Chapter 6

4097 Words
Napatitig si Yasmin sa binatang kaharap.  " Kung alam mo lang Xian," bulong ng isip ni Yasmin habang nakatitig kay Xian. Nagpaliwanag agad si Xian, " Don't get it wrong. Crush kita noon..noong nag - aaral pa tayo. Ang babata pa natin noon, humahanga kahit kanino." Napangiti nalang si Yasmin at yumuko ito. Masaya na siyang malaman na crush siya ni Xian noon. It's enough at masaya na siya na ganito pala ang naramdaman ni Xian noong bata pa sila. " Kaya ba hinalikan mo ako sa park?" pabirong tanong ni Yasmin. Nabigla si Xian, " huh? Hindi.. It's just a ... a kiss. Halik lang 'yon na pagbati ng happy birthday." Nabubulol na pagpapaliwanag niya. "It's okay. Naiintindihan ko. Hindi mo na kailangang magpaliwanag," sabi ni Yasmin na napapangiti. Medyo nahihiya ai Xian sa kanyang mga reaction. " Nakakatuwang isipin noh.. ikaw pala 'yong batang lalaki noon na nagbigay ng lollipop sa akin. Hindi ko akalain..," sabi ni Yasmin. " Hindi ko akalain na magkikita tayo ulit at babalik ka," sabi naman ni Xian. Napatahimik si Yasmin. Tinitigan niya ang mukha ni Xian na nakatingin sa malayo. " Kung hindi ba ako umalis.. magiging kami kaya?" tanong ng isip ni Yasmin. " Haist! ano ba itong iniisip ko?" Tumingin si Xian kay Yasmin, " Salamat at pinagbigyan mo ang request ni Marga na maging maid of honor sa kasal namin," Ngumiti si Yasmin at nagsabing," It's my pleasure! Masaya ako sa inyong dalawa!" but deep inside, may kumikirot sa kanyang dibdib. Naalala rin niya na kahapon noong nagtatalo sila Marga at Xian sa loob ng kwarto, baka may nangyaring kakaiba sa kanila. Well, they can do it if they like dahil engaged naman sila. At napaluha ito. " Ano ba ito.. Napapaluha tuloy ako sa kasiyahan," sabi ni Yasmin na pilit na ngumingiti. Pero sa totoo ay nasasaktan ito. Napansin ni Xian na para bang may kakaiba kay Yasmin. Tumayo agad si Yasmin sa kinauupuan. " Siguro kailangan ko ng umalis," sabi ni Yasmin but tumayo rin si Xian at hinawakan ang kamay nito. Pinigilan niyang umalis muna si Yasmin. " huh?" Nagkatitigan ang dalawa na napakaseryoso. " Salamat.. " sabi ni Xian. " Ang swerte ni Marga," pabulong na sabi ni Yasmin at ngumiti ito. She closed her eyes for a moment. In her mind," I need to let him go now. Ang lahat ng 'yon ay nakaraan. Mga bata pa kami noon at ngayon we need to settle down already. We're adults and knows what's the best for each other." Dinilat na niya ang kanyang mata at ngumiti. Walang pagdadalawang - isip, she suddenly kissed Xian sa lips. Nagulat si Xian. " Thank you" sabi ni Yasmin. " huh?" Pabirong tumawa si Yasmin, " Bakit ka namumula?" Speechless si Xian. He didn't expect. " Pasasalamat ko ' yan sa lahat ng ginawa mo sa akin noon." wika ni Yasmin. " Ganun?" tanong ni Xian. " Ganun!" sagot niya. Then may nagtext kay Yasmin, si Marga: " Saan ka ngayon Yasmin? Pwede ba tayong magkita? Let's meet!" " Si Marga..." " Si Marga?" Lumingon si Yasmin kay Xian, " Gustong makipagkita sa akin si Marga." Napaisip ito. " Kailangan ninyong mag - usap. Puntahan mo na siya." sabi ni Xian. " Hindi ka sasama?" tanong ni Yasmin. " Mas mabuting mag - usap kayo ni Marga para mapag - usapan ang mga bagay - bagay," paliwanag ni Xian. Yasmin nodded. Umalis na si Yasmin sa kinaroroonan ni Xian. Fara