CHAPTER FIFTY-SEVEN XYVIELLE POV “HAPPY BIRTHDAY,” nakangiting sigaw nilang lahat. Napahawak tuloy ako sa aking dibdib sa gulat sa biglang pagpasok ni Mama kasama sina Papa, Kuya at Shane sa aking kwarto. Hindi ako halos makagalaw at makapagsalita sa pagkagulat. Bahagya silang natawa sa itsura ko habang pupungas-pungas pa ako dahil na sorpresa talaga ako at hindi ko ito inaasahan. Marahan akong tumayo at nakangiti habang kinakantahan na nila ako ng Happy Birthday. Another surprise from my family. Bitbit ni Mama ang isang cake habang may dalang flowers si Papa then balloons naman ang kay Kuya. Habang ang videographer naman ay ang bunso naming kapatid na siyang kumukuha ng video. Hindi ko alam paano mag-react dahil hindi ko ito inaasahan. Sabay silang lumapit sa akin.”MAKE A WISH, Anak.