"Good morning. You're up early." Bati ng isang tinig mula sa likuran ko pag-labas na pag-labas ko sa pintuan ng kwarto ko. Noong una ay nagulat ako dahil medyo wala pa ako sa sarili ko, pero nang humarap ako sa nag-salita at nakita ko siyang nakatayo sa may malapit sa kwarto niya at nakatingin sa akin habang may dala-dalang isang mug ay hindi na ako sumagot pa saka na umalis sa harapan ng pintuan. Bumaba ako at tumungo sa may kusina. Well, wow. May nakahanda ng almusal. Malamang ay siya ang nag-handa ng lahat ng ito... at siya lang din ang mag-isang kakain. Kumuha ako ng tubig at isinalin sa baso saka ininom. Mas maganda daw kasi na kapag bagong gising ka, instead na kape ang inumin mo ay tubig. Ilang sandali akong nag-stay sa kusina at nag-isip kung ano ang susuotin ko mamaya sa 'Part