approached Xian ng pumasok na siya sa bahay. " Couz, may gusto ka pa ba sa babaeng 'yun? Kay Yasmin?" tanong ni Fara. Napalingon si Xian kay Fara pero hindi siya sumagot. Samantala, nagkita na sina Marga at Yasmin sa isang coffee shop. They were sitting infront with each other. No words from them. Umiinom ng coffee si Marga while si Yasmin naman ay dahan - dahang sinusubo ang piraso ng pie. Marga placed the cup on the table at nagsalita ito, " Sorry kahapon... Sorry sa ginawa ko. Nasampal kita." Napatingin si Yasmin ay napatigil rin siya sa pagkain. " I didn't mean to. Talagang nadala lang ako sa emotion ko. I was shocked at nagselos of course," paliwanag ni Marga. " Pero I was hurt," sabi ni Yasmin na napakaseryoso. " Sorry na.. Sorry na.. Ayokong mag - away tayo. Ayokong magkagalit tayo. Aaminin ko, nasaktan kita physically and emotionally. Siguro iniisip mo na inagaw ko si Xian, but hindi. It was all a sudden..." humihingi ng kapatawaran si Marga sa ginawa niya kahapon na sinampal niya si Yasmin. Napatanong sa isip si Yasmin, " Kailan naging kayo? Paano naging kayo?" " Sorry na! Mapapatawad mo pa ba ako?" seryosong sinasabi ni Marga. Hindi makasagot si Yasmin. " Sorry! I'm very very sorry! Sampalin mo na lang ako para mawala ang galit mo sa akin!" hamon ni Marga. " Hindi ko magagawa 'yan sa kaibigan ko. Wala akong dahilan para sampalin kita," wika ni Yasmin. " Galit ka ba dahil baka hindi ko natupad ang pangako ko?" tanong ni Marga. " huh? Anong ibig mong sabihin? Hindi kita maintindihan!" sagot na naguguluhan si Yasmin. Bakas sa mukha niya ang mga tanong na gumugulo sa isip niya. " Ibig kong sabihin about sa virginity. Nangako tayo di ba na we will be virgin until our wedding, remember? We promised it before noong high school," paliwanag ni Marga. Naalala ni Yasmin ito. At nacurious siya, " May nangyari sa inyo kahapon?" " Huh? Wala.. Wala pa, .. Este we will wait for the wedding," sabi ni Marga but hindi makatingin sa mga mata ni Yasmin. Naguguluhan tuloy si Yasmin sa mga sagot ni Marga at mga pinagsasabi. Nagpatuloy siya, " Sorry na.. Please!" Nagmamakaawa si Marga. Yasmin smiled," Alam kong nabigla ka lang non. Sorry rin. Hindi na mauulit ang mga ganung bagay." In Yasmin's mind," I will let you go now Xian. Hanggang dito na lang. I will set my heart free!" " Talaga? Pinapatawad mo na ako?" tanong ni Marga na bakas sa mukha ang kasiyahan. Hinawakan rin niya ang mga kamay ni Yasmin na nasa mesa. " Ang saya ko! Thank you besh! Pangako sa susunod, hindi na ako magpapadalos. I will listen first! Makikinig ako sa 'yo because I trust you!" " Trust?" bulong ni Yasmin. " Hindi ba hindi mo ako tratraydurin? Right?" sabi ni Marga na confident masyado. Yasmin smiled again. " Sana hindi mo sasaktan si Xian," Yasmin said seriously. Nabigla si Marga sa sinabi ni Yasmin. " Love him as he love you. Mahal mo siya di ba?" Sumagot si Marga, " Syempre naman. I love him! I love him so much! I fight for him! Walang makakaagaw kay Xian sa akin. Magkakamatayan pa bago maagaw siya!" Ang taray ng pagkakasabi niya. " Basta huwag mo siyang lolokohin. He is a good man," Yasmin said. " of course. Why should I? Hinding hindi ko siya lolokohin. I love him and he loves me. We were meant to be!" sabi naman ni Marga. " Teka, bakit