Pagpasok ko sa kwarto ay hindi ko na inabala ang sarili ko na buksan pa ang ilaw kahit madilim. Kabisado ko naman ‘tong kwartong ‘to kahit takot ako sa dilim. Ni-lock ko nalang 'yung pinto. Papatayin ko din naman mamaya, eh. Dumiretso ako sa banyo, sinidihan ang ilaw at sinarado ang pinto at nag-tootbrush. Hindi ako makakatulog nang hindi nagtu-toothbrush. Pagkatapos ay lumabas din ako at lumakad patungo sa kama at humiga ng nakatagilid. Hindi ko na din papalitan 'yung suot ko kahit medyo basa ng kaunti. Tinatamad na ako. Mababaliw ata ako sa mga pinagsasasabi ni Karlo, eh. Ito namang si Jace, naniniwala yata! Pati si Manang! Bakit ba pakiramdam ko, cheater ako? Patas lang naman kami, ah. Una palang naman, cheater na siya, eh. Babaero, malandi. Kumbaga pokpok siya! Pero bakit ako nakakara