Chapter 8

3859 Words
Natutulog si Xian sa kanyang kwarto. Mahimbing siyang nakahiga sa kanyang kama. Wala itong saplot sa pang itaas at nakakumot lamang. Nagising na lamang siya nang may nagdoorbell. Dahan - dahang minulat niya ang kanyang mga mata. It was Saturday and still 6:00 in the morning. Bihira lamang siyang gumising ng ganong kaaga pag weekends. Tumunog ulit ang doorbell. " Sino naman 'yan.?" mahinang tanong sa sarili ni Xian. Napilitan siyang bumangon at kinuha ang sando na nasa upuan. Inaantok pa siya at humihikab pa. Pinunasan muna niya ang mukha nito bago pumunta sa sala. Sa pangatlong pagkakataon, tumunog ulit. "Ang aga naman!" nagrereklamong sabi ni Xian. Medyo napipikon na si Xian sa di makapaghintay na tao sa labas. Pinuntahan niya agad ang pinto at binuksan. Pagkabukas niya ay naroon si Marga na nakatayo. " Good morning Honey!" nakangiting bati ni Marga. Medyo hindi inaasahan ni Xian si Marga. " Ang aga mo yata ngayon?" Walang pasabi ay pumasok si Marga sa unit at may dala itong paperbag. " Gusto ko kasing sabay tayo mag - almusal. Kaya nag - order na ako ng pang breakfast." ani ni Marga habang papunta sa kitchen. Sumunod si Xian sa kasintahan.  Agad inayos ni Marga ang hapag kainan at inilapag ang pagkain sa mga plato. " Nag - order ka pa. Pwede naman tayong magluto rito, " opinyon ni Xian. " Honey, alam mo naman na hindi ako gaanong marunong magluto," paliwanag ni Marga. " Edi ako ang magluluto!" sagot ni Xian. Ngumiti si Marga, " aie, ang sweet naman!" Lumapit ito kay Xian at niyakap ang binata. " I love you honey!" paglalambing ni Marga sabay halik sa labi ni Xian. Pagkatapos ng isang halik ni Marga, pumunta si Xian sa may mesa. " Tara, kain na tayo," umupo agad ito. ------ Nakipagkita si Odette kay Bert. Seryosong nag - uusap silang dalawa sa isang cafe. " Mamayang gabi, I will deposit into your account kapag nagawa mo na ang pinag - uutos ko," seryosong sabi ni Odette. " Sure, no problem!" sagot ni Bert. "Maaasahan mo ako!" ------- Naglalakad sina David at Yasmin. Napakapormal ang suot ni David habang naka off shoulder na blouse at skirt si Yasmin. " Totoo bang No boyfriend since birth ka?" tanong ni David. " huh?"gulat na reaksyon ng dalaga. Napatigil silang dalawa sa paglalakad. " Uhm.." hindi makasagot si Yasmin sa tanong ni David. Nahihiya tuloy si Yasmin. " Huwag kang mahiya," payo ni David at hinawakan nito ang kanang kamay ni Yasmin. Napatingin si Yasmin sa kamay ni David na hawak ang kamay nito. Seryosong nakatingin si David kay Yasmin, " Why don't you try? Let's try it?" Nabigla si Yasmin. She pulled back her hand. " Uhm kasi.." " Let's try it. If hindi magwork out, we will stop," he said. Dahan - dahang hinawakan ulit ni David ang kamay ni Yasmin. Ang lakas ng kabog ng dibdib ni Yasmin. Hindi niya ito maintindihan. Sapilitang ningitian ni Yas ang binata.  Yasmin's Pov Tama ba ito? Tama ba na pumayag ako? Tama ba ang gagawin ko?. Napapatanong ako sa sarili. Hindi naman siguro masama na pumayag ako at sabi pa nga niya, if hindi mag -work out, maghihiwalay kami. But, ganito ba talaga.. Ang dali lang pakawalan at magsabing tama na!? Nasaan na ang.. they called it love? Sigh!  Hawak niya ang kamay ko tuloy mas lalo akong kinakabahan. Pupunta raw kami sa mall at manood ng sine. Ito na ba ang sinasabi nilang date? Ilang minuto lang ay nakarating na kami sa movie house. Ang papanonoorin namin ay isang love story na movie. Karamihan sa mga nanonood ay mga magkasintahan. Medyo awkward para sa akin. Halos lahat nakahawak ang kamay, nakasandal sa balikat ng kasama at ang sweet nila.  Lumingon ako sa may kanan at napaka PDA ng magkasintahan, PDA means public display of affections. Tumingin ako sa may likuran at may naghahalikan. Kinakabahan tuloy ako at  nahihiya sa ginagawa nila sa loob ng sinehan. Ano ba itong pinasukan ko? Ganito ba talaga? Kailangan bang gawin ang mga ito sa sinehan? --------- Bumalik sa pinapanood si Yasmin sa big screen. Binibilisan na lamang niya ang pagkain ng popcorn at hindpinansin ang iba. Napakarelax naman na nanonood si David na nasa kaliwa niya. Nanlaki ang mga mata ni Yasmin ng napanood niya ang scene na naghahalikan ang bidang babae at lalaki. " I love you!" " I love you!" Naghahalikan sila ng todong todo! Napatigil si Yasmin sa pagkain at nakatitig na lamang sa screen. Napapauwang din ang bibig niya habang titig na titig kung paano nilasap ang mga labi ng bawat isa. Hiniga ng bidang lalaki ang babae sa kama... at.. "oh my.." reaction ni Yasmin. Tinakpan ni Yasmin ang mukha niya ng lalagyan ng popcorn. Napatingin si David sa kanya at hindi maiwasang natawa ito. Dahan - dahang tinatanggal ni David ang lalagyan ng popcorn na nakatakip sa mukha ni Yasmin. Lumingon si Yas sa kinauupuan ng kasama kaya nagkatinginan ang dalawa. Napalunok nalamang si Yasmin at nahigpitan ang hawak sa lalagyan ng popcorn. Ibinaba ni David ang hawak ni Yasmin at unti - unting lumalapit ang mukha ng binata sa mukha ni Yasmin. Ang lakas ng kabog ng dibdib ng dalaga.  Hinawakan ni David ang isang pisngi ni Yasmin at ang isang kamay nito ay nasa binti niya. Naririnig ni Yasmin ang ungol ng babae sa screen.. " uhh--" Napapikit nalamang si Yasmin at mas hinigpitan ang hawak hawak. Tuluyang dinampi ni David ang labi niya sa labi ni Yas. Naramdaman ng labi ni Yas ang mamasang masang labi ng binatang. Hinalikan na ni David ang labi ni Yasmin at napilitang tumugon ang dalaga sa kanyang halik.  Habang naghahalikan, ang malikot na kamay ni David ay nasa binti ni Yas at hinihimas himas paitaas-pababa sa makinis nitong balat. Medyo nakikilitian siya kaya pilit niyang inaalis ang kamay ni David sa binti niya. Dumilat ang mga mata ni Yasmin kahit hinahalikan siya ni David ng hindi tumigil ang kamay nito sa kanyang binti. " hmmm.." Nanlaki na ang mga mata ni Yasmin ng papaitaas ang paghihimas niya sa binti. Pilit niyang inaalis ang kamay ni David, at ng hindi tumigil, naitulak niya si David ng biglaan. Muntik ng mahulog sa upuan si David. Nagulat rin ang ibang nanonood sa kanila at napatigil rin sa kanilang ginagawa. Napatayo si Yasmin, " Sorry! Hindi ko kaya!" sabi niya. Umalis siya agad sa loob ng sinehan. Napabuntong hininga nalamang si David at naiwan sa upuan. Hindi na rin niya sinundan