Chapter 9

3510 Words
Tinawagan ni Marga si Yasmin na magkita sila sa park dahil kailangan niya ng makakausap na kaibigan. Hindi nagdalawang - isip si Yasmin na pumunta sa park. Sa malayo, nakita na niya si Marga na nakaupo sa isang bench sa lilim ng isang puno. Malungkot ito at umiiyak. Napatigil si Yasmin at pinagmasdan niya ang kaibigan sa malayo. Naaawa siya. Hindi man niya alam ang dahilan sa pagtatalo nila pero para kay Yasmin naging biktima si Marga sa kagagawan ng lalaki na ang pangalan ay Bert. Nilapitan ni Yasmin si Marga. " Marga..." Inangat ni Marga ang mukhang nakayuko sa kaibigang nakatayo sa harapan. Agad tumayo si Marga at   niyakap at umiiyak siya sa kaibigan. Bakas sa mukha ni Yasmin ang awa at lungkot. "Yasmin.." ------ Samantala, pumunta si Xian sa bahay ng kanyang lolo. " Narito ka pala kuya, " hindi inaasahan ni Fara na darating si Xian. " Kumusta na si lolo?" tanong ni Xian habang papunta sa kwarto ng lolo niya. " Medyo okay na si Lolo," sagot ni Fara. Natutulog ang lolo nina Fara at Xian sa kwarto niya. Pinagmamasdan ni Xian ang kanyang lolo. May naaalala siya sa mga sinabi ng lolo niya noong bata pa siya. --Flashback--- " Hindi mo alam kung kailan darating ang babae na para sa iyo. Hindi mo alam na nariyan na pala siya sa tabi kung nakatingin ka sa iba.." sabi ni lolo. Naka - upo sila sa isang bench na nakaharap sa karagatan. " po?" He was 13 years old that time. " Hindi mo malalaman hangga't hindi mo aaminin sa sarili mo na mahal mo siya at may gusto ka!" " huh? Ano po ang inyong ibig sabihin?" " Kapag nawala siya,.. pagsisisihan mo ito. Ma- rerealize mo ito kapag wala na siya." " Paano po kung hindi niya ako gusto?" tanong ni Xian. " Ang tanong, paano mo malalaman na gusto ka niya kung hindi mo aaminin at tatanungin?" tanong ng lolo. " hindi ko po alam!" " pero bago mo itanong sa kanya, tanungin mo muna ang sarili mo.." payo ng lolo. " Kayo ni lola.. paano kayo nagkakilala?" tanong ulit ni Xian. " Napakahaba ng kwento.. Pero sa huli, kami pa rin!" sagot niya. Xian smiled. " Tandaan mo rin ito Xian.. Kung kayo ang nakatadhana, kahit lilipas man ang panahon, at maraming pagsubok na daraan, magkikita't magkikita pa rin kayo. Ipaglalapit kayo ng tadhana." -----end of flashback-- At the park " Ayokong mawala si Xian sa akin. Malapit na kaming ikakasal, bakit ngayon pa kami nagkakaganito!!? Natatalo rin kami noon pero hindi ganito na pagkatapos ay napakalamig niya. Anong gagawin ko?" humahagolgol si Marga na nakayakap kay Yasmin habang nakaupo na sila sa bench. Yasmin comforted her bestfriend. " Napakalamig ni Xian nang sabihin niya na he needs space. Para bang... parang sinasabi niya na kailangan niyang mapag - isa at ayaw niyang makasama ako." dagdag ni Marga. Sinagot naman ni Yasmin, " Baka gusto lang niyang mapag - isa at mag - isip." Nabigla si Marga sa sagot ni Yasmin and she reacted." Bakit? Iniisip ba niya na hiwalayan ako? Bakit siya mag -iisip? Di ba dapat mag - usap kami?" pasigaw na sabi ni Marga. " Baka kasi talagang masakit na makita ka na..." naputol ang pagsasalita ni Yasmin ng nagsalita ulit si Marga. " Hindi ko gusto 'yun! Binigla ako ni Bert! Bigla lang niya akong hinalikan!" paliwanag niya. Sa isip ni Yasmin," sino ba itong Bert at bakit ginugulo ang mga buhay namin. Iisa lang kaya sila sa lalaking