Chapter 4

3008 Words
Kumakain ng lunch sila Marga at Xian sa isang malapit na restaurant. Habang kumakain, napansin ni Marga ang paperbag na nasa upuan katabi ni Xian. " Binigyan ka rin ni Yasmin?" usisa ni Marga. Napatango lang si Xian habang kumakain ito. " Ahhh." reaction ni Marga. Napataas ang kilay ni Marga at nilalaro paikot ang straw ng inumin niya. " Iniwan mo ba sa office ang sa'yo?" tanong ni Xian na medyo ngumunguya pa. " Hindi! Hindi ko hilig ang spaghetti," sagot ni Marga na nakakunot ang noo. "In fact, binigay ko sa mga staff ko instead na itapon ko." Napatigil si Xian at direktang tinitigan ang dalaga. Napakaseryoso ng mukha ng binata. Nagtaka naman si Marga sa naging reaksyon ni Xian.  " What's wrong honey?" !nabot niya ang kamay ni Xian at hinawakan ito. "Nothing.." sagot ni Xian na umiwas na ang tingin at nagpatuloy sa pagkain.  Sa opisina ni Marga, dala ng katiwalang staff ni Marga ang paperbag na ibinigay nito.  "Girls, may ibinigay si Ma'am Marga. Let's eat this!" balita ng katiwalang staff. Inangat niya ang binigay na paperbag na may spaghetti. "Yehey!" hiyaw ng apat pang staff. Kumuha agad sila ng paper plate at agad binuksan ang box. " Ang bait talaga ni Ma'am Marga!" "Siguradong masarap ito!" Dumating sa opisina at pumasok si Mr. Arthur, ang may ari ng kompanya. Napakakisig ng binatang nakatayo sa may pinto.  " Nasaan si Marga?" tanong ni Arthur. Napatigil ang lahat at napalingon sa kanilang boss. Tahimik lamang sila at isa lang ang sumagot.  " Naglunch kasama ang fiance niya, boss," sagot ng isang staff. Nakakunot ang noo ni Mr. Arthur at pagkatapos ay lumabas na siya ng silid agad. Hindi na mapinta ang mukha nito.  Nagtinginan ang mga staff dahil sa pagtataka. ----------- Natapos na rin silang kumain sa restaurant. Tumayo si Xian sa kinauupuan pero pinigilan siya ni Marga. Hinawakan ng dalaga ang braso ng binata sabay tayo ito. " Teka lang hon," sabi ni Marga. " Umupo ka muna." Napatingin si Xian kay Marga na medyo seryoso. "Darating rito ang mga kaibigan ko. Gusto ka nila makita at makilala. Ikakasal na tayo pero hindi ka pa nila nakikita in person. Kaya, pinapunta ko sila rito ngayon." paliwanag ni Marga. " May work pa ako babe. Nag out lang ako for lunch break," paliwanag ni Xian. Pabagsak na umupo agad si Marga at medyo nainis at tumahimik nalang. Nakakunot noo ito at bakas ang pagtatampo. " Hmp" Napansin ni Xian na nagtampo si Marga kaya sinuyo ang kasintahan. " Okay babe, I will stay. Just for you," napilitan si Xian. Lumingon agad si Marga na abot tenga ang ngiti. Masayang masaya ito. " Thank you hon!"  Tumayo siya at niyakap ang kasintahan. Napilitan na rin si Xian na ngumiti.  Naghintay sina Xian at Marga sa kanilang mesa. Pagkalipas ng labing - limang minuto, dumating na ang mga kaibigan ni Marga na sina Tina, Cassey at Yollie. Tumayo si Marga at sinalubong ang mga kaibigan. " Hi girls!"bati ni Marga. Nag beso-beso sila. " I miss you Marga!" sabi ni Yollie. Napatingin muna si Tina sa kasama ni Marga sa mesa. " Siya ba si Xian, your fiance?" " Wow, ang gwapo niya!" paghanga naman ni Cassey. Tumayo si Xian at ngumiti sa kanila. "Hi!" bati ni Tina sabay inangat ang palad para makipagshakehands kay Xian. Napapakinang ang mga mata niTina dahil sa kagwapuhan ng kasintahan ni Marga. Gusto rin makipagshake hands ang dalawa pa pero pinigilan sila ni Marga. " He's mine girls!" Natawa nalang ang tatlo kung gaano ka selosa ni Marga at possesive. " So possessive girl uh!" pabirong sabi ni Cassey. " Ang swerte mo naman Marga," bulong ni Yollie na naiinggit kay Marga. Nagsiupuan na sila sa kanilang mesa. Nagkulitan ang apat na babae at panay kwentuhan. Tahimik  naman si Xian na halatang nababagot na dahil puro girls talk ang pinag - uusapan ng mga babae. Magkatabi sina Marga at Xian at kaharap nila ang mga kaibigan. Hinahawakan naman ni Marga ang kamay ni Xian na nasa mesa habang nagsasalita at nakikipagkwentuhan sa mga kaibigan. Habang nakaupo, napatingin sa may bintana si Xian at napatingala; Sa mga oras na iyon, nagsimula ng pumatak ang ulan mula sa kalangitan tuloy medyo nag - aalala siya kay Yasmin. " Naroon pa kaya siya. Siguro naman umalis na siya dahil umuulan," tanong ng isip ni Xian. Lumipas ang dalawang oras at naroon pa rin sila sa restaurant. Mukhang walang katapusan ang kwentuhan ng magkakaibigan. Umuulan pa rin sa labas. " Teka Marga, wala ba kayong work ngayon?" tanong ni Yollie. Ngumiti si Marga at sinagot ang kaibigan. " Hmm.. basta, ako ng bahala."  Napakatiwala ni Marga sa sarili na okay ang lahat.  Tumingin si Casey kay Xian at napatanong din." Eh ikaw Mr. Xian?" " Huh?" Gulat sa di inaasahang tanong. Hndi alam kung ano ang isasagot ni Xian dahil baka magtampo ulit si Marga. Naghintay naman ang mga babae sa isasagot ng binata.  Biglang, may nagtext kay Xian. Text message: " Xian, nasaan ka ba? Hinahanap ka ni bossing!" Napansin nila na napakaseryoso ni Xian. " Sino ang nagtext hon?" usisa ni Marga. " Si Carlos, hinahanap raw ako ni bossing," sagot ni Xian. "Aalis ka?" tanong ulit ni Marga na ,medyo mataray ang pananalita.  Napansin nila na mukhang di papayagan ni Marga ang kasintahan. Kaya naman di mapigilan ni Tina na di magsalita.   "Payagan mo ng bumalik siya sa office niya Marga. Baka mapagalitan pa siya ng boss niya." "Oo nga. Saglit lang naman siya mawawala. Magkikita naman kayo mamaya di ba?" dagdag ni Casey. Nakakunot ang noo ni Marga pero wala siyang magawa. Napilitan siya dahil sa kanilang tatlo. Pinayagan niya si Xian na bumalik sa kanilang office. ------ Sa park ay naroon pa rin si Yasmin at naghihintay. Nakaupo siya sa bench kung saan huling nagkita sila ni Xian. Umuulan pa rin ng malakas. Basang basa na si Yasmin at di ito umalis talaga.  " Darating ka di ba?" bulong ng isip ni Yasmin. Naniniwala na tutuparin ni Xian ang pangako na babalik siya. " Kahit wala ng regalo o sorpresa, basta bumalik ka lang. Sapat na iyon!" Napakaseryoso ni Yasmin na nakaupo at basang basa sa ulan. Napakalayo ng tingin niya at hinihintay na may dumating. Nakabalik na sa opisina si Xian. Basang - basa rin siya sa mga oras na iyon. " Saan ka ba nagpunta Xian?" tanong ni Carlos na nasa upuan niya. " Naglunch kami ni Marga tapos dumating ang mga kaibigan niya," sagot ni Xian. " Salamat naman at pinayagan ka niyang makaalis. Himala! " ani ni Zack na katrabaho niya na kilalang kilala ang ugali ng kasintahang si Marga. Pumasok ang bossing nila sa silid. Isang matabang na may 4'11 ang tangkad.  " O, narito ka na pala Xian. Akala ko hindi ka na babalik rito. May mga ipapagawa ako sa iyo." Nahihiya tuloy si Xian sa boss niya at napilitang ngumiti ito. "Yes boss!" " Nakalaya sa kanyang fiance na possesive at obsessive!" pabirong sabi ni Carlos. Napansin ni Zack ang dalang paperbag ni Xian. " Ano iyang dala mo?" Lumapit siya at binuksan ang paperbag. Naroon ang lunchbox na may lamang spaghetti. "Wow! May spaghetti, sino ang may birthday?" masayang sabi ni Zack. Tumingin sa may bintana si Xian. Patuloy pa rin ang pagbuhos ng ulan sa labas.  "Yasmin..." Naalala niya si Yasmin at nag - alala ito. Hindi na tuloy siya makapagfocus sa mga oras na iyon. Kahit nakaupo siya sa kanyang upuan, napapaisip siya kay Yasmin na nasa park.  "Naroon pa kaya siya?" tanong na bumabagabag kay Xian. Napansin naman ni Zack ang pagiging seryoso ng kaibigan. Napapa- usisa tuloy siya. " Sino ang tinutukoy mo? Si Marga ba?" Biglang tumayo si Xian.  "Teka lang, may pupuntahan muna ako!" "Huh? Saan ka pupunta?" "Babalik ako!" Bago siya umalis, hinablot niya ang paperbag at kinuha ang payong.   Pagkatapos, tumakbo si Xian palabas ng silid. Umalis talaga siya sa kanilang opisina at lumabas sa gusali.  Gulat ang tatlong lalaki sa biglaang pag-alis ng binata. Tinakbo ni Xian ang papuntang park na may dalang payong at isang paperbag. Nag-aalala siya sa dalaga at nagbabakasakaling naroon pa siya. " Naroon pa kaya siya? Siguro naman wala na. Kung wala na, masmabuti." Walang pakialam si Xian sa ulan at nagpatuloy sa pagtakbo. Kahit may payong ay di niya ito binuksan kaya basang - basa siya. Pagkarating niya sa park, napatigil siya sa kalayuan sa kinaroroonan ng dalaga. Nakita niya si Yasmin na nakaupo pa rin sa bench. Basang - basa na si Yasmin. " Haist" naiinis na reaksyon ni Xian na di maintindihan ang sarili.  Humakbang si si Xian patungo sa kinaroroonan ni Yasmin. Naguguluhan siya kung magagalit ba siya at sesermonan si Yasmin o hindi. Naramdaman lang ni Yas na may papalapit sa kanya. Inangat niya ang nakayukong ulo niya at nakita ang isang binata na naglalakad patungo sa kanya. Kahit hindi niya gaanong makilala kung sino ang paparating, ramdam niya na kilala niya ito.  "Xian.. ikaw ba yan?" mahinang tanong niya sa sarili. Patuloy sa paghakbang ng binata at nakita na rin ni Yas kung sino. Binuksan ni Xian ang dalang payong at mas lumapit pa sa kinaroroonan ni Yas. Napatayo agad ang dalaga at naluha. Tumulo ang kanyang luha sa kanyang pisngi. Isang di mapaliwanag na saya ang naramdaman ni Yasmin sa mga oras na iyon. " Bumalik ka.." bulong niya sa sarili. Nagkaharap na rin ang dalawa. Sinermunan agad ni Xian ang dalaga.  " Bakit hindi ka umalis? Tuloy basang-basa ka na!!! Hindi mo na lang sana ako hinintay!" Sumagot si Yasmin, " Nangako ako na hihintayin kita. Hindi ko sisirain ang pangakong 'yon. Katulad mo, dumating ka!" Ngumiti ang dalaga na may luhang dumadaloy sa kanyang pisngi. " Hindi mo ba naisp baka biro lang ang lahat... lahat ng iyon!" pasigaw na sermon ni Xian. " Kahit na biro, dumating ka rin di ba? May tiwala ako sa iyo!" saad ni Yasmin. "May tiwala akong darating ka at tutuparin mo ang iyong mga pangako!" Natahimik si Xian at napakaseryosong tinitigan ang mga mata ni Yasmin. " Kahit wala ng regalo o sorpresa, masaya na akong dumating ka!" dagdag ni Yasmin. Ngumingiti at nakatitig kay Xian na kaharap niya. Napangiti si Xian. " Mayroon akong isang sorpresa at regalo!" seryosong sinabi ni Xian. " huh?" Binitiwan ni Xian ang payong na dala pati ang nasa kamay na paperbag. Hinawakan niya ang magkabilang pisngi ni Yasmin at mas tinitigan ang dalaga.  Ang lakas ng kabog ng puso ni Yasmin na parang sasabog. Napapatitig na rin siya sa binatang napakalapit sa kanya.  "Ito ang regalo ko sa iyo!"  Nilapit ni Xian ang mukha niya sa mukha ni Yas at biglang hinalikan nito ang labi ni Yas na nakapikit ang mga mata. Dumampi ang labi ng binata sa labi ni Yas. Namilog ang mga mata ng dalaga dahil sa di inaasahan na ginawa ni Xian sa kanya.  " My first kiss!"   ----------- Isinama ni Xian si Yas sa unit  ng condominium niya. Pagkarating nila roon, nanatili lamang si Yasmin  sa may pinto kahit pumasok na si Xian. Nakatayo lang siya roon at napaisip. " Bakit ko ba sinabi yun kanina?" tanong na nasa isip ni Yasmin. Naalala niya ang sandaling hinalikan siya ng binata sa park. Hindi ito maalis alis sa utak niya at dinagdagan pa nang sabihin niya ang mga katagang nagpapahiya sa kanya. Binaliktanaw niya ang mga nangyari.  "Tara, ihahatid na kita sa inyo," aya ni Xian na tumalikod na pero biglang pinigilan ni Yas ang binata at hawakan ang gilid ng tshirt nito.  "Ayoko pang umuwi!" pabulong na sabi ni Yasmin. Napalingon at napatingin si Xian sa kanya. Nang maalala ito ni Yas, mas lalo siyang nahihiya. "Haist! Bakit ko ba sinabi 'yun? Nakakahiya!" kinakausap niya ang sarili na nasa harapan ng pinto. " Pumasok ka na rito. Huwag kang mahiya. Pagpasensyahan mo nalang ang lugar ko," aya ni Xian na nakapasok na sa loob. "Huh?" Nilakasan ni Yas ang loob at humakbang siya papasok sa unit ng binata. Napilitan na syang pumasok  at isinara ang pinto. "Huwag kang mahiya!"  Basang - basa si Yasmin kaya nanatili muna siya sa may pinto. Nilapitan ni Xian ang dalaga sa kinaroroonan nito na may dalang tshirt at jogging pants. " Magbihis ka muna. Basang - basa ka sa ulan. Baka magkasakit ka niyan, " sabi ni Xian. " Huh?" Namula tuloy si Yasmin at ang lakas ng kabog ng puso niya. Tinanggap niya ang binigay ni Xian pero natameme ito. " Naroon ang banyo!" itinuro niya sa may kanang bahagi. " Ah sige. Ikaw rin, magbihis na rin," nahihiyang sabi ni Yasmin at nakayuko ang ulo na papuntang comfort room. " Magbibihis ako pagkatapos mo sa banyo." Dali - daling pumunta si Yasmin sa comfort room. Ilang segundo nalang siguro at para nang sasabog ang puso niya.Alam niyang namumula na ang pisngi nito kaya ayaw niyang magpahalata sa binata at baka ano pang sabihin. ----- Nang nakapasok na siya sa banyo ay isinara niya agad ang pinto. Napatingin si Yasmin sa sarili. " Totoo ba ito? Am I dreaming?" tanong niya sa sarili  Mas hinigpitan niya ang hawak sa t-shirt ni Xian. Inaamoy amoy pa niya ito. " Hmm.. "  Dinama niya ang lambot ng hawak niya habang ang mga mata ay nakapikit.  "I'm so happy right now!" pangiting sabi niya. "Hindi ko talaga ito akalain.." Pero biglang nagising lang si Yasmin.  " HINDI!! No!!" Nagising siya sa kanyang panaginip.Sinermunan niya agad ang sarili, "Yasmin, fiance niya si Marga na kaibigan mo! Huwag mo na siyang isipin! Mali ito! Maling - mali ito!" Inilapag niya agad ang mga hawak at taas noong pinagmasdan ang sarili sa salamin.  "Mali ito Yasmin, okay?" Kahit pinipilit niyang iwasan, napapatanong pa rin siya sa sarili. " Eh, bakit niya ako hinalikan? Bakit kaya?" " Yasmin! Gumising ka!! Illusyunada!" sermon ulit sa sarili. Nagmumukhang baliw na si Yasmin dahil sa kaiisip. " Haist!" Binuksan niya ang faucet. Dumaloy ang malamig na tubig. Nanghilamos agad si Yasmin para mawala ang gumugulo sa isip niya. "Wake up Yasmin!" Samantala, inihanda ni Xian ang mainit na tubig upang makainom ng tsokolate o kape si Yasmin. Pagkalipas ng ilang minuto, tapos na si Yasmin sa comfort room. Isinuot niya ang t - shirt ni Xian at jogging pants. Napakalaki ng tshirt sa kanya na abot sa may tuhod.  Pagkakita ni Xian kay Yasmin, natawa ito. " Bakit ka natatawa?" nakangusong tanong ni Yasmin. " Ang cute mo kasi!" sagot ni Xian. Lumapit si Xian kay Yasmin hanggang makatayo siya sa harap ng dalaga. Nilapit ni Xian ang mukha nito sa mukha ni Yasmin. Napaatras ng kunti si Yasmin but mas lumalapit si Xian. Napatingin si Yasmin sa mga mata ng binata at sa isip, " Ano ba ang ginagawa niya? Hahalikan ba niya ako ulit?" Agad tinakpan ni Yasmin ang labi niya ng kanyang kanang kamay sabay sabing, " No Xian!" Napangiti si Xian. Ibinigay ni Xian ang maliit na paperbag sa harapan ni Yasmin. " Regalo ko sa iyo." " Huh?" Ibinaba agad ni Yas ang kamay niya at tinanggap ang regalo. It was so awkward. Medyo nahihiya siya sa kanyang reaction. Hindi pala niya hahalikan siya. " Nakakahiya!" mahina nitong sabi. "Buksan mo iyan pagdating mo sa inyong bahay!" ani ni Xian na papunta sa banyo. Napatango lang is Yas habang hawak ang paperbag. " By the way, may mainit na tubig ryan baka gusto mong uminom ng tsokolate o kape." " Ah, sige! Gusto ko nga!"  Agad pumunta ng kusina si Yasmin. Nakita niya ang kettle at kumuha siya ng mainit na tubig roon. "Masarap uminom ng kape ngayon dahil malamig ang panahon," nagsasalitang mag - isa si Yasmin. Umupo siya sa may lamesa at tinitimpla ang kape. "bitter so bitter! Kailangan yata ng asukal. Hmmm..malagyan nga! " Napalingon sa may cabinet si Yasmin. Tumayo ito at naghanap ng asukal roon. Binuksan niya ang mga cabinet para hanapin ang lalagyan ng asukal. "Saan kaya itinago ang asukal?" Sa mga oras na iyon, nasa banyo pa rin si Xian pero tapos ng magbanlaw. Tumingin siya sa salamin at pinagmasdan ang sarili. Wala siyang damit pang itaas at may towel sa kanyang balikat. Nakapants na pambahay na lamang siya sa ibaba. " Ano ba ang ginagawa ko?" seryosong kinakausap ang sarili. May mga bagay na gumugulo sa isip niya" Haist!" Sa wakas nakakita na ng asukal si Yasmin na nasa itaas lamang na bahagi ng cabinet. Kailangan niyang may mapapatungan para maabot ito. Kumuha siya ng upuan at ginamit niya ito para maabot ang bote ng asukal. " Kunti na lang.." Pabiglang sigaw ni Xian, " Anong ginagawa mo?" Nagulat si Yasmin at gumalaw ang pinapatungan na upuan. Na out balance siya.. at nahulog! But to the rescue si Xian at nasalo niya si Yasmin. Napapikit si Yasmin. " Okay ka lang ba?" nag - aalalang tanong ni Xian. Dahang dahang dumilat ang mga mata ni Yasmin at nagulat rin siya ulit ng malamang karga siya ni Xian at sa harapan niya ay ang abbs nito. " Omg! Mahihimatay yata ako!" pabirong sabi ni Yasmin. Nanlaki ang mga mata na nakatitig sa katawan ni Xian. Tumayo ito agad agad. " Okay na ako!" " Sure?" Pilit na ngumiti si Yasmin pero pinapawisan ito. Nagring ang cellphone ni Xian na nasa kwarto nito. Pinuntahan niya ito. Naiwan si Yasmin sa kusina at na parabang natutunaw. Uminom siya agad ng kape niya kahit walang asukal, " Nenervousin yata ako nito rito. Aatakihin ako! Weew!" pabulong niya sa sarili. Sinagot ni Xian ang phone. Si Carlos pala ang tumatawag, kasamahan ni Xian sa trabaho.Hinahanap si Xian dahil bigla nalang siyang umalis kanina sa office at hindi na bumalik. Napaupo si Yasmin. " wheew." May kumatok sa pinto. Napalingon si Yasmin sa may pinto. Kumakatok ito ulit. " May tao.. " Tumayo si Yasmin at pinuntahan ang pinto. "Nariyan na!"  Binuksan niya ang pinto at laking gulat niya kung sino ang dumating? ------------- Sino ang dumating?? Kilala kaya ni Yasmin? Bakit siya nagulat? Sino pala?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD