Agatha Beatrix's POV Nakatingin ako sa pintuan ng manager ko ngayon habang hawak ang isang envelope na naglalaman ng resignation letter ko. Tulad ng pinag-uutos sa akin ni Nicolas kaya narito ako ngayon sa harapan ng opisina ni Ms. Hessa. Alam kong ayaw ni Nicolas na mapahiya siya kapag nalaman ng mga tao na ang magiging asawa niya ay isang waitress lamang sa bar kaya naman aalis na ako dito. Ayoko rin na bumalik pa siya sa pag-aakto niya noon. Mas gusto ko siya ngayon. Mas gusto ko ang ugali niya ngayo kahit na iinis pa rin ako sa mukha niya minsa. Parang gusto ko ngang puntahan si Liam para lang alamin kung anong nangyari sa kanila ni Nicolas. Gusto kong malaman kung ano ang ginawa niya para lang maiwasan kong gawin kay Nicolas. Hindi dapat ako nagiging ganito at hindi dapat ako nagka