si Yasmin. Napaiyak si Yasmin habang papaalis ng mall. -------- Nanonood ng dvd sina Xian at Marga. Kumakain sila ng popcorn at chips habang nanonood ng movie ni Jackie chan. Marga lies on his lap while watching. Nasa climax na ng palabas ng biglang may nagtext. Tumayo si Marga at inilagay ang pocorn sa maliit na mesa sa harapan ng tv. " Honey, may pupuntahan muna ako saglit," paalam ni Marga sa fiance. " okay, ingat ka," sabi ni Xian. " okay. Love you!" Pinuntahan ni Marga ang nagtext sa kanya, si Bert. Pumunta siya sa sinasabi nitong restaurant. Pagalit na dumating si Marga sa lugar, " Bakit mo ba ako pinapunta rito? Stop texting me!" Napatayo si Bert, " wow! You are here! Akala ko hindi ka darating but you came!" " Ano bang kailangan mo sa akin at ginugulo mo ako?" sigaw na sabi ni Marga. " pwede bang umupo ka muna at mag -usap tayo," sabi ni Bert na dahan - dahang pinaupo si Marga. Nakaupo na rin si Marga at mukhang galit ito kay Bert. " By the way, I ask you out but depende na sa iyo kung pupunta ka. I was shocked na talagang pumunta ka. Pinayagan ka ba ng fiance mo na makipagkita sa akin?" tinutukso ni Bert. " Hindi niya alam!" sagot ni Marga. " Bakit mo ba ako pinapunta rito?" " Ang totoo.. may offer sana ako sa iyo," mahinahong sabi ni Bert at hinawakan niya ang kamay ni Marga. ------- "May mensahe!!" tumunog ang cellphone ni Xian. Tiningnan niya ito at nagulat siya. May di kilalang tao ang nagpadala ng isang larawan. Ang pinadala ay ang larawan ni Marga at ni Bert na nasa restaurant at hinahawakan ni Bert ang kamay ng kasintahan.  ------ " Marga, may offer sana ako sa iyo?" tanong ni Bert. " Bert, kung kalokohan lang ang iniisip mo, huwag mo ng ituloy!" mataray na sagot ni Marga. Inialis agad ni Marga ang kamay nito sa mesa. " Well, ang totoo Marga.. I like you!" seryosong sabi ni Bert. Nabigla si Marga, " What? Are you joking?" " I'm serious.. Gusto mo patunayan ko pa!?" hamon ni Bert. Tumayo si Bert at umupo katabi ni Marga. They were looking at each other na magkatabi. " Nagpapatawa ka ba? Sige,kung gusto mo ako, patunayan mo!" hinamon rin ni Marga. Biglang hinawakan ni Bert ang magkabilang pisngi ni Marga at pilit na hinalikan. Gulat na gulat si Marga at hindi makagalaw. After some seconds, lumayo na ang mukha ni Bert, " Hinahamon mo ako!" nakangiting sabi niya. Napatameme si Marga sa ginawa ni Bert. Hindi niya ito inaasahan. Pagkalingon nilang dalawa, nanlaki ang mga mata ni Marga na para bang may nakitang kakaiba. Nakatayo roon si Xian at nakatingin sa kanila na galit na galit ang mukha. Tumayo si Marga, " Honey?" Tumayo rin si Bert. Nilapitan ni Xian si Marga at hinablot ang kamay ni Marga at inalis sa may mesa. Binalikan niya si Bert at sinuntok niya ito ng malakas. " Aaahhh!!" sigawan ng mga tao. Nabigla ang mga tao. Ang iba ay nagtakbuhan. " Xian!!" sigaw ni Marga na inaawat ang nobyo. Hindi rin nagpatalo si Bert at sinuntok rin si Xian. Nagsuntukan ang dalawa hanggang dumating ang mga security guard. " Tama na!!" sigaw ni Marga. Umiiyak ito. Sa malayo, naroon si Odette na nakasunglasses, " Haba ng hair mo girl! Masaya ka na ba at pinag - aagawan ka ng mga lalaki! But until when?"nakangiting nagsasalita sa sarili at lumabas na ito ng restaurant. -------- Inaawat na silang dalawa upang tumigil. Galit na galit si Xian. It was the first time ni Marga na nakitang ganoon kagalit si Xian. Hindi makapagpigil si Xian sa kanyang galit. " s**t! Kailan pa ito Marga na nakikipagkita ka sa lalaking ito? At dito pa kayo naghahalikan!!" tinuturo niya si Bert na ang mukha ay maraming pasa. " Mali ang iniisip mo!!" paliwanag ni Marga. " Sabihin mo sa kanya Bert na pinilit mo akong halikan!" pasigaw na sabi niya. Hindi man lang umimik si Bert. Nagpupumiglas si Xian at ng makawala sa pagkakahawak ng guard ay umalis na ito ng restaurant. Nagalit rin si Marga kay Bert at sinampal niya ito. " Miss!!" nabigla rin ang mga guard at tao. Umalis na rin si Marga sa restaurant. Naiwan si Bert at binayaran ang mga damage roon. " Haist!" -------- Pumunta sa isang bar si Xian at uminom roon. Umiinom siya ng mag - iisa. Xian's pov Bakit ako galit? Selos ba dahil nakita kong naghahalikan ang lalaking yun at si Marga, ang babaeng pakakasalan ko? Bakit ako umiinom? Para mawala itong sakit na nararamdaman ko? O Sakit na sa tingin ko ay matagal na nandito sa loob ko? Naguguluhan ako!! Ano itong sakit na nararamdaman ko? Ang makitang ang babaeng pakakasalan ko na naghahalikan sa ibang lalaki o sa pagkakamali ko.. Na sa huli'y pagsisisihan ko! Mga bagay na hindi ko maipahayag at masabi. Mga bagay na nakatali sa nakaraan na hindi ko matatakasan hanggang ngayon! Lasing na si Xian. Nasa may bartender ito nakaupo. Tinatawagan siya ni Marga pero hindi niya ito sinasagot. " Isa pa bossing!" lasing na lasing na si Xian. " Boss, lasing na po kayo!" nag - aalalang sabi ng bartender. " Sinong lasing? Ako? Hindi pa ako lasing!!" paliwanag ni Xian na lasing. Nagriring ang phone ulit at tiningnan ito ni Xian. Hindi na gaanong makadilat ang mga mata nito dahil sa kalasingan. " Tumatawag ang baby ko!" nakangiting sabi ni Xian na kausap ang bartender. But he cancelled the call. Nagkwento ito sa bartender. " Sino ba ang pipiliin mo, yung mahal mo, o mahal mo?" Natawa nalamang ang bartender sa tanong ni Xian. Nagpatuloy sa pagsasalita si Xian, " Pinagpalit niya ako! Ikakasal na kami pero nakipaghalikan pa siya! Tama ba yun?" " hindi po tama yun!" sagot niya. Nakangiting nagsasalita si Xian," tama! bad girl! s**t!" tawa ng tawa siya. " tsk3, heart broken itong si bossing," pabulong na sabi ng bartender habang pinupunasan ang mga baso sa harapan ni Xian. " Masama ba ako? Bakit niya ako sinasaktan? Bakit ako nasasaktan?" " Dahil bossing mahal mo siya," sagot ni bartender. " hindi!" sigaw ni Xian. " huh?" " Nasasaktan ako kasi pinagpalit ko ang mahal ko sa kanya!!" paliwanag ni Xian. " huh?: naguguluhang reaction ng bartender. " hindi mo magets!! ? Ganito, may mas mahal ako kaysa sa kanya.. Pero hindi pwede.. " sabi ni Xian na natutuwang ikwento. " edi, ipaglaban mo yung mas mahal mo! Mahalin mo yung mas mahal mo!" Natawa tuloy si Xian, " Kung pwede lang sana.." napahiga ni Xian ang ulo sa mesa. Napatanong ang bartender, " Bakit ka ba nasasaktan