Maaga akong nagising kinabukasan at talaga namang masaya ang aking naging paggising. Nakangiti ako nang magmulat ang aking mga mata. Napatingin ako sa kabilang kama. Nahihimbing pa si Eunice dahil siguro naparami na naman ng kanyang nainom kagabi, kaya naman bagsak talaga kagabi ang lola ninyo. Napangiti na naman ako. Hindi niya kasi nakita ang nangyari sa aming dalawa ni Keyf kagabi since wala pa talaga siya sa kwarto nang matulog ako. Hindi ko na namalayan talaga ang pagbalik niya sa aming kwarto. Bumalikwas ako nang upo sa kama nang biglang mag-ring ang phone ko. Napatingin ako sa nag-register na pangalan sa cellphone ko. Calling… Keyf Sinagot ko naman ito. "Good morning, Mal…" bati niya sa akin. Napangiti naman ako dahil boses agad niya ang narinig ko. Although gising nam