One year had passed already. Sing bilis ng isang bagyo ng dumaan ay naging ganoon din kabilis ang paglipas ng isang taon para sa amin ni Jean. Masaya pa rin naman kaming dalawa. Palagi ko pa rin siyang sinosorpresa at hindi iyon nawawala lalo na kapag monthsarry naming ang aming sine-celebrate. Hindi ako nauubusan ng mga naiisip na sopresa para sa kanya. Gusto ko lang naman kasing maiparamdam sa kanya na napakahalaga niya sa akin. Na hindi ako nagkamali na ipaglaban ang kung anong meron sa amin. Siguro kung hindi ako nagkaroon ng lakas ng loob noon na i-approach siya na kasama niya si Nick, malamang ay pinagsisisihan ko iyon ngayon. Mabuti na lamang at nagkaroon ako nang lakas ng loob. Naka-graduate na rin pala kami nila Jean. I still remember that day. Lahat kami ay masaya. L