Chapter 7

3359 Words
Inaalalayan ni Arthur si Yasmin na maglakad. Dahan - dahang naglakad ang dalawa patungo sa isang kwarto. Hinahawakan at inalalayan ni Arthur ang mga balikat ni Yasmin habang nakasandal ito sa kanya. Wala sa sarili si Yasmin at sumunod lamang siya kay Arthur. Sa wakas, nakarating na sila sa isang silid ng hotel. Umiikot ang paningin ni Yasmin. Bakas sa mukha niya ang panghihina. Isinara ni Arthur ang pinto ng dahan dahan. Kahit nakapikit si Yasmin ay nakatayo pa rin ito at pilit na dinidilat ang mga mata. " Bakit mo ako dinala rito?" mahinang tanong ni Yasmin. " Nasaan ako?" Isinandal ni Arthur si Yasmin sa dingding malapit sa may pinto. Medyo napadiin ni Arthur si Yasmin sa dingding habang hinahawakan ang mga balikat nito. Unti - unting dumilat ang mga mata niya. Nasa harapan niya si Arthur at napakalapit ng mukha nito sa kanya. Biglang hinalikan ni Arthur si Yasmin sa labi. Pinilit niya itong halikan. Ang isang kamay nito ay hinahawakan ang binti ni Yasmin. Mas nagulat si Yasmin sa ginawa nito. Nanlaki ang kanyang mga mata at sabay sinampal niya ng malakas ang mukha ni Arthur. " BASTOS!!" Nakakagulat si Yasmin. May lakas pa siya na sampalin si Arthur. Pero pagkatapos nawalan na ng malay si Yasmin. Nasalo naman ni Arthur ang dalaga. Tuluyan ng nakatulog ito. Habang yakap ni Arthur si Yasmin, hinahawakan naman ng isa niyang kamay ang sinampal na mukha. Namumula ito dahil sa tindi ng pagsampal ng binibini. " Ang tindi noon!" bulong niya sa sarili. Binuhat niya si Yasmin patungo sa kama na walang kahirap - hirap. Napakasexy ni Yasmin kaya napakagaan niya. Ang kinis ng balat nito at may maalindog na pangangatawan. Tinititigan nito ang mukha at labi ni Yasmin habang buhat niya siya. Naaamoy rin niya ang halimuyak ng perfume ni Yasmin. Napaka - sweet at nakakapang - akit. Hiniga ng dahan dahan ni Arthur si Yasmin sa kama. Napakaaliwalas ng mukha ni Yasmin habang natutulog. Nakatayo si Arthur sa may gilid ng kama at pinagmamasdan si Yasmin na nakahiga. Tinititigan niya ang mukha nito, ang labi, pababa sa may dibdib patungong puson at sa kanyang binti na napakaputi. Gusto niyang sunggaban ng halik ang pulang labi ni Yasmin ngunit may pumipigil sa kanya. Hindi maalis ng kamay nito sa sariling mukha dahil sa matinding sampal na inabot kay Yasmin kanina. Napaupo nalang si Arthur sa couch na nakaharap sa kama kung saan nakahiga si Yasmin. Hinihimas pa rin niya ang pisngi niya na namumula pa rin habang pinagmamasdan si Yasmin na natutulog. Umiinom rin siya ng red wine at halatang may malalim na iniisip. Napakaseryoso ng mukha ni Arthur. ----- Sumikat na ang araw. Dahan - dahang idinilat ni Yasmin ang mga mata nito. " Nasaan ako?" tanong ni Yasmin sa sarili. Bumangon siya sa pagkakahiga at pinagmasdan ang paligid. Nasa isang napakagandang kwarto siya ng hotel. " Paanong??" kinakabahang sabi niya sa sarili. Mag - isa na lamang siya sa kwarto. Napatingin siya sa kanyang sarili at napansin na nakakumot na ito. May kunti siyang naaalala na kasama niya si Sir Arthur. Agad niyang tiningnan ang sarili sa ilalim ng kumot. " Nakadamit pa rin ako! Hays salamat!" sabi ni Yasmin. Gumaan ang pakiramdam niya. Kinabahan siya dahil