SAM POVS
Nagulat ako nang mapagtanto ko hindi okay si Sir Carl. Kahit hindi maganda ang trato nya sa akin. Tinulungan ko pa rin sya. Dahil wala naman sya aasahan dahil umalis ang Ate nito.
Nag-alangan man ako pumasok sa kwarto nito ngunit wala akong magawa.
Baka mamatay pa sya sa gutom.
"Hay, bahala na nga," kausap ko ang sarili ko.
"Hi, Sir good evening?" pilit na ngiti ko sa lalaki.
Hindi pa kasi ito lumabas mula kanina kaya hinatid ko na ito ng pagkain nya.
"Anong kailangan mo?" tanong nito sa akin.
"Sir, nagdala po, ako ng hapunan mo.
At may gamot rin ako sinama inumin nyo, na lang po, pagakapos nyo, kumain?" saad ko sa lalaki.
"Sige iwan mo na lang dyan may ginagawa pa ako," saad nito sa akin.
"Sige po," tipid na sagot ko.
Bumait na rin ito kahit paano dahil hindi na nya ako sinisigawan sa tuwing kausap nya ako.
Sinarado ko ang pinto ng kwarto nito.
Napangiti ako dahil akala ko galit na naman ito sa akin.
Hindi ko mapigilan kiligin lalo na pag na-alala ko ang unang halik ko.
"Umayos ka Sam, kung ano-ano ang pumapasok sa utak mo. Isa pa may nobya na ang tao kaya huwag ka timang dyan," saad ng utak ko.
Nilibang ko na lang ang sarili ko sa paglilinis sa labas ng bahay.
Nang matapos ako bigla may nag doorbell sa labas. Sino na naman kaya ito.
Lumapit ako upang tingnan.
Nobya ni Sir Carl ang nasa labas.
Kabilin-bilin ni Ma'am, na huwag ito papasukin sa loob.
" Hoy? Ikaw babae buksan mo itong gate?" utos nito sa akin.
" Hoy? Karin babae. Diba sinabihan ka na ni Ma'am na huwag ka na pumunta dito!" sagot ko sa babae.
" Walang makakapigil sa akin pumunta dito. Kahit pa yang amo mo?" gigil nitong sabi.
" Okay, tawagan ko, si Ma'am, at sabihin ko nawawala ka dito."
" Papasukin mo, ako? Honey nandyan ka ba?" sigaw nito mula sa labas.
" Alam mo, babae ka, nagtaka ako sa' yo, kung girlfriend ka ba, talaga ni Sir Carl.
Dahil ni kamustahin man lang hindi mo nagawa. Tapos ikaw pa itong may ganang magwala ," saad ko sa babae.
" Huwag kang, makialam sa amin. Teka may gusto ka, ba sa' nobyo ko!" untag nito sa akin.
" Kahit kailan hindi ako magkakagusto dyan sa nobyo mo. Isa a hindi ako uhaw sa lalaki gaya mo?" pagtataray ko.
" Honey, nandyan ka ba, buksan mo ang gate!" muling sigaw nito.
" Anong kaguluhan to?" saad ni Sir. Napangiwi tuloy ako. Baka narinig nya ang sinabi ko kanina.
" Honey, iyan babae na yan ayaw ako papasukin dito!" turo nito sa akin.
" Jane, bakit pumunta ka, dito! Paano kung maabutan ka ng Ate ko. Galit sa' yo, si Ate Grace baka kung ano pa ang magawa nya sa' yo?" saad nito sa babae.
Tumingin ako sa babae sabay ikot ng mata.
" Honey, hindi pwede to, doon ka na lang tumira sa apartment ko."
" Jane hindi madali yang gusto mo? Hindi ko pwede iwan si Ate dito at bilin ito ng magulang ko!" sagot nito sa babae.
Samantala ako para akong nanood ng palabas sa tv.
"So ganun ako ang nag adjust sa ating dalawa. Mahal mo ba, ako Carl.
Dahil kung mahal mo ako, samahan mo, ako?" iyak na sabi nito.
Naku nag drama pa ang bruha akala mo naman bagay sa kanya.
"Jane, mahal kita, this time si Ate naman ang pakinggan ko.
Ako na lang ang pupunta sa sa' apartment mo. Pero hindi pa ngayon dahil hindi paa ko gaano malakas," untag nito sa nobya. Palipat-lipat ako ng tingin sa dalawa.
"You? Hindi pa tayo tapos?" turo nito sa akin.
