CHAPTER THIRTY-NINE BRIXXE POV MABILIS DUMAAN ANG MGA ARAW, ang buwan. Its Christmas season at katulad nung nakaraang kapaskuhan na magkasama kami ni Xyvielle. Magkasama tuwing Simbang gabi. Nakaugalian na rin namin gawin ito tuwing darating ang kapaskuhan. The difference now is, ngayon kasama na namin ang buong pamilya. Dati-rati minsan magkikita lang kami sa Simbahan then kakain saglit pagkatapos ng Misa de gallo pero ngayon nagkasundo ang bawat pamilya namin na magkasabay sa pagpunta sa Simbahan para magsimba. Sa paglipas ng panahon kahit hindi pa man opisyal na hinahayag namin ang totoong estado ng aming relasyon ay naging malapit na sa isa’t-isa ang aming mga magulang at kapatid. Katunayan madalas magkasama sina Mama at Tita Alice kapag meron pagkakataon. Magkasama ang dalawa tuw