nagloko sa akin.? Sasabihin ko ba kay Marga ang nangyari rin sa akin? Pero baka masama ang iisipin niya tungkol sa hotel at ang boss niya." Niyakap ulit ni Marga si Yasmin," Tulungan mo ako Yasmin! I love him so much! Ayoko mawala siya! Gusto kong matuloy ang kasal namin! Hindi ko kakayanin kung mawala siya!" umiiyak at may halong pagmamakaawa. " Matutuloy ang kasal mo! Magtiwala ka, maaayos rin ito! Hindi ka niya hihiwalayan ni Xian," saad ni Yasmin.. ------------ " How' s life Bert?" tanong ni Odette na nakita si Bert sa mall. " Thanks for it! Nakuha ko na," sagot ni Bert na ang raming dalang pinagshopping na paper bag. Nakasuot ito ng black coat with neck tie.and with black leather shoes na napakakintab. Naksunglasses rin ito na animoy isang mayamang CEO ng kompanya. " That's good! I'm happy to see you that you're enjoying it," sabi ni Odette. Nacurious si Bert," teka Ms. Odette, bakit ka galit kay Marga? Kahit sa office, you' re not in good terms." Humarap si Odette sa kanya, " Alam mo ba kung bakit? Dahil ayoko sa kanya! At hindi ako papayag na aangat siya. I will make sure, gagapang siya!" mataray na pagpapaliwanag niya. " huh? Bakit? Why you don't like her?" Hindi na sumagot si Odette. Naghiwalay na rin sila ng direksyon na pupuntahan. ----------- Mag - isang naglalakad si Yasmin sa daan. Napakalalim ng kanyang iniisip. Bigla siyang napahinto ng may humarang sa kanyang dinaraanan. "huh?" Si David. " Yasmin!" sabi ni David na nakatingin sa kanya. Napatalikod si Yasmin sa ibang direskyon para iwasan si David but hinawakan niya ang kamay ni Yasmin. Pinigilan niya itong umalis. " Yasmin! Pwede ba tayong mag - usap?" tanong ni David na nagmamakaawa. Sinagot naman ni Yasmin, " Ano ba ang dapat nating pag - usapan?" " Tungkol sa atin," sumagot si David. " Para saan?" " Sorry.. Sorry.. Sorry for what I've done. Dapat hindi ko ginawa 'yun. I really thought na okay lang sa iyo, " paliwanag ni David. " Ganoon?" mataray na sabi niya. Tinanggal niga ang kamay ni David na nakahawak sa kamay niya. " Yasmin!" At aalis na sana siya ng biglang lumuhod si David at hinawakan ang kanyang isang kamay ulit. " I'm sorry!! I'm sorry!!" sigaw ni David na nagmamakaawa sa kanya. Nagulat si Yasmin at kinabahan. It was her first time ba may lumuhod na lalaki sa harapan niya at nagmamakaawa. Ano ba ang dapat niyang gawin? " I'm sorry! Please forgive me!!" Hindi na naiya ito pinansin. Ang taray! Pinagtitinginan na sila ng mga tao na dumadaan. Nakakahiya ang ginagawa ni David. It was awkward! Nahihiya tuloy si Yasmin. Napalingon - lingon siya sa paligid at nakita ang maraming tao na nakatingin at nagbubulungan habang napapadaan sa kanila. Napilitan tuloy si Yasmin na pansinin si David. " Tumayo ka nga ryan! Pinagtitinginan na tayo!! Ano ba!!" pabulong niyang sabi. " Hindi ako tatayo hangga't hindi mo ako pinapatawad.," sabi ni David. " Ang sabi ko tumayo ka na ryan!!" pagalit na sabi ni Yasmin. " Okay fine! Tatayo na!" napilitang tumayo si David. Naiinis si Yasmin at hindi tumingin sa binata. " So, pinapatawad mo na ako?" pasweet na tanong ni David. " Hindi ko gusto ang ginawa mo?" paharap na sabi ni Yasmin kay David. " I'm sorry! Hindi na mauulit. I will ask permission next next time." sabi ni David na may ngiti sa labi. Napatingin na lamang si Yasmin. Yasmin's Pov " tama ba ang ginawa ko? Ano ba ang ibig sabihin nito kapag pinatawad ko na siya?" Hinawakan niya ang kamay ko at nag-holding hands kami. " kami na ba ulit?" Teka.. Tama ba? ------------ Mag - isang umiinom si Marga sa isang bar. Bakas sa mukha niya ang namumuot na galit sa lalaking si Bert. Hindi niya mapapatawad ito kapag hihiwalayan siya ni Xian. " Hindi ako papayag na mawawala si Xian sa akin dahil akin lang siya!" bulong ni Marga sa sarili habang umiinom ng whiskey sa isang bar. "At ikaw Bert, humanda ka!! Gagantihan kita sa ginawa mo!" ------------- Pinatunog ni Yas ang doorbell pero walang bumukas sa pinto. Bumalik si Yasmin sa condo unit ni Xian as what she promised. Tinawagan niya si Xian. " Hello, nasaan ka?" tanong ni Yasmin. Sinagot naman ni Xian, " Nasa bahay ako ng lolo ko. Ikaw, nasaan ka?" "Nasa harapan ng pinto ng condo unit mo!" sagot ni Yasmin. " Sige pupuntahan kita ryan. Huwag kang aalis!" sabi ni Xian Napatanong sa sarili si Yasmin, " Ano kaya ang sasabihin niya? Bakit pa ba ako bumalik rito?" Dumating si Xian sa condo unit niya. Sa labas, naroon si Yasmin at naghihintay sa kanya. Napatingin si Yasmin kay Xian na naglalakad patungo sa kanya. " Xian.." Nagkaharap na ang dalawa. Medyo nahihiya si Yasmin kay Xian. Hinawakan ni Xian ang kamay ni Yasmin at nagsabing," tara sa loob." But pinigilan ni Yasmin si Xian," teka lang." Nabigla si Xian at napatingin kay Yasmin. "Pwede naman na rito na lang tayo mag - usap sa labas," suggestion ni Yasmin. Humarap si Xian na napakaseryoso. " Yasmin.." " Xian.." kinabahan tuloy si Yasmin. Hinawakan ni Xian ang kamay niya. Tiningnan niya ito. Mas kinabahan siya. " May sasabihin ako sa 'yo na dapat matagal ko ng sinabi sa iyo," seryosong sabi ni Xian na nakatitig sa mga mata ni Yasmin. Ang lakas ng kabog ng dibdib ni Yasmin. Habang pinagmamasdan ang mga mata ni Xian, may naalala siya. Naririnig niya ang boses ni Marga, " I love him so much! Ayoko mawala siya! Gusto kong matuloy ang kasal namin! Hindi ko kakayanin kung mawala siya!" Yumuko si Yasmin at sabay sabing, " May sasabihin rin ako sa iyo." "Yasmin.." " Pwedeng ako muna ang mauna?" request ni Yasmin. Nagpaubaya si Xian. Ngumiti agad si Yasmin na nakaharap kay Xian. " May ibabalita ako sa iyo.. " " Ano naman 'yun?" nacurious si Xian. " Kami na ni David! May boyfriend na ako!" nakangiting sabi ni Yasmin. Nagulat si Xian! Nabitawan tuloy niya ang kamay ni Yasmin. Napatingin si Yasmin sa kanilang mga kamay at nabigla siya sa reaction ni Xian. Bakas sa mukha ni Xian ang pagkabigla na may halong kalungkutan. Naramdaman ni Yasmin ang sakit habang pinagmamasdan ang mga mata nito. Nakokonsensya siya na may halong emosyon. " Xian.." pabulong niyang sabi. Napatalikod si Xian agad at medyo namumula ang mga mata nito. " Xian.. ano naman ang sasabihin mo?" dahan - dahang pagtatanong ni Yasmin. Hindi makaharap si Xian kay Yasmin. He has teary eyes at sinisipon na siya. " Wala.. nakalimutan ko na! Huwag mo ng isipin 'yun!" paliwanag ni Xian. " Pero.." nag - aalalang tanong ni Yasmin. Agad binuksan ni Xian ang pinto at nagsabing, " Tatawagan nalang kita kapag naalala ko na.." Bakas sa mukha ni Yasmin ang pag - aalala. Pumasok na sa loob si Xian at sinarhan niya ng pinto si Yasmin. " Xian.." Yasmin' s pov " Tama ba ang ginawa