IN LOVE NA NGA

3392 Words

JEAN'S POV Kanina pa ako naihatid ni Keyf sa bahay at kanina ko pa rin yakap-yakap itong teddy bear na binili niya dahil sa natalo ko siya sa shooting basketball na paborito niyang laruin sa Happy Land. “Napakalaki at napakaganda naman niyan, Anak,” sabi ni Nanay nang mapansin niya ang yakap-yakap kong teddy nang makarating ako sa aming bahay. Ngumiti naman ako rito. “Opo, Nay. Ang laki-laki po niya, at ang sarap-sarap pa pong yakapin!” sabi ko na muli ay niyakap nang mahigpit ang aking teddy. “Aba’y nakakatuwa naman iyan. Eh sino ba ang nagbigay sa iyo niyan? Binili mo ba?” tanong ni Nanay Lusing sa akin. Naupo naman ako sa couch dahil akin munang ibinaba ang aking gamit. “Um… Binili po ito ni Keyf para sa akin dahil natalo ko po siya sa isang laro.” Nakangiti kong tugon kay Nanay.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD