KEYF's POV I am really wondering if what's going on with Jean. Okay naman siya kanina sa campus nang magkakasama kami, then nag-start na siyang mag-iba nang natapos silang mag-restroom ni Amery. Iyon lang kasi ang huling ginawa niya bago mag-iba ang kanyang mood. At nag-alala ako pero hindi ko lang muna iyon sinabi sa kanya. Gusto ko kasing siya ang magsabi sa akin at hindi ako ang unang magtatanong. Pero dahil hindi ko rin naman kaya ang nakikita ko, tinanong ko na siya. "Mal…" Tawag ko sa kanya. Nasa garden nila na kaming dalawa kasi tapos na kaming mag-dinner. Hindi ko na kasi matiis pa. Gusto ko kasing sabihin sa kanya na kung ano man ang nagpapagulo sa kanyang isipan ay nandito naman ako upang kanyang mahingahan sa nga problema niya. Nandito lang ako para makinig sa kanya.