baka may ginawang kasamaan si Arthur sa kanya. Pinakiramdaman niya ang sarili. Wala rin siyang nararamdamang kakaiba sa sariling katawan. " Wheew!" mas gumaan ang nararamdaman ni Yasmin. Sa mga oras na 'yun, wala na si Arthur sa hotel. ------- At the office. " Mabuti pa si boss, may vacation leave. Kailan rin siya babalik?" tanong ni Dara. " Biglaan yata ang vacation leave ni sir. Bakit kaya?" pagtataka ni Jelly. Nakikinig naman si Odette sa usapan nila Dara at Jelly sa opisina. Nagtataka rin siya. " Bakit biglang nag - vacation si Sir? Bakit kaya?" Dumating si Marga sa office nila. Napatingin ang lahat sa kanya. " Bakit?" mataray na sabi ni Marga sa kanila. Nilapitan ni Odette si Marga," Nabalitaan mo na ba na nag - vacation leave si boss?" Medyo nabigla si Marga pero hindi niya ito pinahalata. Hindi sinagot ni Marga si Odette. " Sinabihan ka ba niya? O alam mo ito? Hindi kaya dahil sa nangyari sa fun run? Nakapagtataka, biglaan!" sabi ni Odette na nakatingin kay Marga. " Bawal bang magbakasyon si boss?" tanong na mataray ni Marga kay Odette. Bumulong si Odette sa tenga ni Marga, " Hindi ka ba niya sinama para may mapaglaruan siya pansamantala?" ngumingiting sabi niya. Nagulat si Marga sa kanyang narinig. Umalis si Odette pagkatapos. Nakauwi na si Yasmin sa kanyang condo unit. Tinapon niya ang shpulder bag niya sa may gilid ng couch. Umupo siya sa couch at napaisip sa mga nangyari kagabi. Natatandaan pa niya na pilit hinalikan siya ni Sir Arthur at hinihimas ang kanyang binti at sa pagkagulat ay nasampal niya ito ng napakalakas. Napatanong siya sa sarili, " Bakit bigla akong inantok no'n? May inilagay kaya siya na pampatulog sa inumin ko? May ginawa pa kaya siya na hindi ko alam?" Agad tumayo si Yasmin at kinuha ang bag nito. Dali - daling umalis siya sa condo at pumunta ng office nila Marga. At the office, Nagtanong si Yasmin sa front officer kung saan niya makikita ang Boss nila na si Sir Arthur. " Miss, wala po ngayon ang boss namin. Naka vacation leave po siya." paliwanag ng front officer. " Kailan po siya babalik?" tanong ni Yasmin na medyo hinihingal. " Pasensya na po. Hindi po namin masasabi. Bumalik nalang po kayo rito," mahinahong sabi ng front officer. Napakalakas ng loob ni Yasmin na kausapin si Arthur upang tanungin ang mga bagay - bagay. Unfortunately, hindi niya makakausap si Arthur ngayon dahil wala siya roon. Paalis na sana si Yasmin ng biglang nakita siya ni Marga na pababa ng hagdan. " Yasmin!" sigaw ni Marga. Napalingon si Yasmin sa may hagdan. " Marga?" Dali - daling pinuntahan ni Marga si Yasmin. Habang papalapit si Marga, napatanong si Yasmin sa sarili, " Alam kaya niya ang ginawa ni Sir Arthur? May kinalaman ba siya nito? Bakit niya ako pinapunta roon sa hotel na sabi noong isang lalaki?" Sinermunan ni Marga si Yasmin, " Nasaan ka ba kahapon?" " HUH?" " Hinanap kita sa mall. Nagtext ako na mahuhuli lang ako saglit pero wala akong makitang Yasmin sa mall. Saan ka ba pumunta?" " Anong ibig mong sabihin?" naguguluhan si Yasmin sa mga sinasabi ni Marga. " di ba pinapunta mo ako sa..." naudlot na sabi ni Yasmin. " Haist! Mamaya na lang. Magkita tayo sa mall, okay,.?" sabi ni Marga. Napilitang sagot ni