"Best, hindi ako maka-get over sa nakita ko!” Tili ni Hansal habang niyuyugyog ang mga balikat ako. Hell! Ako ba naka-recover na sa mga nangyari? Hindi pa din naman, ah! “Totoo ba talaga ‘yon? Sigurado ka ba talaga, Hans?” Tanong ko dahil hindi talaga ako makapaniwala. Baka panaginip na naman ang mga iyon! Ayoko nang makaramdam ng disappointment. Hinampas niya sa akin ang Piattos na hawak niya. “Gago! I’ve seen it! My two naked eyes seen it!” Wika niya habang tinuturo ang dalawang mata. “Sa tingin mo, biro lang ‘yun? Tanga talaga!” Sabay hampas na naman ng Piattos sa braso ko. Nadito kami sa cafeteria. Dito na kami dumiretsong dalawa pagkatapos naming mag-review sa Accounting. “Kasi naman baka nananaginip na naman ako, eh?” Kunot noong sabi ko. “Napaniginipan ko kasi siya kagabi na magk