JEAN'S POV Hindi ko maintindihan ang mga palipad-hangin ni Keyf the past few days. Para bang may laman na wala? Ganoon. Gustuhin ko mang bigyan ng ibang kahulugan, pero kasi baka mamaya umasa lang ako sa wala. Kaya hinahayaan ko na lang kung ano ang mga palipad-hangin niyang iyon. Basta ang mahalaga ay maayos kami, nagkakasundo at hindi na nag-aaway pa. Basta ang alam ko ay hindi na kami nagbabangayan at mas lalong hindi ko na siya kinaiinisan pa. Kaso ang hirap kasi talaga isiping wala lang ang mga patama niya sa akin eh. Tulad ngayon... "Me? Bakit naman ako?" Tanong ko sa kanya. Nagulat kasi ako. "Ha? Kasi I-----," hindi niya natuloy ang sasabihin niya nang biglang mag-ring ang phone niya. Napatingin tuloy kami pareho sa cellphone niya. Sinagot naman niya. Pero naka-loud speaker