Yasmin, " okay." Umalis na si Marga. Nakatayo pa rin si Yasmin at iniisip ang mga nangyari. " Hindi alam ni Marga? anong ibig sabihin nito? Coincidence? O sinadya?" May pumasok sa isip ni Yasmin at bumalik siya sa front officer. " May employee ba rito na ang pangalan ay Bert?" " Yes po but on leave po siya ngayon!" sagot ng front officer. " haist! Bakit on leave lahat? Nagtatago ba sila?" napipikon na sabi ni Yasmin. Walang magawa si Yasmin at umalis na siya sa gusali. " Nakakainis!" Sa bahay ni Bert Nakahiga si Bert at binbilang ang libo - libong pera. " Ang rami nito! Hmmm.. saan kaya ako pupunta ngayon. Salamat pinayagan ako ni boss na mag leave!" Napatingin siya sa kisame, " May nangyari kaya kay boss at ang kaibigan ni Marga? Ang galing talaga pumili ni Boss!" Bumangon si Bert at kinuha ang cellphone niya, " Ano kaya kung yayain kong kumain si Marga? Hindi naman siguro masama kahit na ikakasal na siya. Business meeting lang kung baga." napapaisip si Bert. " Can we meet later?" asked Bert on the phone. " Sorry, may pupuntahan pa ako after work," sagot ni Marga. " Dinner? After sa pupuntahan mo?" tanong ni Bert na kinukulit si Marga. " Di ba on leave ka? Nasaan ka pala ngayon?" tanong ulit ni Marga. " Nasa bahay lang. Binigyan ako ni Boss ng priviledge na mag on leave ngayon," paliwanag ni Bert. " Wow! But why?" nagtatakang sabi ni Marga. " Sasusunod nalang tayo magdinner," sabi ni Bert at kinancel niya ang tawag. Samantala, paikot -ikot na nakaupo si Xian sa kanyang upuan na umiikot ikot. Malalim ang kanyang iniisip. Pinapaikot rin niya ang ballpen na hinahawakan niya. Pumasok ng opisina sina Carlos at Zack. May dalang isang DSLR si Carlos. Tinitingnan nila ang mga kuha ni Carlos habang papasok ng pinto. " Ang ganda talaga ng mga kuha mo! Para bang professional photographer!" hangang hangang sabi ni Zach. " Salamat friend," sabi ni Carlos. Napatingin si Xian sa dalawa na napakaseryoso. Napatingin si Carlos kay Xian. " Ano ba yang mukha mo! Napakaseryoso mo naman! Tuloy mukha kang heartbrojen dyan!" sermon ni Carlos kay Xian. Napatingin nalamang sa DSLR si Xian na walang imik. Bakas sa mata niya ang lungkot. Mahilig kumuha ng litrato si Xian simula ng turuan siya ng kanyang ina. Ito ang isa sa kahiligan niyang gawin. Mas naging desperado siyang matuto noong nakita niya ang isang batang babae na nasa may bintana ng katabing bahay. Naging inspirasyon niya ang batang babae dahil sa nakikita niyang kagandahan nito sa kalooban. Simplicity that makes her more beautiful. Kahit naka - eyeglasses ito at may braces, para kay Xian, napakaganda niya at natatago lang ito. Iba ang feeling niya kapag kinukunan niya ng litrato ang babae na palihim. He is not a paparrazzi but he admires her a lot. But unfortunately, ng namatay ang kanyang ina, tumigil na siya sa pagkuha ng litrato. He stop using it. Hindi na rin siya nakakahawak ng DSLR na camera. " Xian, balita ko hilig mong kumuha ng picture noon gamit ang ganitong camera," masayang sabi ni Zack. " Noon 'yun!" sabi ni Xian na napakaseryoso at mainit ang ulo. Humarap agad siya sa desktop computer niya. " Anong problema niya?" pabulong na sabi ni Carlos kay Zack. Nagtinginan ang dalawa at nagtataka