Nagising ako ng dahil sa kumakalam kong sikmura. Parang may kung anong umiikot sa loob nito at humihilab na hindi ko maintidihan. Bigla akong napabangon at napatakbo patungo sa banyo dahil yung umiikot sa loob ay napunta na sa lalamunan ko. Pagpasok ko sa banyo ay lumabas lahat ng ng laman sa tiyan ko. At ang sakit sa lalamunan dahil parang naramdaman ko ang gaspang sa tuwing susuka ako. Hindi ko alam kung ilang minuto akong nasa loob at kahit wala ng lumalabas ay suka pa din ako ng suka. Gosh! Hindi na talaga ako iinom! Nakarinig ako ng katok mula sa labas ng pintuan at ang boses ng Mama ko "Anak, okay ka lang ba?" tanong nito na may pag-aalala sa boses niya. Nagmumog muna ako at naghilamos ng mukha bago sumagot. "Opo, Ma. Okay lang ako." "Sige. Bilisan mo diyan at kakain na tayo. Ala