Cathy's Pov Isang linggo na ang nagdaan mula 'nung bakasyon namin sa Paris. Sa loob ng isang linggo bihira na kami ulit magkita ng asawa ko dahil palagi itong busy at ginagabi, kung minsan ay hindi pa siya umuuwi. Kapag tinanong ko ang dahilan ang sabi niya problema lang daw sa opisina.Hindi ko na lamang siya kinukulit dahil baka ito ang dahilan nang biglaan naming pag-uwi noong nasa Paris kami. Naging malungkot ang mga araw na nagdaan sa akin,naiinip ako, na bo-bore, hinahanap-hanap ko ang presensya niya. Okay naman ang pagsasama namin kasi lagi naman siya tumatawag sa akin sa landline,videochat kaya panatag naman ang kalooban ko. Kasalukuyan akong nasa bahay ngayon at nanonood ng maari kong mapaglipasan ng oras, wala kasi si Adah kaya ayaw ko umalis mag-isa. Gusto ko sana pumunta