"Good evening po Sir, Ma'am," ang magiliw na bati sa kanila ng matandang babae, na marahil nasa singkwenta na ang edad. Na s'yang sumalubong sa kanila sa pintuan ng bahay ni Vincent. Ngumiti s'ya at binati rin ang matandang babae. "Good evening Manang Lourdes," nakangiting bati ni Vincent sa kasambahay. Pansin n'yang magiliw ito sa sa kasamabahay at mukhang ginagalang ito ni Vincent. Bagay na kinatutuwa n'ya. "She's Ella my wife Manang Lourdes," nakangiting pa ring pakilala ni Vincent sa kanya. Nagulat pa s'ya dahil ipinakilala s'ya nitong asawa. Lihim n'ya itong sinulyapan at kahit papano may munting tuwa s'yang naramdaman nang ipakilala s'yang asawa nito. "Ang ganda naman po pala ng Misis n'yo Sir. Buti na lang naka graduate na s'ya, makakasama n'yo na s'ya dito," ang nakangiti