sa kinikilos ni Xuan na napakainit ng ulo. May natanggap na text message si Xian galing kay Marga. Nasa tabi ng desktop ang cellphone nito. Agad namang binasa niya ang nakasulat. Marga's text nessage: " Magkikita kami ni Yasmin mamaya and magshoshopping. Pagkatapos, let's have dinner together." Nasa isang bar abroad si Arthur. Sa isang malaking couch, katabi niya ang isang babaeng sexy at kausap si Pete na kaibigan niya. Nagkwekwentuhan at umiinom ng wine ang dalawang lalaki na may katabing tig - iisang babae. " Really?" hindi makapaniwala si Pete. Umiinom ng wine si Arthur habang hinihimas naman ng babaeng katabi niya ang dibdib nito. " Akala ko ba you can get whatever you want. Eh, bakit sa babaeng kinikwento mo.. hindi! Natakot ka ba? Anong nangyari sa iyo?" natatawang sabi ni Pete. Sinusubuan naman siya ng babae na katabi niya. "Yes, I can get whatever I want! I'm almost there!! Pero.. " seryosong sinsabi ni Arthur. Hinalikan ng babaeng katabi niya ang leeg ni Arthur at hawak naman ni Arthur ang binti ng babaeng napakaiksi ng skirt. " Pero ano? Huwag mong sabihing natalo ka sa sampal niya!" natatawang sabi niya. " Iba siya.. " pabulong na sabi ni Arthur at hinawakan ang mukha nito kung saan sinampal siya ni Yasmin. Pete touched the face of her girl at sinabing, " girls love money and s*x. That's what they want! Ikaw pa nga ang nagsabi sa akin niyan. Gagawin nila para sa pera at dahil mayaman tayo, they just want some play with us. They want it.. So be it. Let's play!" The lady smiled. Hinalikan ni Pete ng tudong tudo ang babaeng katabi niya. Ang isang kamay nito ay hinihimas ang binti ng babae at ang isa ay inahawakan ang boobs nito. Napangiti rin si Arthur. Naunang hinalikan ng babae ang labi ni Arthur at sinunggaban rin niya ito ng halik. ---- Sa mall, bumili ng damit si Marga para kay Yasmin. Pumunta rin sila sa salon upang magpaayos. Lahat ay libre ni Marga. " Anong nakain mo Marga at bakit mo.." naudlot na sabi ni Yasmin ng hinablot ni Marga ang kamay nito patungo sa loob ng salon. Sinabihan ni Marga si Xian na maghintay sa isang restaurant. " Mga babae nga naman. Ang tagal nilang magshopping at mag - ayos," nagrereklamong bulong ni Xian habang naiinip sa paghihintay. " Wheew!" Ilang minutong nakakaraan, dumating na sila. Napalingon si Xian ng marinig niya ang boses ni Marga. " Hi honey, nainip ka ba?" sabi niya sabay umupo sa harap niya. Sumunod rin si Yasmin. Natulala si Xian ng makita si Yasmin sa bagong look. Nakarebound ang hair, nakamake - up at mas nakakapang - akit ang mga labi at mata. Napakaganda rin ng damit niya na talagang nakahubog ito sa kanyang napakasexing katawan. Umupo na rin si Yasmin katabi si Marga. Nasa harapan ni Marga si Xian na panay titig sa kaibigan. Nagpaayos naman si Marga pero mas napansin ni Xian si Yasmin. " How do I look?" tanong ni Marga kay Xian. " Nice. You're gorgeous!" sagot ni Xian na nakatingin kay Yasmin. Nahihiya namang tumingin si Yasmin kay Xian. Napansin ni Marga na panay titig si Xian sa kaibigan. Humarap si Marga kay Yasmin at si Yasmin ay humarap kay Marga. " By the way friend, may ipapakilala ako sa iyo na kaibigan ko." sabi ni Marga. " huh?" Nabigla rin si Xian. Sa