"Ano mo nga ulit ako?" Bumuntong hininga ako at napa-iling. Maka-ilang ulit na ba niya itong itinanong sa akin? Hindi ko na mabilang. Pero nakaka-irita na dahil maka-ilang ulit ko na din siyang sinagot. Kanina okay pa, eh. Pero ngayon, talagang napipikon na ako. "Amo, Jace. Amo! Nyeta! Kapag nag-tanong kapa, ihahampas ko na sayo 'to!" Pikon na pikong sabi ko habang naka-turo sa lampshade. "Are you sure about that?" tanong niya kaya tumango ako nang wala sa loob. "Eh sino 'yung boyfriend mo na sinasabi mo? The guy next door?" Tanong pa niya na talagang pumitik sa pasensya ko. "Bwisit naman talaga, eh! Wala akong boyfriend! Wala! Tantanan mo na nga ako!" Sigaw ko at pabagsak na umupo sa kama. Sinundan-sundan niya ako kung saan man ako pumunta para lang sa walang kwentang tanong. Pati