"Ok all set! next week na ang Wedding" Ang masayang sabi ng Papa ni Vincent. Tumayo ang Daddy nya at nag kamay ang dalawa. Ang mga Mommy naman nila nag beso with Lola Luisa. Tila ba isang masayang kasal ang gaganapin. Tila ba normal na kasal ang gaganapin. Tanging silang tatlo lang ang hindi kumilos ang kuya Nate nya, na ininom ang laman ng baso. Si Vincent na nanatiling walang kibo. At sya naman na tahimik lang na nakamasid. Tanging ang Lola at ang mga magulang lang yata nila ang masaya. Not her Kuya Nate. And obviously not the Groom. Eh sya masaya ba? masaya ba sya ngayong nakuha na nya ang gusto nya? Magiging Mrs. Dela Merced na sya soon. "Excuse me!" Malumanay na sabi nya. At mabilis na tumayo mula sa kinauupuan. Mabilis na rin syang naglakad palabas ng komedor, bago pa sya pigilan n