may likuran ni Yasmin, nakita ni Marga na paparating na ang kanyang kaibigan. " David!" tumayo at sumigaw si Marga. Sinalubong niya si David. " Kumusta na Marga. You are so pretty! Katulad pa rin ng dati, ang ganda mo pa rin." sabi ni David. " Palabiro ka pa rin!" nahihiyang sagot ni Marga. " Nabalitaan ko na ikakasal ka na, totoo ba?" tanong ni David. Sinagot naman niya," yes." She grabbed the arm of David at pumunta sila sa kanilang mesa. Tumayo naman sina Xian at Yasmin. " David, siya si Xian. My fiance!" nakangiting pagpapakilala niya. " Nice to meet you bro!" sabi ni David. " Same!" sabay naghandshake ang dalawa. " By the way, my friend, Yasmin!" excited na pinakilala niya siya. " Hi!" bati ni Yasmin. "wow! Mas maganda pala siya sa personal kaysa sa binigay mong larawan Marga!" namamanghang sabi ni David. " Hello, I'm David!" pagpapakilala niya. Sabay nagshakehands silang dalawa at hinalikan niya ang kamay ni Yasmin. Namula tuloy si Yasmin habang nagulat si Xian sa ginawa ni David. Nakangiti naman si Marga habang pinagmamasdan ang dalawa. " You look perfect!" Kumakain na silang apat ng dinner. " Masarap pala rito. First time kong kumain rito," sabi ni David. " Definitely! Masarap rito!" sabi naman ni Marga. Si Yasmin ay nakayuko at nakatingin sa pagkain niya habang dahan- dahang sinusubo ang pagkain. " Ano naman ang favorite food mo Yasmin?" tanong ni David. " Huh? Ako?" reaction ni Yasmin. Napatingin naman sila Marga at Xian kay Yasmin. "uhm.. " hindi makasagot agad si Yasmin. " Hilig mo ba ang shrimp? Heto!" David placed a piece of shrimp sa plato ni Yasmin. Nabigla si Yasmin. Agad namang kinuha ni Xian ang Shrimp sa plato ni Yasmin at kinain ito, " allergic siya nito! Bawal sa kanya!" Nabigla sila sa ginawa ni Xian. " Mas gusto niya itong carrots," sabi ni Xian habang kinuha ang carrots sa plato niya at inilipat sa plato ni Yasmin. Mas nagulat si David at Marga pati Yasmin. " Paanong.." pabulong ni Yasmin. Alam ni Xian ang hindi niya pwedeng kainin at hilig niya. " Ahh ganoon ba! Sorry Yasmin, hindi ko alam. Mag - iingat na ko sa susunod." napahiyang sabi ni David. " Hindi ko rin hilig ang shrimp kahit hindi ako allergic, di ba Honey?" sabi ni Marga. " Kailan kayo nagkakilala ni Marga?" tanong ni Xian kay David. " College, we were close," sagot niya na nakangiti. " Ahhh, hindi ka kasi nababanggit niya sa akin," ani ni Xian na medyo seryoso. " Kayo na ba no'n?" napatanong si David. Nakikinig lamang si Yasmin habang umiinom ng kanyang inumin na naka-straw. Marga interrupted, " Kami ni Yasmin ay bff from first year high school. Siya ' yong kinikwento ko noon na umalis at nagabroad!" " Wow! Nag - aral ka pala sa abroad! How' s the experience?" namamanghang tanong ni David. " Okay lang. At first nakakaculture shock at ibang - iba. Kailangan mag adjust," sagot ni Yasmin. " Pagkaalis mo rito noon, ano ang namimiss mo? May namimiss ka ba?" tanong ulit ni David. " Huh?" sabay tingin kay Xian. Nagkatinginan ng ilang segundo sina Yasmin at Xian hanggang yumuko si Yasmin at umiwas si Xian. " By the way, can I ask your number if you don't mind,?" nakangiting sabi ni David. "uhmm..." " I will give you," sabi ni Marga na agad kumuha ng maliit na papel at ballpen. Napatingin agad si Xian kay Marga na mukhang hindi gusto ang ginagawa ng fiancee. " here," binigay ni Marga ang papel kay David. " Marga.." pabulong na sabi ni Yasmin sa katabing kaibigan. Bumulong rin si Marga kay Yasmin, " Ano ka ba, ibibigay mo rin naman di ba!?" David dialed the number at nagring ang cellphone ni Yasmin. " That's my number, " David said. Hindi sinasadyang nalakasan ni Xian ang pagbaba niya ng kutsara sa plato at tumunog ito na mukhang nagdadabog. Napatingin silang tatlo. Tumayo bigla si Xian at kumuha ng pera sa wallet. He put some bills sa mesa, " mauna na ako sa inyo." Nabigla sila. Naglakad paalis sa mesa si Xian. Tumayo na rin si Marga, " Sige, mauna na kami. Maiwan muna namin kayo!" Sinundan ni Marga si Xian na lunabas ng restaurant. Naiwan ang dalawa sa restaurant. Tuloy, mas nahihiya si Yasmin at medyo kinabahan rin. Pilit na hinahabol ni Marga si Xian na naglalakad sa daan. " Honey!" sigaw ni Marga. Hindi ito nakinig at nagpatuloy pa rin sa paglalakad. " Honey! Honey wait for me!" Still hindi ito lumingon. Napakabilis ni Xian maglakad at si Narga ay nahihirapang humabol dahil naka high heels ito. " Xian!!" sigaw ulit niya. Tumigil si Xian. Dali daling pinuntahan ni Marga si Xian. " Ano bang problema? You are acting so strange!!" pasigaw na sabi ni Marga. Humarap si Xian na nakakunot ang noo, " Anong problema? Ikaw ang may problema!" " What?" " Anong ginagawa mo sa kaibigan mo? Nagmumukhang binubugaw mo siya at pinipilit sa isang lalaki na hindi naman niya kilala." pagalit na sabi ni Xian. " I'm just helping her. Beside, they will know each other kapag they will spend together. Gusto ko lang magkaroon siya ng boyfriend," paliwanag ni Marga. " Kahit na.. Kung gusto niya, magkakaroon siya ng boyfriend. ' Yung tipong siya ang may gusto! Hindi yung nagmumukha siyang tanga at desperada!" galit na sabi ni Xian. Naiinis si Marga at sinabing, " Are you jealous?" " Kaibigan mo si Yasmin," sagot ni Xian. " Ayaw mo bang magka boyfriend siya at maging masaya?" she asked. " If she loves the person, she will be happy! Nasa sa kanya na kung gugustuhin niyang mag ka boyfriend!!" paliwanag ni Xian. Pinagtitinginan na sila ng mga taong dumadaan dahil sa kanilang pagtatalo. " haist" reaction ni Xian at bumalik siya sa dinaanan nila patungo sa restaurant. Nag - aalala si Xian kay Yasmin dahil iniwan nila ito kasama ang isang lalaking di kilala ni Yasmin. Ngunit ng nakarating na sila malapit sa restaurant, napatigil sila. Nakita ni Xian na sumakay sa isang kotse si Yasmin na pinagbuksan ni David. Sasakyan ito ni David na kulay puti. Napatingin nalamang si Xian. Pupuntahan pa sana niya sila pero pinigilan ni Marga si Xian. Hinawakan niya ang braso nito hanggang nakaalis na ang kotse. Xian's pov. " Why I 'm so protective? Am I? Bakit? Bakit ayaw kong makita si Yasmin na nasasaktan? Bakit gusto kong tulungan siya? I want to be with her side and protect her. Ngayon, dahil sa hindi ko matiis na makita ang mukha at marinig ang boses ng lalaking 'yun, umalis ako at naiwan kang mag - isa kasama siya. Nagseselos ba ako? Or naaawa lang ako?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD