"OCTAVIO!" anang babae habang nakaupo ito sa kaniyang wheelchair. Kasalukuyan itong nasa garden ng ospital kasama ang nurse na nag-aalaga rito upang mag pahangin. "Are you there Octavio?" tanong pa nitong muli pagkuwa'y dahan-dahang kinapa ang baston na nasa gilid ng kaniyang wheelchair. "Nurse, m-may kasama ba tayo rito?" "Yes ma'am Siti. May bisita po kayo." tugon naman nang nurse. "Iiwan ko po ba kayo saglit rito?" "Yes please! Thank you!" ngumiti pa ito ng matamis. Nakatayo lamang si Octavio sa gilid ng bakal na lamesa habang matamang nakatitig sa bulag na dalaga. Matapos niyang pagsawain ang paningin ay naglakad ito dahan-dahan palapit sa puwesto ng babae. "O-octavio?" aniya. Kahit puro dilim lamang ang kaniyang naaaninag, alam niyang nakatayo malapit sa puwesto niya ang binat