tinatanong mo ako ng mga ganung bagay. Nagdududa ka ba sa pagmamahal ko kay Xian?" tanong ni Marga na nakataas ang isang kilay. " Don't get me wrong. Sinasabi ko lang 'yun kasi ayokong makitang nasasaktan siya," paliwanag ni Yasmin. " What do you mean? Do you love him? Gusto mo pa rin siya?" Hindi pa ba nawawala ang pagkagusto mo sa kanya, na crush mo siya noon?" nacurious si Marga. " Noon 'yun. Iba na ngayon. Mahal ka niya at mahal mo siya. Masaya na ako na makita kayong masaya," she has a fake smile when she said it. " Thank you at nakamove on ka na. Just be happy for us! I promised, I will love him more than you love him. Iingatan ko siya! Just give us your blessings," sabi ni Marga. Yasmin smiled. " By the way, may fun run na gaganapin this coming Sunday. Ang company namin ang sponsor at organizer. Sali ka!" aya ni Marga. " huh?" ----- Nakatayo sa harap ng salamin si Yasmin at sinusuot ang singlet para sa fun run. She was wearing the singlet, naka-shorts at rubber shoes na pink. Naka- ponytailed ang buhok niya at talagang kaakit -akit ang itsura niya kahit na sasali lang siya ng fun run. At the waiting area, naroon na sina Marga at Xian para magpa - register. Naka -shorts rin na maikli si Marga at nakajogging pants naman si Xian. Malapit nang magsimula ang event. Dumating na rin sa wakas si Yasmin. " Sorry, ngayon lang ako. Na-traffic," sabi ni Yasmin na hinihingal. "Magpa-register ka na," sabi ni Marga. "sige," sagot ni Yasmin na saglit na tumingin kay Xian. Nagpa-register na rin si Yasmin. Habang naghihintay sina Marga at Xian, lumapit si Arthur sa kanila. " Ms. Marga!" tawag ni Arthur habang papalapit sa kanila. Napatingin silang dalawa kay Arthur. " You're so pretty today," nakangiting sabi ni Arthur na nakatingin kay Marga. Ngumiti si Marga sa kanya at napatingin siya agad kay Xian na katabi niya. Napaka -serious ni Xian na nakatingin kay Arthur. " Sir Arthur, thank you!" hindi maipintang ngiti ni Marga na may halong kaba. " By the way sir, fiance ko po si Xian," pakikilala ni Marga kay Arthur. "Ahhh.. You are Xian,her fiance. Nice to meet you bro! I'm her boss," sabi ni Arthur at nakipagshake hands siya. Nakangiti naman na seryoso si Xian habang nakikipagshake hands kay Arthur. "It's nice na nakasali ka sa aming fun run," sabi ni Arthur. " Bonding time ninyo!" "Tama, bonding time namin," sagot ni Xian. Hinawakan ni Xian ang bewang ni Marga. Sa may likod nila, naroon ang kasamahan ni Marga sa department kasama rin si Odette. "Ang cute at napakagwapo ng fiance ni Marga. Ang swerte niya!" sabi ni Karen na kinikilig habang pinagmamasdan si Xian. " Oo nga! So handsome!" sabi ni Dara. " Siya pala ang fiance ni Marga? He is handsome. But .. Tsk tsk .. poor guy.. Naaawa ako sa kanya," nakataas ang kilay habang sinasabi ito ni Odette. Napatingin sina Karen at Dara kay Odette. Natapos na rin sa wakas si Yasmin at bumalik na siya sa kinaroroonan nila Marga. " I'm done!" sabi ni Yasmin. " That's good!" sabi ni Marga. Napatingin si Arthur kay Yasmin at napatitig ito mula ulo hanggang paa, paa hanggang ulo. Napatahimik siya bigla. "Oh my.. She's a goddess.." pabulong na sabi ni Arthur sa sarili. Napatingin rin si Yasmin kay Arthur at nagtataka dahil sa kinikilos nito na nakatingin sa kanya na para