ko? Pagsisisihan ko ba na hindi ko narinig ang sasabihin niya? Masama na ba ako dahil nagsinungaling ako! Nasasaktan ako kapag nakikita kang malungkot at nasasaktan. Pero ayoko ring nakikita ang kaibigan ko na masasaktan dahil sa akin. Xian, kung alam mo lang.." Sumandal siya sa pinto at napaiyak ito. Sa likod ng pinto, nakasandal rin si Xian. Pinipigilang umiyak. Nasasaktan siya sa kanyang nalaman. Huli na ang lahat. May boyfriend na si Yasmin. Hindi maalis sa isip ni Xian ang ngiti ni Yasmin na ibinalita niya na sila na ni David. Xian's pov Katulad ito ng dati. Nauulit muli. At ang masakit, siya talaga ang nagbalita. ---------- Sinugod ni Marga si Bert sa kanila. Ding dong! " yes? Teka lang.." sigaw ni Bwrt na dali - daling nagsuot ng damit pang - itaas. Pagkabukas niya ay sinalubong siya ng malakas na sampal. Pak! Nabigla siya! Napatingin si Bert kay Marga na galit na galit. " Hindi lang yan ang aabutin mo kapag hindi matutuloy ang kasal ko! Humanda ka!" galit na sabi ni Marga. Hindi na nakapagsalita si Bert dahil sa pagkabigla. Umalis naman agad si Marga. At Xian's condo unit. Naglasing si Xian. Umiiinom siya ng beer sa kanyang sala. Nakaupo ito sa sahig habang umiinom. Tumatawang mag - isa. " Buhay nga naman o.. Kung kailan aamin, may masamang balita naman ang malalaman. Wala na ba itong katapusan?" umiiyak na naman ito. " Bakit ba ganito? Bakit ako nasasaktan? Dapat masaya ako dahil may boyfriend na siya!! Hindi n asiya makakagulo!! " Nagsasalitang mag - isa si Xian. Sa mesa, may litrato si Yasmin noong nag - aaral pa sila. Mga araw na naroon pa si Yasmin sa paaralan. Kinakausap ito ni Xian, " Bakit? Bakit ka sa lalaking yun ka pumatol? Eh, mas gwapo pa ko roon? Mas matipuno! Eh, ang daldal noon.. Mukhang babaero!" hawak hawak niyabng litrato. Napabuntong hininga nalamang si Xian na nakatitig sa litrato," Bakit ba hindi ko masabi sabi? Tanga ba ako? Torpe? Natatakot? Bakit parating ganito? Noon hanggang ngayon!!" Uminom na naman siya at ng maubos na naman ang isang lata ng beer, tinapon niya ito. Binuksan ang isa pa. Nagkalat sa sahig at mesa ang mga lata. " Aaminin ko na Yasmin, crush kita noon.. At ngayon.. Love na kita!" hinalikan niya ang litrato. Mwahh!! Ding dong! Napalingon si Xian sa may pinto. " Yasmin!!?" Dali - daling pinuntahan ni Xian ang pinto para buksan. Pagkabukas niya, hindi niya inaasahang si Marga ang naroon. "Marga.? " " Xian.." Biglang niyakap ni Xian si Marga. Nagulat naman siya. Masaya si Marga sa ginawa ni Xian sa pagyakap sa kanya. Niyakap rin niya ito. He immediately grabbed the hand of Marga at pinapasok niya ito sa loob ng bahay. Mas nagulat si Marga. He closed the door at hinalikan niya si Marga. Hmmm.. Napapalakad sila habang naghahalikan patungo sa sala. Hanggang pinahiga ni Xian si Marga sa sofa. "Xian.." Napaka - init ng halik ni Xian na para bang may halong pagnanasa at sakit. Mahigpit na hinahawakan niya ang leeg ni Marga habang hinahalikan ang mga labi nito. Nasasarapan naman si Marga sa ginagawa ni Xian. " I know you miss me, Xian." Hinahalikan ni Xian ang leeg ni Marga. Napapaungol siya sa bawat halik nito. Napapaabot ng kamay ni Marga ang mesa. Kahit anu- ano na lang ang naaabot niya. Hanggang nakuha niya ang isang litrato. Nagulat siya kung sino ito. " Yasmin?" Napabangon siya sa pagkakahiga at nahulog si Xian sa sofa. " Yasmin?" Hindi siya makapaniwala na may litrato si Xian ni Yasmin. Napatingin siya sa mesa at nakita ang mga lata ng beer. Bakit siya naglasing? Napaisip tuloy si Marga kung bakit. Pinunit niya ang litrato dahil sa galit. Nakatulog na si Xian sa sahig dahil na rin sa kalasingan. Tinawagan niya si David. Ilang minuto rin sila nag - usap sa cellphone. Napatingin si Marga kay Xian na nasa sahig. " Akin ka lang Xian! Akin ka lang!" sabi ni Marga habang tinititigan niya si Xian na nasa sahig. Napangiwi siya habang pinagmamasdan ang kasintahan. Tinatanggal niya ang belt ni Xian ng biglang may nag door bell. Napalingon si Marga sa may pinto. " Asar! Distorbo naman!" naiinis na bulong niya sa sarili. Tumayo siya at pumunta sa may pinto para buksan ito. Naroon si Mrs. Zita, ang auntie ni Xian na mula sa probinsya na may dala itong bayong na puno ng gulay. Nakataas ang kilay ni Marga habang kaharap niya si Mrs. Zita. " Sino po sila?" tanong ni Marga. Napatingin rin si Mrs. Zita kay Marga from head to foot. " Sino ka rin hija? " Tinatanong ko po kayo. Anong kailangan nila?" mataray na pagtatanong ni Marga. " Narito ako para bisitahin ang pamangkin ko na si Xian. Nariyan ba siya?" tanong niya. Biglang naiba ang pakikitungo ni Marga sa bisita. " Aie, narito po siya sa loob auntie. Pasok po kayo!" inalalayan niya ang bisita. Pagkapasok niya ay nakita ang binata sa sahig na natutulog. Napakarumi at makalat ang sala. " Anong nangyari rito? May bagyo ba?" tanong ni Mrs. Zita. " Wala po," nahihiyang sagot niya. Pinuntahan agad ni Mrs. Zita ang pamangkin na nasa sahig. Napatanong siya kay Marga, " Sino ka ba hija?" " Uhm, I'm his fiancee po auntie," pakikilala ni Marga na napakasweet magsalita. "ahhh, ikaw pala ang mapapangasawa niya," sabi ni Mrs. Zita. Dahan - dahang pinatayo at inalalayan ni Mrs. Zita si Xian. " tulungan ko na po kayo," Marga said. Sinagot naman siya ni Mrs. Zita, " okay lang, kaya ko ito!" Nakakamangha si Mrs. Zita. Napakalakas niya na parang isang lalaki. Nakaya niyang ilipat sa kwarto si Xian na walang kahirap - hirap. Talaga namang napakalakas niya. Siguro dahil sanay siya sa mga gawain katulad nalang sa bukid. " Pwede kanang umuwi hija!" payo niya. " po?" nabigla si Marga. " I will stay here po at aalagaan ko po si Xian." " umuwi ka na at magpahinga," sabi ni Mrs. Zita. Walang magawa si Marga kundi umuwi. Asar! Bakit pa siya dumating? Kinabukasan. Sumasakit ang ulo ni Xian. " Naparami yata ang nainom ko kagabi!" Pumasok ang auntie niya na may dalang pagkain. Nabigla si Xian ng makita siya. " Auntie Zita?" " Ako nga!" sagot niya. " Kailan po kayo dumating?" tanong ni Xian. " Kahapon" " Ahhh, ganun ba." " Nakilala ko na rin sa wakas ang mapapangasawa mo." sabi ni Mrs. Zita " po? Narito si Marga?" napatanong si Xian. Nabigla siya sa reaction ni Xian, " Bakit ka nabigla? Narito siya kagabi habang ikaw naman ay nakahiga sa sahig dahil sa kalasingan." Walang naaalala si Xian sa mga nangyayari ng nalasing na ito. " Hay naku Xian, mag - ingat ka especially kapag lasing ka dahil hindi mo alam, nakakagawa ka na pala ng hindi dapat." sermon ng auntie niya. " Opo!" "Tsk tsk..kung buhay pa ang iyong ina, sigurado, pinagalitan ka na niya." Umalis na rin ang auntie ni Xian pagkatapos ibigay ang isang bayong ng mga gulay. Inani nila ito mula sa lupa nila Xian sa bukid. Tumawag si Marga kay Xian at nagpasalamat. " Thank you at pinatawad mo na ako. By the way honey, let's have vacation muna. This is my treat." masayang sabi ni Margam " sige," sagot niya. Marga planned to have a vacation trip. It will be three days and two nights. Naka impake na ang gamit ni Marga. Nakasuot siya ng off shoulder na maxi dress and high heels. Naka hat at sun glasses. Habang hinihintay nila ang yacht na sasakyan nila patungo sa lugar, dumating na ang kasama nila sa trip. Nagulat si Xian ng malaman na kasama nila sina David at Yasmin. Nabigla rin si Yasmin. " Marga.." napatingin si Xian sa kanya. " Naisip ko kasi na mas maganda at masaya kapag may kasama pa tayo. Is it okay with you?" pasweet na paliwanag ni Marga na hawak ang braso ng binata. No choice naman si Xian. Awkward sa dalawa, kina Xian at Yasmin ang trip na ito. Bakit kaya? Dumating na rin ang yacht. " yehey!" excited na sabi ni Marga. Hinawakan ni Marga ang kamay ni Yasmin. " I'm so excited bff! This is my dream na magkasama tayo sa isang trip na kasama natin ang mga boyfriend natin." masayang sabi ni Marga. Napilitang ngumiti naman si Yasmin. Sumakay na sila sa yatch. Nagbihis silang apat ng pangligo. Nakashorts ang dalawang binata at naka two - piece naman ang dalawang babae. Habang nakaupo sa isang couch at umiinom ng wine si David, nakatitig siya kay Yasmin na nakatayo kasama si Marga labas. Tumigil ang yatch sa gitna ng dagat. Nagseselfie silang dalawa sa init ng araw. Medyo mahangin at lumilipad ang kanilang mga buhok. Maaliwalas ang panahon. Si Xian naman ay nasa loob at umiinom ng wine malapit kay David. Hindi nag - uusap ang dalawang binata. Napansin ni Marga si Xian na napakaseryoso sa loob. Niyaya niya itong lumabas at mag papicture gamit ang cellphone nito. " picturan mo naman kami Yasmin," requested by Marga. Pumayag naman si Yasmin, " sige" Nakangiti si Marga na nakapulupot sa braso ni Xian ang kamay niya. Napakaseryoso naman ni Xian na hindi man lang ngumingiti. " Okay, ready?" Habang tinititigan ni Yasmin sila, medyo nagseselos ito. Click! " isa pa!" sabi ni Marga. " okay!" One two three.. Sabay hinalikan ni Marga si Xian. Nabigla si Xian. Nabigla si Yasmin. Click! " Sorry, honey. Nabigla ka ba?" tanong ni Marga. Hindi na makatingin si Yasmin sa dalawa. Sumisikip ang dibdib nito. Nasasaktan siya na para bang may tumamang malaking bato sa puso nito. Napatingin si Xian kay Yasmin at mukhang nagseselos ang dalaga. Biglang hinawakan ni Xian ang pisngi ni Marga at hinalikan niya ang labi nito sa harap ni Yasmin. Nanlaki ang mga mata ni Yasmin. Nagulat si Marga sa ginawa ni Xian pero nagustuhan niya ito. Alam niyang nakatingin si Yasmin sa kanila.. Napatalikod agad si Yasmin . Nakatayo pa rin ito roon na para bang naninigas ang mga paa nito at hindi makagalaw. Dumating naman si David at hinablot niya ang kamay ni Yasmin. Nakaalis na rin sa wakas si Yasmin roon kung saan naghahalikan sina Marga at Xian. Habang papalayo sila David na hawak ang kamay ni Yasmin papasok, nakatingin si Xian. Nakatingin ito habang hinahalikan si Marga. Bumaba sila sa loob at pumunta sa isang kwarto sa baba. Binuksan ni David ang pinto ng kwarto at pumasok silang dalawa roon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD