KINAUMAGAHAN ay maagang nagising si Keith. Gusto niyang makausap ang kapatid na si Cheska bago ito pumasok ng eskwela.. Hindi niya nagustuhan ang resulta ng pag-uusap nila ni Angel kagabi. At hindi niya rin nagustuhan na pinapakialaman ni Cheska ang relasyon niya. For goodness sake, thirteen years old pa lang si Cheska! And yet, inuutusan siya nito kung sino ang dapat niyang ligawan dahil sa gusto lamang nitong maging malapit sa iniidolong model. It was just unacceptable! And he would not tolerate it. Nakapaligo na si Keith at nakabihis na rin. Dala niya ang kanyang backpack at pinuntahan ang silid ni Cheska. It’s already 7:30 in the morning, at alam niyang nakapaghanda na rin papuntang eskwelahan ang kapatid. Marahang kinatok ni Keith ang pintuan ng kapatid nang nasa harap na siya ng kwa