bang tutunaw sa kanya. It was awkward. " Kaibigan mo Marga?" tanong ni Arthur. " Yes sir, she's my friend," sagot ni Marga. " Ahhh" Pinatawag na ang lahat na mag - ready dahil magsisimula na ang fun run. " Tara na!" Marga said at hinawakan ang kamay ni Yasmin. Naiwan si Arthur sa kinatatayuan nila kanina. Hindi siya sumali sa pagtakbo dahil siya ang isa sa organizer and sponsor ng event. Nagsimula na ang pagtakbo. Nasa VIP room si Arthur at nanonood ng Live na pagvideo ng event. Umiinom siya ng red wine roon at seryosong nakatitig sa tv. Hindi maalis ang mukha ni Yasmin sa isip niya. Magkasabay sina Yasmin, Marga, at Xian sa pagtakbo. Malayo layo na rin ang kanilang natakbo. Unti - unting lumalayo si Xian sa dalawang babae. Nakasunod naman si Marga kay Xian. Nasa may likuran nilang dalawa si Yasmin. Napalingon si Marga kay Yasmin at mas binilisan niya ang pagtakbo para mahuli si Yasmin. Humabol si Marga sa kinaroroonan ni Xian. Magkatabi na silang dalawa sa pagtakbo. Mas humina si Yasmin sa pagtakbo at hindi na pinilit ang sarili na mahabol ang dalawa. Bakas sa mukha niya ang lungkot ng makitang magkasama na talaga sina Marga at Xian. Ngumiti na rin si Xian habang kinakausap si Marga. They were happy couple. Nakakainggit! After a minute, Suddenly, Yasmin was stumbled! Nabigla ang lahat na kasabayan ni Yasmin. Omg! Napalingon rin sina Marga at Xian na nasa unahan na. Nasa lupa si Yasmin. Pagkatingin niya ay may sugat siya sa kanyang tuhod. " Outch!" Medyo masakit ito. Walang pag - aalinlangan ay bumalik si Xian sa kinaroroonan ni Yasmin. Nabigla si Marga, " Xian?" Pinuntahan ni Xian si Yasmin. " Okay ka lang ba?" tanong niya. " huh?" nabigla si Yasmin na naroon at bumalik si Xian. Biglang kinarga ni Xian si Yasmin. Mas nabigla si Yasmin at nabigla rin si Marga sa ginawa ni Xian. Nakakunot ang noo ni Marga habang pinagmamasdan si Xian na kinakarga si Yasmin at paalis sila sa track. " Haist!" Dinala ni Xian sa infirmary si Yasmin for the first aid. It was the company nurse ang naroon at para talaga ito sa event. Habang ginagamot ang sugat sa tuhod ni Yasmin, nasa tabi niya si Xian. " Okay na ko Xian, bumalik ka na sa track at makakahabol ka pa," sabi ni Yasmin na nag - aalala. " Huwag kang mag - alala. Mas importante pa ang kalagayan mo kaysa sa roon. Okay lang kung hindi manalo," paliwanag ni Xian. Napatingin si Yasmin kay Xian. Napakaseryoso ng mukha ni Xian. " Salamat," bulong sa sarili ni Yasmin na nakangiti. Samantala, nagpatuloy sa pagtakbo si Marga pero hindi maalis sa isip niya ang ginawa ni Xian na pagkarga niya kay Yasmin. Tinabihan sa pagtagpo ni Odette si Marga. " Ang gentleman pala ng fiance mo anoh? Nakita mo ba 'yun kanina ng kinarga niya ang kaibigan mo? " pinipikon at inaasar ni Odette si Marga. Tumaas ang kilay ni Marga at malapit ng sasabog sa galit sa pang - aasar ni Odette. " Ang cute nilang tingnan. Mukha silang bagong kasal kanina..how sweet!" patuloy na pagsasalit ani Odette. Pilit na hindi pinapansin ni Marga si Odette. Tumatakbo siya na hindi pinapansin si Odette. Nagpatuloy si Odette sa pagsasalita, " Watch out baka maagaw siya!" Tumigil si Marga sa pagtakbo at hinarap si Odette. Biglang sinabunutan ni Marga si Odette, " Anong sabi mo??" Nabigla siya!! " Aaaraayy!!" sigaw ni Odette. " How dare you to say that!! Sa akin lang ang fiance ko!! huwag mong sasabihin na bagay sila!!" galit na sabi ni Marga na hawak - hawak ang buhok nito. " Aray! Bitawan mo ang buhok ko!!" nagmamakaawang sabi ni Odette. Nabigla ang ibang runner at ang iba ay napatigil sa pagtakbo. Pinatawag na ang security para awatin ang nag - aaway. Hindi makaganti si Odette dahil nasa likuran niya si Marga na sinasabunutan ang buhok nito. Hanggang itinulak niya si Odette sa may putikan. " Buti nga! Nababagay ka ryan!" sabi ni Marga. Galit na galit si Odette at na nakaluhod sa putikan. Napakarumi ng damit nito at mukha. Ang gulo rin ng buhok niya. Nakakunot ang noo nito at tiningnan si Marga na nakatayo. Dumating na ang security at inawat silang dalawa. Pinatigil sila sa pagtakbo at dinala sa office. Ang ibang kalahok ay nagpatuloy sa pagtakbo. Nabalitaan na lang nina Yasmin at Xian ang nangyari. " Ano? Ginawa 'yun ni Marga?" hindi makapaniwala si Xian. " Puntahan mo muna si Marga. I'm okay here," sabi ni Yasmin. " Sige. Babalikan nalang kita rito." Pagkaalis ni Xian, dumating naman si Arthur sa kinaroroonan ni Yasmin. Napatingin ang nurse kay Arthur. Sininyasan ni Arthur ang nurse na umalis at umalis ito. Palingon - lingon si Yasmin na mukhang ayaw tumingin kay Arthur na palapit sa kanya. Patay mali si Yasmin na hindi alam na patungo siya sa kanya. " Are you okay Miss," sabi ni Arthur na napakasweet ng boses. Napatingin si Yasmin na nahihiya. " Uhmm, okay na po ako sir," sagot niya. Tiningnan ni Arthur ang tuhod ni Yasmin na nakaband - aid. Lumuhod siya sa harap ni Yasmin. " May I see," sabi ni Arthur sabay hawak sa tuhod ni Yasmin at hinipan niya ito. Mas kinakabahan si Yasmin. " Are you sure you are alright?" patuloy sa pagtatanong ni Arthur. " I'm fine sir!" sagot niya. Tumayo si Yasmin. Tumayo rin si Arthur. Nagkaharap ang dalawa. "I can send you home if you like," yaya ni Arthur. Nabigla si Yasmin sa alok ni Arthur. "Huh?" Arthur's phone rings at sinagot niya ito. Binalita sa kanya ang nangyari kina Marga at Odette. Nabigla siya. Nakakahiya ang ginawa ng dalawa sa event. Dali - daling umalis si Arthur sa infirmary. Naiwang mag - isa si Yasmin roon. Napaupo na lamang siya. " sigh!" Nakatingin sa bintana si Odette at nagsasalitang mag- isa, " Humanda ka Marga, may araw ka rin!" Nasa kanyang condo unit si Odette. Natapos na rin ang fun run. May mga nangyaring hindi inaasahan but sa huli'y successful naman ito. Nag - usap sa bahay ni Xian silang dalawa ni Marga. " Bakit ginawa mo 'yun? Ano bang pumasok sa isip mo at sinabunutan mo ang ka co -worker mo?" galit na sabi ni Xian na pasigaw kay Marga. Sumagot si Marga, " pinagtanggol lang kita!!" " Ano? Anong ibig mong sabihin?" nagtatakang si Xian. " Honey, nainis ako noong may sinabi si Odette ng hindi maganda tungkol sa iyo! Sa inis ko, sinugid ko siya at sinabunutan. Ayokong may siraan ka nila!" paliwanag ni Marga na nakakaawa ang mukha. Mas lumapit ito kay Xian at hinawakan ang braso nito, " Honey, huwag ka ng nagalit sa akin. Nadala lang ako sa emosyon ko at hindi ko palalagpasin ang mga sinabi niya sa iyo!" " Ano pala ang sinabi niya?" tanong ni Xian. " tsk! Honey, huwag mo ng itanong. Alam ko naman na hindi 'yun totoo." sagot ni Marga na pilit iniiba ang topic. " Ano pala 'yun?" Hinawakan ni Marga ang magkabilang pisngi ni Xian. " Honey! I love you!" sabi ni Marga na nakaharap sa mukha ni Xian." Do you love me?" " Yes I do!" sagot ni Xian. Marga smiled. Hindi maalis sa isip ni Yasmin ang ginawang pagkarga ni Xian sa kanya. Hindi siya makatulog at nakatitig lang ito sa kisame habang nakahiga. " He was realy handsome! Aieyee!" kinikilig na sabi ni Yasmin. Sigh. Malakas na pagbuntong hininga niya. Bumangon siya sa kama at umupo. Tumingin siya sa kalendaryo na nasa may pintuan. " Malapit na..." bulong niya sa sarili. Kinabukasan Tinanong ni Dara si Marga habang naglalakad sila patungo sa kanilang office, " kumusta? Pinagalitan ka ba ni boss?" Super confident naman sa paglalakad si Marga at sinabing, " Bakit naman ako pagagalitan?" Napahinto si Dara at pumasok si Marga sa office niya. At Arthur' s office. Bumubulong si Arthur sa kanyang katiwala na si Bert. May pinapagawa siya rito. " yes sir!" sagot ni Bert pagkatapos inutusan siya ni Arthur. Umalis ito sa office niya. Bakas sa mukha ni Arthur ang masamang binabalak. Ano kaya ito? Sinusundan ni Bert si Marga at lunch time. Hindi naman ito napapansin ni Marga dahil hindi nagpapahalata si Bert at nasa malayo rin siya minsan. Bert is one of the staff sa company. Naka black coat at naka necktie, slacks at black shoes. Nang nagkaroon ng pagkakataon si Bert na makalapit kay Marga, hindi ito nagpahalata na nakikinig siya. At that moment, nag - uusap sa phone sila ni Yasmin. " Can we meet sa mall Yasmin?" tanong ni Marga. Napakagandang pagkakataon ito. Flashback Nag - uusap sina Bert at Arthur. Inutusan niya si Bert na gumawa ng paraan na magkita sila ni Yasmin. " In any ways, I need to see her. Maghanap ka ng paraan na magkita kami at ma solo ko siya! Just the two of us!" utos ni Arthur. " Yes boss! Akong bahala!"sagot ni Bert. End of flashback--- At the mall, naghihintay si Yasmin kay Marga. " Nasaan na ba siya?" bulong niya sa sarili at panay tumitingin sa kanyang relo. Biglang may isang lalaki ang tumabi sa kanya, si Bert. " Goodafternoon miss!" bati ni Bert na nakangiti. Napatingin si Yasmin kay Bert na mukhang hindi niya kilala ang katabi. " Kayo po ba si Ms. Yasmin, kaibigan ni Marga?" tanong ni Bert na napakaentertaining magsalita. " Ako nga," sagot niya. " Ako si Bert, ka co - worker ni Marga!" pakilala niya kay Yasmin at sabay pinakita ang ID nito. Tiningnan naman ni Yasmin. Magkatrabaho nga sila. " Pinapunta ako ni Marga para sabihan kayo. May tinatapos pa kasi siyang trabaho sa office." " aahh.. Ganoon ba," reaction ni Yasmin. " Ang sabi niya pumunta kayo rito at dito nalang kayo magkita mamaya," paliwanag ni Bert. Binigay niya ang pangalan ng place at address. Binasa ni Yasmin, " Golden Crest Hotel.. " Medyo nagtaka si Yasmin, " Di ba five star hotel ito? Bakit dito kami magkikita eh sabi niya kanina gusto niyang magshoppong at kumain." " napag- utusan lang po. Siguro gusto niyang kumain dyan," sabi ni Bert. " hmmm" " tatawagan ko muna siya," sabi naman ni Yasmin. But unfortunately, cannot be reach ang phone nito. Sa huli'y pumayag na pumunta si Yasmin sa hotel na sinabi ni Bert. Sinamahan niya ito roon. Pagkalipas ng ilang minuto, nakarating na rin sa wakas sila Yasmin at Bert sa Golden Crest hotel. At the restaurant area Nakareserve ang isang table sa pangalan ni Marga. Umalis na rin si Bert at naiwan si Yasmin sa mesa. Naghintay ito at inaabangan ang pagdating niya. Wala ring text o tawag mula sa kaibigan. " Ang tagal naman niya!" naiinip na sabi ni Yasmin. Panay na siyang umiinom ng isang basong tubig. Sa malayo, nakita niya si Arthur na may kausap na mga lalaki na nakacoat and tie. They were businessmen. " Boss ni Marga," bulong niya sa sarili. Pilit na nagtago at yumuko si Yasmin para hindi mapansin ni Arthur but he knows that she's there. Nakangiti ito at lumapit ito sa kanya. " Miss Beautiful, the friend of Marga! Narito ka rin pala. What a coincidence!" sabi ni Arthur na nakangiti. Napatingin naman si Yasmin at ngumiti na medyo napipilitan. " Can I join with you?" he asked. " huh?" Sa isip ni Yasmin: " Marga, nasaan ka na ba?" Lumilipas ang oras, pero hindi dumating si Marga. Nag - order na ng makakain si Arthur para sa kanila. Napakamahal ng mga pagkain sa restaurant ng hotel na 'yon. Napalunok nalamang si Yasmin ng makita ang price nito. " Do not worry. Treat ko na to!" sabi ni Arthur. " Nakakahiya naman," bulong niya. Arthur started to eat. Nahihiya naman na sumubo si Yasmin. " Excuse me for awhile, pupunta muna ako sa ladies room," tumayo ito sa kinauupuan. At the mall, dumating na sa Marga. " Haist, nasaan kaya si Yasmin?. Ang sabi ko maghintay lang siya rito. Kung kailan kasi binigyan pa ako ng dagdag na work ngayon. Haist!" naiinis na sabi ni Marga. Tiningnan niya ang kanyang phone at dead battery na pala ito. At the ladies room, " Bakit dito pa sa lugar na 'to? Nasaan na ba si Marga? Ang tagal niya!" sabi ni Yasmin. She tried to call Marga but cannot be reached still. " Darating pa ba siya?" Naiwang mag - isa si Arthur sa mesa. Hinihintay ang pagbalik ni Yasmin mula sa ladies room. Palingon - lingon siya at binabantayan ang paligid kung may nakatingin ba sa kanya. Dali - daling binuksan niya ang isang sachet ng powder at binuhos niya ito sa inuming lemonade ni Yasmin. Pagkatapos he stirs it. Bumalik na rin si Yasmin sa kanyang upuan. Tinanong niya si Arthur, " Dumating na ba si Marga?" " Hindi pa! May tinatapos pa kasi siya na mga paperworks," sabi ni Arthur. " Ganun ba," malungkot na sabi ni Yasmin. " Uminom ka muna. Hahabol rin si Marga rito. Gusto mo tawagan natin siya?" alok ni Arthur. Uminom si Yasmin sa kanyang lemonade. Still, cannot be reach anf phone ni Marga. She placed her glass on the table. " Uwi nalang ako," sabi ni Yasmin at tumayo ito. Tumayo rin si Arthur. " Thank you for the dinner. Thank you!" pasasalamat ni Yasmin. Paalis na sana si Yasmin nang biglang. Biglang may naramdamang kakaiba si Yasmin. Nahilo ito at medyo lumalabo ang paningin. Muntik na siyang matumba. Agad namang inalalayan siya ni Arthur. " Okay ka lang ba? " tanong ni Arthur. Hinahawakan ni Arthur ang kamay nito at sa may likod ng bewang. " I'm fine" sagot ni Yasmin na medyo mahina ang boses. Hindi na napigilan ni Yas at napasandal  ang ulo niya sa may dibdib ni Arthur. Pilit na dinidilat ni Yasmin ang kanyang mga mata pero mas lalong nahihilo pa sya. " Medyo inaantok ako," mahinang sabi ni Yasmin na unti - unting pumipikit ang mga mata.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD