bc

Fate in Love

book_age18+
1.1K
FOLLOW
3.9K
READ
fated
sweet
serious
first love
like
intro-logo
Blurb

Trevor Montecillo is a notorious playboy, a well-renowned billionaire, has a shipping company. Son of Marissa and Zaldy Montecillo of Montecillo Group of Companies na mayroong Chain of Restaurants and Hotels.

Sa edad na 29, maraming umiibig na kababaihan ngunit walang sineseryoso. Hindi pa handang lumagay sa tahimik ngunit kailangan makahanap ng mapapangasawa para makatulong sa expansion ng kompanya ng pamilya.

Macy Quinto, isang mabuting anak, raketera, ang gusto lamang ay matulungan ang pamilya sa hirap ng buhay. Sa edad na 26 nakaatang na sa kanya ang responsibilidad na makatulong sa pamilya. Lahat ay gagawin ni Macy para sa pamilya. Pangarap din niyang makahanap ng mayamang lalaki na magiging asawa niya. Kahit ano gagawin niya para maiahon ang pamilya sa kahirapan.

Palagi niyang nadadaanan ang magandang yate na pagmamay-ari ni Trevor kapag siya ay pumapasok sa bar kung saan siya waitress. Nagkataong pinsan pala ni Trevor ang may-ari ng bar na pinagtatrabahuhan ni Macy na naging daan para magkakakilala sila ni Trevor. Hindi na mawaglit sa isip ni Trevor ang dalaga at gagawin nito ang lahat mapasakanya lang ang dalaga. What Trevor wants Trevor gets. Si Macy na ang magiging sagot sa problema niya na magkaroon ng asawa. Just hitting two birds in one stone ika nga. Alam niyang hindi siya mabibigo sa kanyang plano. Magtagumpay kaya siya na mapaibig ang dalaga? Abangan ang pag-iibigang Trevor at Macy ❤️❤️❤️

chap-preview
Free preview
Pangarap sa pamilya
Naalimpungatan si Macy sa tunog ng alarm clock niya. Napabangon siya bigla dahil naririnig niya din ang boses ng ina na pinapagalitan ang kapatid na si Dino. Hindi niya tunay na ina si Teresa. Dalawput apat na taong gulang na siya at masasabi niya sa sarili na maswerte siya at may kumupkop sa kanya. Nasabi ng tinuturing niyang ina na nakita siya nitong naglalakad na umiiyak sa kalsada. Sa awa ng ina sa kanya kinupkop siya nito at itinuring ng tunay na anak. Hindi sila magkamukha ng ina maging ang kapatid niya kasi kulay gray ang mata niya. Matangkad din siya sa karaniwang babae, bilugan ang mata niya na binagayan din ng mahaba ng pilikmata. Maputi ang balat niya, malaking balakang at magandang pang-upo. Napagsasabihan din siyang amerikano ang tatay dahil na rin sa features niya. Madalas siyang kinukuhang muse ng basketball sa barangay nila dahil sa rin sa taglay niyang ganda. Madami siyang manliligaw na hindi niya din napagtutuunan ng pansin dahil na rin sa may pangarap siya sa buhay at para din sa pamilya. Gusto niyang maiahon ito sa hirap. Gusto niya magkaroon ng mayamang mapapangasawa para hindi maranasan ng magiging mga anak niya sa hinaharap ang hirap ng buhay nila. Marami siyang raket para makatulong sa Nanay Teresa niya na siyang kumupkop sa kanya simula ng siya ay natagpuan nito. Nagtitinda siya sa palengke ng isda sa umaga, tumutulong din siya sa karinderya kung saan tagaluto ang nanay niya at kakatanggap lang niya na waitress sa isang hi-end bar na malapit sa daungan ng mga yate. Halos lahat ng customer sa bar ay mga bigating tao, karamihan mga bata pang bilyonaryo kaya hindi pinalagpas ni Macy ang pagkakataon na maging waitress dito. Sa angking ganda niya nakuha ang pagiging waitress dito. Nais niya rin makasakay man lang sa isa sa mga yate na nakikita niya sa mga magazine. Sumakto din na madadaanan papuntang bagong trabaho niya ang daungan ng presitihiyosong yatch club. It was her dream to be one of those girls na nakikita niyang kasama ng mga sumasakay ng yate at nagpaparty. "Tama na ang pangangarap anak. Maligo ka na. Pupunta ka pa ng palengke," paalala ng ina nito sa kanya. "Nanay naman, nangangarap na nga lang ako, nilulubos ko na." Ngiting sagot niya sa ina. "Hayaan mo Nay, magiging mayaman din tayo." Dagdag pa nito sa ina. "Sana nga anak, kaya kahit hindi mo natapos ang kolehiyo mo magsisikap tayo na makapag-aral ka uli." "Huwag na muna siguro Nay. Ang importante sa ngayon mapag-aral ko muna si Dino. Nag-aaral din naman ako Nay kahit papaano kaya ok lang na hindi ko muna ipagpatuloy ang pag-aaral ko. Madami namang paraan para matutunan ang mga bagay-bagay. Ang importante makakain tayo ng tatlong beses sa isang araw. " " Salamat anak at hindi mo kami pinababayaan. Napakabuti mo sa amin kahit hindi ka namin kadugo." Mangiyak-ngiyak na sabi nito kay Macy. "Ayan nagdrama ka na naman Nay. Maliligo na nga ako baka kung saan pa ito mapunta." Pumasok na sa banyo si Macy para makaligo na din at kailangan pa niyang magtinda sa palengke. Paminsan may raket din na binibigay sa kanya ang mga kaibigan niya. Basta legal na raket kinukuha ni Macy. Ang importante sa kanya marangal ang ginagawa niya. "Trevor anak saan ka na naman pupunta? Kakabisita mo lang kagabi dito. Sa condo ka na halos nakatira." Paninita ng mama sa binata. Siya si Trevor Montecillo, 29 taong gulang. May sarili ng negosyo na tinulungan naman ng magulang niya para lalong tumatag. Utang na loob nito sa mga magulang ang tagumpay niyang natatamo. Binibigyan pa din naman siya ng karapatan sa ibang negosyo ng pamilya na mamalakad. Tatlo silang magkakapatid. Ang panganay si Troy, 33 ang pangalawa si Trina 30 at siya ang bunso. May pamilya na si Troy at sila na lang ni Trina ang single pa. Siya ang madalas pinapagalitan ng magulang dahil sa pagiging playboy nito. Wala kasi siyang sineseryosong babae. Hindi din nagtatagal kasi madami sa kanyang naghahabol na babae. Bukod sa mayaman na siya isa din siya sa pinakagwapong bachelor. May yacht club siyang nasalihan dahil na rin sa may sarili siyang yate. TM Shipping company ang kanyang kompanyang pinaghirapang tumayo. Ginabayan siya ng magulang na itayo ito at palaguin. Magulang niya ang nagpahiram sa kanya ng malaking kapital para maging matatag ang kompanyang iyon. Kabilang siya sa Cruiser Yacht Club na halos mga young billionaire ang kasali Meron silang monthly na pagtitipon para pumunta sa isang isla kung saan may dala dapat silang kani-kanilang sinasamang date. Nalalapit na ang pagtitipon uli nila. Halos mga kabarkada niya din ang kasama doon, meron din mga bagong kasali na hindi pa din naman niya nakikita. "Ma I will go to the yacht club, may titingnan lang po ako doon. Meron kaming monthly get together." Paliwanag nito sa ina na nagtatampo na. "Anak kailan mo ba ipapakilala ang magiging seryosong katipan mo? Remember you are not getting any younger. Gusto ko ng magkaapo sayo iho." "Ma I'm just 29, gusto mo na agad ako mag-asawa?" Biro nito sa ina. "Anak hindi ka na pabata, mas maganda na makita agad namin ang apo namin sayo." "Ma papunta tayo doon, hindi muna sa ngayon madami pa akong priorities. Nag-eenjoy pa po ako." "Madaming priorities anak o madaming babae. Tigil-tigilan mo na ang papalit-palit ng girlfriend anak. Puro ka na lang pag-eenjoy. Hindi mo na iniisip ang damdamin ng babaeng iniwan mo na lang basta kapag ayaw mo na." Dugtong nito sa sinabi sa anak. "Ma I'm going now baka lalong humaba ang sermon mo sa akin. Tsaka ma hindi ko naman ginusto na lapitin ako ng mga babae." Pakindat pa nitong pagsagot sa ina na sumimangot naman. "Sana nga makahanap ka ng katapat mo anak. Ipagpasalamat ko yun kahit hindi siya mayaman basta marerendahan ka nya, susuportahan ko pa siya." Tugon naman ng ina. "I'll be here again in a few days ma" , sabat na lang ng binata sa sasabihin pa ng ina. "Busy lang ngayon kasi ill be expanding my business." Humalik muna siya sa ina bago umalis. Wala ang papa niya kaya hindi na din siya nagtagal sa bahay nila. May inaasikaso ito sa kompanya nila kaya maaga itong umalis ng bahay nila. Humalik muna siya sa ina niya bago pinaharurot ang sports car niya.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
160.4K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
100.6K
bc

His Obsession

read
75.2K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
69.3K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
20.3K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook