CHAPTER 03

1870 Words
"YOU look pale. Are you okay?” tanong ni Willard nang mapansing hindi siya mapakali at nasa ibayo ang tingin ng isinasayaw na dalaga. When he followed her gaze he saw what he was looking at. “Nagseselos ka ba sa ka-sweetan nila?” Willard rebuke in amusement tone. Nahihiyang ibinaling ni Selena ang tingin sa kasayaw. Napangiti sa sinabi nito. “Nah, hindi lang ako makapaniwala na natagpuan rin ni Ivo ang babaeng para sa kanya.” “Hmm, why? Do you wanna get married too? Well, naghihintay lang ako rito sa ‘yo.” Natawa si Selena. Mahinang sinuntok sa dibdib ang lalaki. “Loko, hindi iyon ang ibig kong sabihin.” she’d answered. “Then why? Tell me, Selena.” “M-malaIamig lang dito sa loob.” Pagsisinungaling ni Selena bagaman hindi maitatanggi ang nakikitang tension sa mukha. Mula pa kanina'y hindi na niya maiwasan ang mga kakaibang tingin sa kanya ni Ivo. Ni hindi siya makatingin ng diretso sa mga mata ng lalaki bagaman pinipilit pa rin niyang maging pormal sa harap ng mga ito. Wala sa loob na natuon ang pansin niya sa babaeng sumungaw sa entrada. Si Lissette, glamorous ang suot nito ng gabing iyon. At halatang hinahanap ng mga mata nito si Ivo at ng matanawan ang hinahanap ay kaagad inakay ang sarili. Nakita niya si Ivo at Graciela na maligayang sinalubong ang babae. Somehow, her reaction was engulfed in her heart with something heat. Nasalubong ang mga kilay niya ng halikan ni Lissette sa pisngi ang lalaki. Well, walang eccentric doon. Ngunit hindi niya maintindihan kung bakit kailangan niyang bigyan iyon ng pansin. Inalis niya ang mga mata sa mga ito at nag-concentrate sa pagsasayaw. "May hindi magandang hangin ang nasa pagitan ninyo ni Ivo?" tanong ni Willard. "May problema ba gayong makalipas ang anim na taon ay nagkita kayo ulit?"May problema ba gayong makalipas ang anim na taon ay nagkita ulit kayo?" She shrugged her shoulders. "Maybe he got angry when he found out I was working here.” "I see no reason for that, Selena. You used to stay with them before at magiliw sa ‘yo si Don Sebastian. And you are very efficient secretary. Kung baga, he could have at least be vigilant about it. Hindi dapat sa welcoming party niya." "H-huwag na natin siya pag-usapan, Willard. Marahil ay pagod lamang si Ivo at may jetlag pa." Iwas niya. Nang matapos ang musika at pumailanlang ang bagong tugtugin at hindi pa dapat pakakawalan ni Willard ang mga kamay ni Selena ng tapikin ni Ivo ang balikat ng lalaki. "That is enough, pare. Its my turn." biro nito. "Sure, Ivo." Pagpapaubaya ng binata. Naglaho sa isip na may hindi magandang hangin ang namagitan sa kanilang dalawa ng lalaki. Ilang saglit pa ay nasa mga bisig na ni Ivo ang dalaga. "So, you're my secretary now, huh?" anito sa matabang na tono. "You took so many advantage of my grandfather will to make yourself comfortable here. Just to fit yourself in with rich people who wear fancy clothes. Well done! Selena Estacio. Well done! Nagawa mong sumuhot sa pinaka-maliit na butas ng karayom. Pero kung sa tingin mo ay nasa iyo na ang lahat! Diyan ka nagkakamali, hindi mababago ang pananaw ko sa isang tulad mong galing lang sa hirap." sarkastikong wika sa kanya ng lalaki na hinapit siya sa bewang. Isang marahan na paghinga ang pinakawalan niya. She couldn't figure out what to answer. Ang tanging alam lang niya ay ang mga bisig na nakayakap sa kanya at ang matipunong dibdib na halos naririnig na niya ang pagpintig ng puso nito. And the expensive brand of its cologne that tickling all her senses. Idagdag rin ang walang itulak-kabigin paghuhumirentado ng kanyang dibdib. "Ano ba ang sinasabi mo, Mr. Carbonell." Pormal niyang tanong sa lalaki. "Stop being a hypocrite, Selena! Alam ko at alam mo kung ano ang ibig kong sabihin.” Sagot nito dahilan para mapalunok siya. "Ang perang ipinamana sa ‘yo ng Lolo. Saan mo ginamit? Sa luho mo ba o nagtrabaho ka pa para may mabiktima ka pang mayayamang matandang lalaki? At sino sa mga negosyanteng mayayaman ang narito, Selena?” Patuloy nito sa pagtuya sa kanya. She flinched silently. Pilit na pinapawi ang hapding nararamdaman sa dibdib. Then she tried to meet his gaze. "Where have you been all these years, Ivo?" Kasuwal niyang tanong na sinisikap na ilayo ang topic tungkol sa kanya. "Here, there and everywhere. May mga mata ako na kaya kang subaybayan saan man, Selena." He hissed on her ear. Napapikit siya sa dalawang kadahilanan. Mula sa galit na tinig nito at dahil sa mainit na haplos ng haninga nito sa tainga niya na nagpatayo sa mga balahibo niya sa katawan. "But I'm not going to waste my time and prosperity para lang alamin kung ilang uuguding matandang mayayaman na ang naakit mo." Muling saad nito at lalong hinigpitan ang pagkakayakap sa kanya. "Y-you're holding me so tight . . . Ivo.” Bulong lang iyon dahil maaaring marinig ng mga nagsasayaw pero parang kulog ang dating niyon sa pandinig niya. "Kung isasayaw mo lang ako at ganyan ang pagkasuklam mo sakin, mas mabuti pa sigurong bumalik na tayo sa kanya-kanya nating mga upuan." Tinangka niyang kumalas dito subalit mas lalo lang siyang hinapit nito ng mahigpit. "Do you think you can easily get away with me like that, woman?" wika nito sa matigas na tinig. "A-ano ba talaga ang gusto mo, Ivo?" Pilit itinatago ang panginginig na wika ng dalaga. Nakita niya ang pagtagis ng mga panga ni Ivo na hindi niya kayang paglabanan. Kasing dilim ng gabing kalangitan ang mga mata nitong nakatitig sa kanya. At hindi niya kayang pagkatitigan ito ng matagal. Tila siya nalulusaw na kandila. "Itatanggi mo ba na ikaw ang dahilan kung bakit napadali ang kamatayan ng Lolo, Selena?" "Pinaniwalaan mo iyon, di'ba?". Mahinang sagot ng dalaga. "At natitiyak kong hanggang ngayon nakatanim pa rin diyan sa dibdib mo ang galit mo sakin." "Of course!" Marahas nitong sabi sa pabulong na paraan. Inilayo siya sa maraming tao at sa paningin ng marami ay banayad siyang inaakay patungo sa likurang bahagi ng bulwagan kung saan walang tao ang naroroon. Pero halos mapugto ang pulso niya sa higpit ng pagkakahawak nito na siyang pag-pinakawalan nito ay mag-iiwan iyon ng pulang marka. May mga nagsasayaw na nagsasalubong ang mga kilay. Ang mga natatandaang kakilala ni Ivo ay matabang nitong nginingitian. Marahas nitong pinakawalan ang dalaga ng sila na lang ang tao. "Malaki ang binigay na tiwala sa ‘yo ng Lolo, Selena. Simula pa noong namatay ang kinikilala mong ina na si Dolores. After all, he considered you as his own granddaughter. Pero sinira mo iyon at nagdala ka pa ng eskandalo ng umagang iyon!". Hindi niya ipagkakaila ang paratang iyon ng lalaki sa kanya. Pinatira, pinag-aral at itinuring si Selena bilang parte ng pamilya ng mga Carbonell. Labis rin nagdalamhati ang dalaga sa pagkawala ng Don. Mabait, matulungin, at magaling makisama ang Don sa mga katulad niyang mababa ang estado sa buhay. Kung kaya't malaki ang pagpapasalamat niya sa yumaong si Don Sebastian. Hindi siya itinuring ibang tao. "Alam ko . . ." she managed not to break her voice. "But it would be useless if we were talking about it all here, Ivo". Dumilim ang anyo nito. Bahagyang nasaktan si Selena ng marahas na itulak siya ng lalaki sa pader. Ang mga kamay ay humarang sa magkabilang gilid niya. "Damn it! Sinasabi mo bang walang kabuluhan kung dito kita aakusahan sa mga ginawa mo dati?" Ivo's said in a dangerous voice. "Why, Selena?". Dagdag pa nito sa mariin na tinig. Bumilis ang pag-tahip ng dibdib niya. Napagtantong halos magkalapit na ang mga mukha nila sa isa't-isa. She could smell the liquor from his breath at direktang naghahatid iyon ng isang pamilyar na damdamin sa kanya. And she would die anytime kapag hindi siya kaagad makawala sa mga tagos kaluluwa na titig nito. She tried to suppress her feelings. Bahagyang itinulak ang lalaki palayo. "Ayoko lang masira ang magandang gabing ito para sa ‘yo, Ivo. Kaya't hanggang sa maaari huwag na muna natin bigyan ng aberya ang selebrasyong ito". "For your information, kanina pa sira ang gabi ko ng magkita tayong muli, Selena". He snapped in a ghastly tone. "At gusto ko lang ipaalam sa ‘yo na araw-araw na tayong magkikita at magkakasama". Meaning, araw-araw ay ganito ang sitwasyon nilang dalawa. So, kung ngayon pa lang ay pinipilit na niyang maging pormal at mahinahon. Paano pa sa mga susunod na mga araw? "Of course," sang-ayon niya. "Malibang gusto mong magkaroon ng ibang sekretarya. Maaari kang pumili sa secretarial pool". "Oh no, you can't get away from that easy. I will be watching you every minute, tulad ng isang magnanakaw". Banta nito sa kanya. At gusto niyang humiyaw sa huling sinabi nito. "Masakit na ang ulo ko, Ivo. Bumalik na tayo sa loob". Nakikiusap ang tinig niya. Subalit bago pa makasagot si Ivo ay lumitaw sa pasilyo si Graciela, Lissette at ang bata. "Oh, there you are babe, kanina ka pa namin hinahanap ni Lissette at little Hanz". Si Graciela. Ikinawit ang mga kamay sa braso ni Ivo. "Hello, Tito daddy. It's so crowded inside." Nagpakarga ito sa lalaki. Si Lissette ay natuon ang pansin kay Selena. Nang makilala ay biglang nailang. "Y-your name is Selena, aren't you?" Napalingon sa dako niya si Graciela. Tila noon lang napansin ang presensiya niya. She raised her face at the thought. "Hello, Lissette?” "Oh well, I'm glad to see you again, Selena." Tumaas ang mga kilay niya. May pakiramdam siyang pakitang-tao lamang ang pagsalubong ni Lissette sa kanya. Marahil kung sila lamang dalawa ay lalabas ang tunay na ugali nito. "Really?" aniya sa matabang na tono. "After so many years, Well, I have forgiven you for all that you've done to our family, Selena." "Hypocrisy becomes you, Lissette." Pagkasabi no'n ay taas noo siyang lumakad pabalik sa loob. Si Lissette ay kasuwal na humarap kay Ivo at Graciela. Si Ivo ay magkasalubong ang kilay sa hindi maintindihang namagitan sa step-sister at kay Selena. "What does it all mean?" Tanong ni Graciela. Bakas ang pagtataka sa mukha. "Bakit naririto ang babaeng iyon, Ivo?" Hindi mapigilang tanungin ni Lissette. At hindi pinansin ang nagtatanong na si Graciela. "She works here as Mr. Gozon's secretary, as stated in my Grandfather's will, And now my secretary.” "What? Papahintulutan mo siyang mag-trabaho rito, pagkatapos ng nangyari kay Lolo?” "Mananatili siya sa trabaho hanggat wala pa siyang ginagawang masama. Ayon sa record ng kumpanya. She started work here three years after we left. Ibig sabihin, limang taon nang walang maipipintas si Mr. Gozon sa kanya. And I cannot terminate her kung wala naman dahilan. Bukod pa sa ayokong maakusahan ng unfair labor practice ay hindi maico-consent ng testament ng Lolo iyon. She will be terminated if she would do something wrong to her job, na siyang makakabali sa will ng Lolo." "Bakit ganoon na lang ang pagmamalasakit ni Lolo sa kanya, Ivo? Gayong sampid lang ang babaeng iyon sa pamilya natin." Nagkibit-balikat ang lalaking si Ivo. "He was just simply captivated by her innocent and angelic look." Tiim na litanya ni Ivo.

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD