Chapter 5

1810 Words
Pakiramdam n'ya may nakatingin sa kanya. Kaya naman unti-unti n'yang minulat ang mga mata. Nangapa muna sa dilim, bago may nakitang nakatayo sa may paanan ng kama. Pero malabo kaya naman pinilit n'yang minulat ang mga mata. At laking gulat ng makita si Vincent na nakatayo sa may paanan ng kama. Bumalikwas s'ya ng upo mula sa pagkakahiga. At nanlalaki ang mga mata na nakatingin kay Vincent, na titig na titig din sa kanya. Vincent is wearing a white long sleeve na nakataas sa may siko nito, magulo ang tie na tila ba inaalis na nito 'yon. At aaminin n'yang kahit sa mumunting liwanag lang ay lutang na lutang pa rin ang kagwapuhan nito. Kahit pa sabihin na mukha itong pagod andoon pa rin ang kagwapuhan ni Vincent. "What are you doing here?" Gulat na tanong n'ya. Para maiwasan ang pag suri sa kaharap na di-distract kasi s'ya sa gwapong asawa. "Dinner's ready. I was about to call you," sagot nito. Na tila naghatid ng kilabot sa katawan n'ya ang baritonong boses nito na tila ba ito ang bagong gisng. "Why the hell you?" Galit na tanong n'ya. Para maiwasan muli ang atraksyon n'ya rito. At napansin na panay sulyap nito sa katawan n'ya. Mabilis n'yang niyuko sarili. "Aaaahhhhhhhh!!!!" Nagsisigaw s'ya. At mabilis na hinila ang kumot at binalot ang sarili hanggang sa may baba. Nawala sa isip n'yang undies lang ang suot n'ya. "s**t," bulong na mura n'ya sa sarili. "Ge out!!! You pervert!" Sigaw n'ya ng paulit-ulit. Pero nanatili pa ein ito sa kinatatayuan. Habang nakamata sa katawan n'yang nakabalot na ng kumot. Pero tila wala itong pakialam sa mga sigaw nya. Naramdaman n'ya ang pamumula sa pisngi. "Are you deaf? I said get out! Get the hell out of my room!" Galit na sigaw n'ya ulit. At lalong hinigpitan ang hawak sa kumot. "Bakit ko naman gagawin 'yon kung gusto ko ang nakikita ko rito?" Seryosong sagot nito at ngumisi. "Kanina mo pa ba ko tinitignan?" "Enough to realized, na ang asawa ko pala ay may magandang katawan," nakangising sagot nito. Kinilabutan s'ya sa sagot nito. Lalo na ng idihin pa nito ang salitang asawa. Hinila n'ya ang isang unan at mabilis na binato 'yon rito. Pero nasalo naman nito ang unan bago pa tumama sa mukha nito. "You are nothing but a pervert! You maniac!" Galit na galit na sigaw n'ya. Habang namumula na sa galit at kahihiyan. "Well, sorry this pervert, maniac is your husband! Tumayo ka na d'yan. Pagkatapos ng dinner uuwi na tayo," "Uuwi tayo?" Ulit n'ya sa huling sinabi nito. At biglang naalala ang sinabi ng Daddy n'ya na kaya s'ya pinauwi ay dahil gusto nitong magsama na sila ni Vincent bilang mag-asawa. "THE HELL NO!!" Galit na sigaw n'ya. At wala sa isip na inalis ang kumot na nakatakip sa hubad na katawam at bumaba ng kama para harapin si Vincent. "No way! in your dreams na sasama ako sa iyo sa bahay mo! Hindi ako bumalik ng San Miguel para lang makasama ka! At wala akong balak tumira sa bahay mo! lalo nang wala akong balak makasama ka! Get out of here! Go to your damn home! Leave me alone!" Galit na galit na sigaw nya rito. Habang halos magwala s'ya sa harapan nito para lang ilabas ang sama ng loob. Pero nanatili lang nakamata ito sa kanya. Wala itong makitang ano mang emosyon. Samantalang s'ya halos sasabog na sa galit. "You heard me right? Get out! I know what you and my Dad planned! Well, I'm sorry, Mr. dela Merced! Hindi mo ko mapipilit na sumama sa iyo! Hindi mo ko mapapatira sa bahay mo!" Ang galit na galit na hiyaw pa rin n'ya rito. Habang taas baba ang mga dibdib sa galit. "Bakit ba hindi ko napansin dati kung gaano kaganda ang katawan mo," sagot nito. Na tila ba hindi narinig ang mga sinabi n'ya kanina. Tinignan s'ya nito mula ulo hanggang paa. Alam n'yang kitang-kita na nito ang katawan n'ya. At aaminin n'yang may kakaibang kilabot syang nararamdaman sa bawat tingin ni Vincent sa katawan n'ya. Kakaiba na hindi pa n'ya naramdaman sa buong buhay n'ya. "Oh god! I can't believe you Vincent," bulong n'ya. At bumuntong hininga. Sinulyapan si Vincent. Kitang-kita n'ya ang hindi maitagong pagnanasa sa mga mata nito. Hindi na n'ya tinakpan pa ang katawan. Alam n'yang kahit papano nagagawa n'yang pahirapan ito. Sa ganoong paraan nakakaganti na s'ya rito. Sanay na s'yang makita ng iba in her swimsuit. Sa England lagi s'yang nasa beach with some friends. At wala s'yang pakialam kung makita s'ya ng ilang mga lalake roon in her swimsuit. So what hindi naman nila makukuha. Ang madalas na sabihin n'ya sa sarili kapag naiinis s'ya sa mga tumitingin na tila ba nais s'yang lamunin ng buo. At ang nakikita n'ya kay Vincent ay iba. Isipin lang n'ya na nahihirapan ito ay natutuwa na s'ya. Isama pa ang kakaibang kilabot na hatid nito sa buong katawan n'ya. "You're damn sexy Ella. I guess, sapat na ang apat na taon na paghihintay ko," sabi nito na nagpakunot ng noo n'ya. Humakbang ito palapit sa kanya. Napaatras s'ya. "What are you talking about?" Kunot noong tanong n'ya. Aminin man n-ya o hindi kinakabahan sxya lalo na't patuloy pa rin ito sa paglapit at panay atras naman n'ya para maiwasan ito. Hanggang sa maramdaman n'ya ang kama sa may paanan. "Damn," mura n'ya sa sarili. "STOP!" Tili ny'a. At hinarang ang mga kamay sa dibdib nito, para pigilan ito sa paglapit sa kanya, pero tila sya napaso at mabilis na binawi ang mga kamay. "What?" Tanong nito. At bigla s'yang hinila sa bewang napatili s'ya nang bumunggo ang halos hubad n'yang dibdib sa dibdib nito. Naramdaman n'ya ang mainit na palad nito sa bewang n'ya. Nanlaki ang mga matang napatingin s'ya sa mga mata nito na puno ng pagnanasa. Mabilis s'yang nagbawi ng tingin. At muli'y nagpupumilit kumawala sa mahigpit na pagkakahawak nito. "Let me go!" Nagpumiglas s'ya. Pero lalo lang s'yang sinisiksik ni Vincent sa katawan nito. Nararamdam n'yang humihigpit ang mainit na palad nito sa bewang n'ya. Naghahatid ng bolta-boltaheng kuryente sa buong katawan n-ya. At ang isang kamay nito ay tinaas ang baba n'ya para magpang-abot ang mga mata nila. "May utang ka sa akin remember?" Bulong nito, na halos maramdaman na ang mainit na paghinga nito sa pisngi n'ya. Nalalanghap din n'ya ang mabangong hininga nito. Ang masculine colonge na nagpapalakas ng s*x appeal nito na talaga namang nakakabahala na sa kanya. Na tila ba may ginigising sa kahibituran na hindi n'ya maipaliwanag. Iba talaga ang dating ni Vincent sa kanya. Nagagawa pa rin nitong mapatalon ang puso n'ya. At maramdaman ang kakaiba sa katawan n'ya. "Let... me go! Wala akong utang sa iyo!" Nakuha n'yang sabihin. Habang halos hindi na s'ya makahinga sa kaba. At sa lakas ng kabog ng kanyang dibdib. "No, sweetheart, you owe me a Honeymoon," Buhat sa sinabi nito binuka n'ya ang bibig para mag protesta, pero walang salitang lumabas sa mga labi n'ya. Dahil tinakpan 'yon ng mga labi ni Vincent. Nanlalaki ang mga mata n'ya habang nagpupumilit ang mga labi nito sa mga labi n'ya. Nagpumiglas s'ya at pilit na kumakawala rito. Pero mahigpit ang hawak nito sa bewang n'ya. At ang isang kamay naman nito ay pumipigil sa mukha n'ya sa ginagawang pag iwas. At nararamdaman din n'ya ang matigas na bagay sa may pagitan ng mga hita nito na lalong nagpapagulat sa kanya. Magaspang at may galit ang uri ng paghalik nito. At nasasaktan s'ya. Pakiramdam n'ya balewala kay Vincent kung masaktan man ang mga labi n'ya. Hinahalikan s'ya nito ng walang ingat. Na tila s'ya mumuraing babae lang at hindi s'ya asawa nito. Biglang tumulo ang mga luha n'ya. Alam naman n'yang hindi asawa ang turing sa kanya ni Vincent. At kahit kailan hindi n'ya makukuha 'yon kay Vincent. Hindi s'ya kailanman matuturing nitong asawa, dahil galit ito sa kanya at higit sa lahat hindi s'ya mahal nito. Kaya ganito s'ya nito tratuhin parang basahan, walang ingat kung gamitin. "Damn!" Mura ni Vincent at tinulak s'ya. Natumba sya sa malambot na kama. Mabilis n'yang pinunasan ang mga luhang pumatak. At sinulyapan si Vincent. Nakita n'ya sa mga mata nito ang galit at pagnanasa. "Don't you dare do that again! Don't touch me again! Don't kiss me again!" Galit na hiyaw n'ya. Habang taas baba ang mga dibdib sa galit rito. "Why not? You are my wife," sagot nito. Na tila ba lason sa bibig nito ang salitang wife. "Oo! Kasal tayo pero sa papel lang 'yon! Wala kang karapatang halikan ako! Hindi tayo totoong mag-asawa!" Sigaw n'ya rito. Na kung may dapat magalit ngayon ay s'ya 'yon. Dahil sa kawakang ingat nito sa paghalik sa kanya. "Why not?! May lover ka bang naiwan sa England?" Tanong nito. At tinapunan s'ya ng matalim na tingin. Kung nakamamatay lang ang tingin nito, marahil natumba na s'ya. "Answer my question! May lover ka ba?" Muling tanong nito. Na halos maglabasan na ang mga ugat nito sa leeg. Nagtaas s'ya ng mukha at sinalubong ang galit na mga mata nito. Taas noo s'yang sumagot. "YES!" She lied. At bigla n'yang naramdaman ang matigas na kamay nito sa braso n'ya. "Ano ba?" "Who the hell damn your Lover?" "Let me go! nasasaktan ako!" "Answer my question! Damn you!" "Aray.... Vincent!" Hiyaw n'ya habang namimilipit sa sakit. Pakiramdam nya bumaon na lahat ng kuko nito sa braso n'ya sa higpit ng magkakahawak nito sa kanya. Isama pa ang mabalasik na anyo nito habang nakatunghay sa kanya. At naghihintay ng sagot n'ya. Nais n'yang pagsisihan ang pagsisinungaling rito, sa nakikita galit sa mukha nito. Na tila ba handa s'yang patayin nito ano mang oras. "Sino?!" Sigaw nito. Na nagpapitlag sa kanya. "He is.... my..... He's Patrick one of my friend I met him be-" "Shut up!" Sigaw nito. Hinigpitan lalo pagkakahawak sa braso n'ya. "Aray, Vincent. Nasasaktan ako!" "Break that damn asshole!! You're Married! for god sake! Damn You!" Mura nito sa kanya. "How can you do that?" Galit na tanong nito. Habang halos mag basagan na ang mga ngipin nito sa galit, at lumuwa ang mga mata sa panlilisik. "Why? You did the same thing! I know you are still with Caroline! and-" "Huwag mong ibalik sa akin ang sinasabi ko!" Mabalasik na putol nito sa sasabihin pa sana n'ya. "From now on you can't leave the country! Tell to that asshole na kasal ka na. Isa ka nang Mrs. dela Merced!" Tagis bagang na utos nito, sa hindi mapigilang galit. "If I don't?" Hamon n'ya. At tinaas ang mukha para salubungin ang galit na galit na mga mata nito. Nais n'yang mag mukhang matapang. Sinimulan na rin n'ya ang kasinungaling itutuloy na n'ya. "Don't push me Ella! Hindi mo magugustuhan ang gagawin ko!" Banta nito at hinagod s'ya ng tingin. Nanginig ang buong katawan n'ya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD