Cathy's POV " Sinasabi ko na nga ba best eh, diba naalala mo na pagka ang lalaking mahilig ay bigla nalang walang paki sa'yo ay malamang may ibang pinapuputakan, ayan na nga pumutok na at may bonus pang baby, ano na ang gagawin mo n'yan? " Nasa labas kami ngayon ng kaibigan kong si Adah. Nag-umpisa na rin ang trabaho ko kay Kean bilang secretary niya pero may assistant ako na ni-hire na magiging mata ko kapag wala ako sa office, hindi ito alam ng aking asawa, ang boung akala niya ay nag-hire lang ako ng assistant. Naikwento kona rin kay Adah ang nangyari sa akin nitong nakaraan, buti nalang at dumating na siya. Wala akong malabasan ng sama ng loob, ayaw kong malaman ng pamilya ko, tiyak magagalit sila sa asawa ko. "Anu pa nga ba nandiyan na eh, at matagal ng inaasam-asam ng asawa ko an