FOR THE LOVE OF ZYRUS

1278 Words

        "Ano’ng balak mo ngayon, Ate?"         Nasa labas kami ng bahay, samantalang nasa loob si Zyrus at si Chad. Hinayaan ko munang mag-usap iyung mag-ama, habang magulo ang takbo ng isip ko.         Si Candy? Ayaw pa sana niyang umalis pero binantaan ito ni Chad na kung hindi pa aalis ay idedemanda niya ito. Umalis na din si Candy dahil pwede na daw siyang makatulog nang mahimbing, ngayong alam na rin naman ni Chad ang sikreto namin.         Inihilamos ko ang palad ko sa mukha ko.         "E-Ewan ko, Chris. Ayoko siyang papasukin sa buhay naming mag-ina pero paano ko ipapaliwanag iyon kay Zyrus? Ang tagal na niyang hinahanap ang Tatay niya," sagot ko.         "Kung anuman ang pasya mo, Ate susuporta lang ako sa iyo. Pero alam naman nating pareho silang may karapatan sa isa’t-isa,"

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD