CATHY'S POV Nagising ako sa sikat ng araw na tumatama sa aking balat, tumingin ako sa paligid at napagtanto kong nasa loob na rin ako ng kwarto naming mag-asawa, pero wala siya sa aking tabi. Ang sakit ng boung katawan ko pero kailangan kong magbanyo dahil masakit na rin ang pantog ko. Kahit nanghihina ako ay nagawa ko pa rin ang makabangon hanggang sa tuluyang makapasok. Dahil may suot naman akong tshirt kaya itinaas ko ito at umopo na lamang sa toilet bowl saka nag umpisa ng mag-bawas. Bawat patak na nilalabas ko ay may katumbas na kirot, sobrang hapdi at ang sakit ng p********e ko pero kailangan kong tiisin dahil mas malaking problema pag nagkasakit ako. Nag hugas ako ng maligamgam na tubig at nilublob ang sarili sa naka handa nang bathtub, medyo naginhawaan ako, marahil nai-ha