ngayon? Dahil ba sa nakita mo ang girlfriend mo na may lalaki o dahil sa hindi mo maipahayag at maipaglaban ang totoo mong mahal?" Nakapikit na itong ngumingiti si Xian. Lasing na lasing na talaga siya. " teka bossing, huwag muna kayo matulog. Sino ba ang pwede kong icontact rito para sunduin ka?" natatarantang tanong ng bartender. Sumagot naman si Xian, " speed dial 3!" " ahh, okay!" Samantala, nasa park si Yasmin. Nakaupo ito sa isang swing. Malalim ang iniisip nito. Hindi maalis ang nangyari sa movie house. Napabuntong - hininga nalamang siya. Sigh! Biglang nagring ang cellphone niya. Nang tiningnan niya, nag pangalan ni Xian ang naroon. " Tumatawag si Xian, bakit kaya?" -------- " bossing, okay lang po ba kayo? Maya maya po darating na yung susundo sa iyo," sabi ng bartender. "Hmmmm." Pagkalipas ng ilang minuto, dumating si Yasmin sa kinaroroonan ni Xian. " Anong nangyari po?" tanong ni Yasmin. " Lasing na po si bossing!" sagot ng bartender. " kayo po ba ang girlfriend niya?" " hindi po," " ahhh, kapatid niya o pinsan.. " " hindi rin po.. " Napaisip ang bartender, " Alam ko na, ikaw yung... " Naghihintay si Yasmin sa sasabihin ng bartender ng biglang sumuka si Xian sa tabi. " Xian!" nag - aalalang sigaw ni Yasmin. -----  Inuwi ni Yasmin si Xian sa condo ni Xian. Tinulungan siya ng taxi driver na kargahin si Xian patungo sa unit nito. Hanggang nakarating na sila at nabuksan na ang pinto gamit ang susi na nasa bulsa lang ni Xian. Inihiga nila si Xian sa kama niya sa kwarto. " Salamat po," sabay binigay ni Yasmin ang pera para sa pasasalamat sa tulong. "okay lang, huwag na miss!" sabi ng driver na hindi tinanggap ang pera. Ngumiti si Yasmin at nagpasalamat ulit. Umalis na rin ang taxi driver at naiwan silang dalawa. Bumalik sa kwarto si Yasmin at tinititigan si Xian. " Bakit siya naglasing?" napatanong si Yasmin. Naaawa siyang makitang ganoon si Xian. " May nangyari kaya sa kanila ni Marga?" bulong sa isip ni Yasmin. Dahan - dahang tinanggal ni Yasmin ang sapatos ni Xian. Pagkatapos, tinanggal rin niya ang polo nito. Napalunok nalang si Yasmin ng makita ang abbs ni Xian. Napakagat labi tuloy siya habang tinititigan ang katawan ni Xian. Oh my! But, pinukol niya ang sarili para matauhan, " Aray! Ano ba Yasmin!!" Agad tumayo siya at umalis ng kwarto para kumuha ng bimpo at kasama ang lalagyan ng mainit init na tubig. Bumalik siya sa kwarto. Mahimbing pa rin sa pagtulog si Xian dahil sa kalasingan. Inilagay ni Yasmin sa mesa ang lalagyan ng tubig at binasa niya ang bimpo. Umupo sia sa kama malapit sa hinihigaan ni Xian. Dahan dahan niyang pinupunsan ang mukha ni Xian. Pinupunasan niya ang leeg nito pababa sa katawan niya. Nakaharap si Yasmin sa kanya at titig na titig sa malatinapay na abbs nito. Oh my! Pinapantasyahan na yata ni Yasmin? Ibinalik niya ang bimpo sa lalagyan at di naiwasang tinititigan niya ulit ang mukha at katawan ni Xian. Dahan dahan niyang hinawakan ang abbs ni Xian.. Ng.. Biglang.. Biglang hinawakan ni Xian ang kamay niya!! Nagulat si Yasmin! " Xian?" Biglang bumangon si Xian at tinulak pahiga si Yasmin sa kama habang hawak ang kamay