Bago ko buksan ang gate, tinignan ko muna si Karlo kung nandoon pa siya, at oo... nandoon pa nga. Pero hindi siya, 'yong sasakyan niya nalang. Pumasok ako sa loob, at binuksan ko ang front door. Nakita ko si Manang at si Jace na nasa sala, may pinag-uusapang hindi ko alam dahil tumigil sa pagsasalita si Manang nang makita niya ako. "Hi!" Bati ko. Ngumiti ako sakanya. Lumingon naman si Jace sa gawi ko, pero agad din niyang inalis 'yon. Parang wala lang siyang nakita, parang multo ako na nakikita ni Manang at hindi niya ako makita. Isinarado ko ang pinto. "Bihis lang po ako," paalam ko. Tumango naman si Manang, at si Jace? Wala lang. Ni hindi na niya ako nilingon ulit. Pumunta ako sa kwarto at inilapag ang bag ko sa bedside table at nagbihis. Kinalkal ko ang cellphone ko at tinignan, per