Pabaling-baling ako sa kama habang nakahiga. Kahit anong gawin kong pikit nang mata, hindi ako makatulog dahil kahit nakapikit ako, pakiramdam ko ay nakatunghay sa akin ang lalaking sinasabi niya. Kanina pa ako balisa! Pagkapasok na pagkapasok namin sa kwarto niya, kaagad akong nag-dive sa kama at nagtalukbong ng kumot. Hindi ko na din pinapatay ang ilaw dahil kung anu-ano na ang pumapasok sautak ko. Nai-imagine ko yung lalaking sinasabi niya. Jesus! Tumagilid ako nang higa kung saan ay nakikita ko ang likuran ni Jace dahil nakaharap siya sa kabilang side... at ang layo niya sa akin! Akala ko nga kaninang hilain niya ako patungo dito, may something siyang gagawin. Mabuti nalang at wala... pero ngayon, gusto kong sabihin na lumapit siya sa akin, pero nahihiya ako. Baka sabihin niya na pin