nito. Hinawakan ni Xian ang kamay ni Yasmin at hiniga siya sa kama. Oh my! Hinawakan niya ang dalawang kamay ni Yasmin na nadidiin sa kama. Hinalikan ni Xian ang mga labi ni Yasmin. Laking gulat niya at nanlaki ang kanyang mga mata. Hindi niya ito inaasahan. Napakawild ng bawat halik mula kay Xian. Napapikit nalamang si Yasmin. Nagpaubaya ang kanyang labi sa labi ni Xian. Naglalaro ang mga dila nila sa loob ng kanilang mga bibig. Nilalasap ang bawat halik ng bawat isa. Bumaba sa may leeg ang mga halik ni Xian. Hinahalikan niya ito at parang may sinisipsip. Napakagat labi at nakapikit si Yasmin habang ginagawa yun ni Xian sa kanyang leeg. Oh my! Pinilit na buksan ni Xian ang damit ni Yasmin na nay mga butones. Nasira at natanggal ang isang butones dahil sa pagmamadali. Mukhang wala sa sarili si Xian dahil sa kalasingan. Napakawild at hot. Nabuksan ang damit ni Yasmin at naka- bra na lamang siya. Medyo kinabahan at ang lakas ng kabog ng dibdib ni Yasmin. Omg! Hinalikan ni Xian ang may dibdib ni Yasmin kahit may - bra at nilalaro ang n*****s nito. Paulit - ulit niya hinalikan ang dibdib ni Yasmin at.. At nakatulog na ito. Knock down! Naramdaman na lamang ni Yasmin na hindi na gumagalaw si Xian. Dumilat ang kanyang mga mata at tiningnan si Xian na nakahiga sa kanyang dibdib. Talagang nakatulog na ito sa kalasingan. Bumangon si Yasmin at inaayos ang pagkakahiga ni Xian sa kama. Inayos rin niya ang sarili at tumayo na. Wheew, muntikan na! Pagkaumagahan, nagising si Xian. Dahan-dahan niyang iminulat ang mga mata. Hinahawakan niya ang kanyang ulo dahil sa sakit. " Ang sakit ng ulo ko!" Nakaupo siya sa kama at medyo masama ang pakiramdam. Siguro dahil sa sobrang kalasingan niya kagabi. " Nasaan na ba ako? Nasa bahay na pala ako," mahinang sabi ni Xian. Nakita niya ang sarili na walang tshirt. " Ano bang nangyari?" Lumingon si Xian sa may kanan ng kama at nakita ang isang butones. Pinulot niya ito at hinawakan. " wait!" Nagulat siya. " teka.. Kanino ito?" Napatongin siya sa pinto ng marinig niya na may tao sa kusina, " huwag mong sabihin.." Tumayo agad si Xian at tiningnan kung sino ang nasa kusina na nagluluto. Sa kusina, naroon si Yasmin at naghahanda ng almusal. Nabigla si Xian ng makita si Yasmin. " Yasmin? Napalingon si Yasmin," gising ka na pala!" Dahan - dahang lumapit si Xian kay Yasmin. Ngumingiti ito. " Maupo ka na. Malapit na akong matapos," sabi ni Yasmin. " pinagluto kita ng almusal at naghanda rin ako ng sabaw." " Ang swerte ng mapapangasawa mo!" ngumingiting sabi ni Xian. Napatigil si Yasmin at tinitigan si Xian. Umupo si Xian sa may mesa. Nagpatuloy sa paghahanda si Yasmin. Pagkatapos ay inilagay na niya ang sabaw sa mesa at umupo na ito. Napatingin si Xian sa damit ni Yasmin na may isang butones na wala. " Kainin mo yan at ang mainit na sabaw," sabi ni Yasmin. Kumain na rin si Yasmin ng almusal katabi ni Xian. Napatingin ulit si Xian kay Yasmin at napansin ang pulang marka sa kanyang leeg. Inaabot ni Xian ng kanyang kanang kamay ang markang pula sa leeg ni Yasmin, " May ginawa ba ako?" Agad tinakpan ng kamay ni Yasmin ang leeg nito na may pulang