NAKAPANGALUMBABA si Gracia sa lamesang nasa bakuran habang hawak-hawak nito ang isang tangkay ng pulang rosas na pinitas niya kanina mula sa mga tanim ni nana Rosing. Hanggang ngayon ay nasa isipan niya pa rin ang mga sinabi ni Jen sa kaniya kanina, bagay na siyang nagpapagulo sa kaniya at nagbibigay ng kurot sa kaniyang kaibuturan. Medyo nakaramdam din siya ng inis sa binata dahil sa ginawa nito. "Ang lakas ng loob na nakawin ang first kiss ko tapos siya pa itong may ganang umiwas sa 'kin." inis na saad nito pagkuwa'y nagpakawala ng malalim na buntong-hininga. Paano? Nakita niya ito kanina na pababa ng hagdan at bihis na bihis. Sumunod siya rito hanggang sa garahe kagaya ng palagi niyang ginagawa tuwing papasok na ito sa trabaho at ipagmamaneho niya ito, pero kanina—laking gulat ni Gracia