami.
"Here, suot mo?" sabay bigay nito ng helmet. Agad ko naman sinuot upang maka alis na kami.
Nagmotor lang kami pupunta sa amin.
Hindi ko alam kung kabisado nya ang daan. Sabi nito unang beses pa daw nya pumunta sa amin.
"Carl, huwag mo bilisan ang pagtakbo ng motor baka mabangga tayo?" saway ko sa lalaki.
"Relax, hindi naman ito mabilis," tungon nito sa akin.
Isang oras at kalahati bago kami nakarating sa bahay.
" Carl, ipasok mo, sa loob ang motor mo?" utos ko sa lalaki.
Hindi pwede iwan lang nya dito sa labas baka mawala pa ito.
" Nay," tawag ko sa aking Ina habang abala ito nagwalis sa likod ng bahay. Hapon na kami nakarating dito sa amin.
" Oh? Sam, nandito ka na pala hindi ka man lang nagpasabi sa amin?" saad nito sa akin. Niyakap ko nang mahigpit ang aking Ina.
"Sino sya?" turo nito kay Carl.
"Ah, Nay' sya pala kapatid ng amo ko," pakilala ko sa aking Ina.
Dinala ako ni Nanay sa sulok.
" Ikaw na bata ka, bakit mo, si paano kung hindi nya nagustuhan itong bahay natin," mahina nitong sabi.
"Nay, nagpumilit po, sya na ihatid ako. Eh wala naman ako nagawa kasi nga nandoon na sya?" paliwanag ko sa aking ina.
" Wala na nga dahil nandito na sya. Saan natin patutulugin yan. Dalawa lang nga kwarto dito sa bahay tapos puro maliit pa," saad nito sa akin.
" Nay sa kwarto ko na lang po, sya matutulog sa labas na lang ako," anya ko kay Nanay.
" Bahala ka, basta wala lang sya masabi tungkol sa atin.
Nga pala kailangan mo, bumili ng ulam sa labas. Nakakahiya naman kung pakakainin natin sya ng gulay," pahayag ni Nanay sa akin.
"Sige po, bago iyon timpalahan ko muna sya ng kape," saad ko.
"Carl, pasok ka sa loob. Pagpasensyahan mo na ang bahay namin ha, medyo magulo kasi," mahina kong sabi.
Ang totoo nahiya talaga ako dahil malayong-malayo sa bahay nila. Pero nandito na ito hindi naman pwede na paalis ko sya.
Pinaupo ko, muna sya sa bangko. Pagkatapos tinimpalahan ko ito ng kape. May dala naman ako tinapay kanina.
Pagkapos iniwan ko muna ito sa sala . Kailangan ko, linisin ang kwarto ko dahil doon sya mamaya matutulog.
Hindi nagtagal dumating na si Bunso galing sa school.
Nagulat pa ito na may nakita syang lalaki sa loob.
"Dumating ka na pala Bunso?" untag ko sa kapatid ko.
" Opo, ate medyo pagod lang ako?" malungkot nitong sabi.
" Ganyan talaga, kapag nag-aaral ka. Sige na magbihis ka na tapos samahan mo, ako bumili ng ulam natin," saad ko sa kapatid ko.
Tumango naman ito sa akin.
Sinabi ko rin kay Carl kung pagod sya pumasok lang sya sa kwarto may electric fan lang naman sa loob kaya hindi mainit.
Iniwan ko muna si Carl sa' bahay dahil bibili kami ng ulam.
"Sam? Sino kasama mong pogi nobyo mo?" tanong ng Marites kong kapit bahay.
" Ay, Aling Mirda amo ko lang po, iyon," sagot ko.
" Naku? Hindi ako maniwala Sam. Imposible naman kung amo mo. Eh pupunta dito lalo na dyan sa bulok nyong bahay?" pang-insulto nito sa akin.
" Alam mo, kung sino mas bulok Aling Mirda. Yang ugali nyo, kung makapintas kayo sa kapwa nyo. Akala nyo, perpekto na kayo.Umangat lang kayo sa buhay ganyan na kayo. Eh pareho na lang tayo kumakain ng bigas.
Hindi porket may kakayahan kayo pwede na kayo umapak sa kapwa nyo!" inis na sabi ko.
" Ate, huwag mo na patulan yan. Hindi ka pa sanay sa bunganga nya. Tara na baka maghintay pa si Nanay sa atin," saway ng kapatid ko..
Ang hirap sa mga may kaya mababa ang turing nya sa' katulad namin mahihirap.