marka. " Huh?" " May ginawa ba ako?" tanong ni Xian ulit. " Lasing ka kagabi. Hindi mo alam ang ginagawa mo," paliwanag ni Yasmin na hindi na makatingin kay Xian. " Kaya tinatanong kita kung may ginawa ba ako?!" seryosong tinanong ni Xian. Napatingin at nagkatitigan ang dalawa. Ding dong!! Tumunog ang doorbell. Lumingon sila sa may pinto. Sino kaya ang dumating? " Hindi kaya si Marga?" sabi ni Yasmin. Dali - daling tumayo si Yasmin at kinuha ang sapatos nito na nasa shoe rack sa may pinto. Ding dong!! " Saan ka pupunta?" tanong ni Xian. " Kukunin ko muna ang sapatos ko at magtatago. Hindi dapat ako makita ni Marga. Kung si Marga ang nasa labas, " paliwanag ni Yasmin na medyo natataranta at kinakabahan. " Kung hindi si Marga?" " Mas mabuti ng ready!" Pumasok sa kwarto si Yasmin na dala ang sapatos nito. Nong okay na ang lahat, binuksan ni Xian ang pinto at naroon talaga si Marga. " Honey!" nagmamakaawang boses ni Marga. " Sorry!" " Bakit ka pa pumunta rito?" tanong ninXian na napakaseryoso. " Honey, hindi ko talaga alam ang gagawin ni Bert!! Hindi ko alam na hahalikan niya ako. Hindi ko.alam na may binabalak siya!" paliwanag ni Marga. Sa kwarto, nakikinig lamang si Yasmin. " May nangyari kayang di pagkakaunawan sa kanila?" bulong ni Yasmin habang nakikinig sa may pinto. " Sorry honey!! Wala akong kasalanan. Siya ang humalik sa akin! Si Bert ang humalik bigla!!" " Bert? Siya kaya rin yung nanloko sa akin? Same person kaya?" Curious na tanong ni Yasmin sa sarili. Nagsalita ulit si Xian, "Marga, I just need some space this time.." Nabigla si Marga sa sagot ni Xian. " what do you mean? Anong ibig mong sabihin?" " Gusto ko lang muna mapag - isa ngayon!" sabi ni Xian. " honey! Xian!" Umiiyak na sabi ni Marga at niyakap si Xian. " I love you so much!" Nalungkot si Yasmin habang nakikinig sa dalawa. "Promise, hindi kita ipagpapalit sa iba! I will love you forever, " sabi ni Marga. "Just give me some time and space," ani ni Xian. Napaatras si Marga. Agad namang isinara ni Xian ang pinto.Bakas sa mukha ni Xian ang lungkot. Nalungkot rin si Yasmin at hindi gusto ang nangyayari sa dalawa.  Biglang nagring ang cellphone. Marga was calling, then she answered the call. "Hello.." " Nasaan ka ngayon?" Marga was crying while talking. " Pwede ba tayo magkita sa park?" tanong ni Marga. " huh?" " please, I need a friend to talk to.. " " okay," malungkot na sabi ni Yasmin. Nakatayo pa rin sa may pinto si Xian ng lumabas ng kwarto si Yasmin. Mukhang may malalim na iniisip ito. " I need courage.. " bulong ni Xian sa sarili. Nilapitan ni Yasmin si Xian. " Aalis na ako," But biglang hinawakan ni Xian ang kamay ni Yasmin. Pinigilan niya itong umalis. Nagulat si Yasmin, "huh?" Napatingin siya sa kamay ni Xian na hawak ang kamay niya. " Can we talk?" tanong ni Xian. Nakayukong sinagot ni Yasmin si Xian, " kailangan ko ng umalis. "Kahit ilang segundo lang," nagmamakaawang sabi ni Xian. Yasmin smiled, " Let's just talk pagbalik ko!" Napatingin nalamang si Xian kay Yasmin habang paalis at palabas ng condo unit niya. Hihintayin ko...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD