Nakahiga ako sa couch habang nakapatong sa may tiyan ko ang isang bowl ng cereal at naka-tuon ang paningin ko sa T.V. Pero kahit anong gawin ko ay nakakaramdam pa din ako ng inip. Pati na din yung bahagyang pagsakit ng puson ko ay nararamdaman ko. Huwag naman sana akong magkaroon ngayon o bukas. Baka hindi ko ma-enjoy ang party dahil lang sa meron ako. Minsan kasi, may mga panahon na halos hindi ako makatayo kapag meron ako. Minsan naman, parang wala lang. Napatingin ako sa may staircase nang makarinig ako ng mga yabag. Nakita ko si Jace na naglalakad pababa habang niro-roll ang longsleeve niya. Bihis na bihis siya ngayon, ah. Huwag niyang sabihin na papasok siya sa trabaho dahil past 11 na. "Saan ka pupunta?" tanong ko nang tuluyan na siyang makababa sa hagdanan at makalapit sa kinaror