CHAPTER FORTY-NINE BRIXXE POV HABANG PAPALAPIT ANG ORAS, pabilis ng pabilis ang pagkabog ng aking dibdib. Matinding kaba ang aking nararamdaman to the point na hindi ako mapakali sa kinauupuan ko. Animo’y nagmamartsa sapagkat pabalik balik ako ng lakad then uupo then tatayo na naman. “Hey, Bro. Relax! Ganyan ba talaga ang pakiramdam ng in love?” panunukso ni Marco sa akin. Napailing na lang ako sa tinuran ni Marco. “Tumahimik ka diyan! Hindi na nga ako halos makahinga dito,” reklamo ko sa kanya. “Umupo ka nga muna dito, i-relax mo muna ang sarili mo dahil in a minute ay darating na ang mahal mo. Sige ka! Baka natameme ka na naman diyan pagdating niya,” pang-aasar niya pa rin sa akin. “Everything is all set, Brixxe. Kaya huwag is masyadong mag-alala at kabahan. I'm sure that Xyvielle