"Huwag mo, idamay si Sam dito wala syang kasalanan. Umalis ka na lang Jane bago ka pa makita ni Tae," pagtataboy nito sa babae.
Iniwan ako ni sir mag-isa sa labas.
Gusto ko tumalon sa tuwa dahil kahit papaano nakaganti ako sa babae.
"Ikaw ano pa ginagawa mo dyan!" untag ni Sir bumalik pala ito. Hindi ko man lang napansin.
"O-Opo," pautal na sagot ko.
Sumunod ako sa likod nito.
"Sir, wala na pala po, tayong bigas. Saan po, ba " malapit na tindahan dito?" tanong ko sa kapatid ng amo ko.
" Malayo dito ang tindahan."
" Paano po, iyan wala tayong kakainin ngayon," saad ko.
" Ako na ang bahala bibili na lang ako sa labas," sagot nito sa akin.
" Naku? Sir hindi ka pwede lubas ng bahay kagagaling mo lang sa sakit."
" Sino ba, nagsabi na lalabas ako?" untag nito sa akin.
Napa kunot noo ako sa lalaki.
Maya't-maya may nag doorbell sa labas ng bahay.
"Sam? Kunin mo, ang order ko sa labas?" utos nito sa akin.
Agad naman ako tumungon sa labas ng bahay.
"Hi po' Ma'am, ito po order nyo!" anya ng lalaki sa akin.
"Kuya, bayad na po, ba ito?" tanong ko sa delivery boy.
"Opo, bayad na po," ngiting sagot nito sa akin.
"Salamat po," balik na sabi ko.
"Sir ito na po," tipid na sabi ko sa aking amo.
"Ilagay mo, lang dyan sa mesa may tinapos lang ako," untag nito sa akin.
"Opo," sagot ko.
" Sam! Sabayan mo ako kumain," saad nito sa akin.
Nang matapos si sir sa kanyang ginagawa. Lumapit ito sa box sabay bukas nito.
Nanood lang ako sa lalaki.
Isa-isa nito inilabas nag nasa loob ito.
Kaya pala mabango kasi pagkain pala ang laman nito.
"Sam, kumuha ka ng plato!" seryoso nitong sabi.
"Sige po," tipid na sagot ko.
Nang matapos kami kumain kanya-kanya na kami pumasok sa kwarto.
Naghugas muna ako ng aking katalawan bago ako matulog.
Makalipas kalahating oras natapos na ako.
Nagsuot lang ako ng maikling short at sando.
Ngunit may nakalimutan pa ako sa kusina.
Siguro naman tulog na si sir kaya ayos lang kahit ganito ang suot ko.
Nakalimutan ko gumawa ng kape. Hindi makatulog kapag hindi ako naka inom ng kape.
Ewan ko ba, bakit ganito ako si Mama at Bunso hindi naman.
"Bakit? Gising ka pa?" Boses mula sa likod ko.
"Si-Sir?" gulat na sabi ko.
Hindi muna ako humarap sa lalaki.
Lintik bakit nandito pa sya akala ko tulog na ito. Hindi ng ako pwede makita ganito. Busit naman ang buhay to .
"Tinatanonf kita bakit gising ka, pa?" muling tanong nito.
Panigurado nakita nya ang legs ko.
"Ah , Sir gumawa lang po, ako ng kape?" ngiwing sabi ko.
"Tumingin ka nga sa akin Sam?" muling sabi nito.
"Naku, umayos ka lalaki," bulong ng utak ko.
Hindi ako lumingon sa lalaki hanggang sa hindi ko na ito narinig. Siguro naman naka alis na ito.
Kaya lumingon ako sa likod. Ngunit lumaki ang mata ko sa aking nakita.
Serysong nakatitig sa akin si Sir Carl. Hindi ko alam kung sa mukha ko ba ito nakatingin oh sa aking dibdib.
"Sir? Ayos ka lang?" tanong ko sabay wagayway sa lalaki.
" Sir, may kailangan pa, po' ba kayo?" pukaw ko sa lalaki tila hindi na ito kumurap.
"Wa-Wala sige pumasok ka na sa loob," saad nito sa akin. Sabay kamot sa kanyang ulo.
Na paano kaya si , Sir bakit bigla na lang sya natulala.
Pumasok ako sa kwarto ko. Ngayon ko lang na-alala naka sando at short lang pala ako.
Napatakip tuloy ako sa aking bibig.
Naku paano ko haharapin si Sir bukas.
Dahil sa pag-iisip madaling araw na ako naka tulog.
Kaya late na ako nagising mabuti na lang kami lang dalawa ni Sir dito.